Documented dapat ito
Dapat Vigilante tayo ng konti
Sumuweldo ba ng buo?
Kalahati ang Sweldo?
O walang sweldo?
Dalawang Council meeting ng August di umattend ng meeting
Sabi sa Local Government code ang Honorarium mo ng Barangay Official naka depende sa pag attend ng meeting.
Tignan na lang natin kung pinasweldo pa ng barangay. Kawawa naman ang treasurer kung nabigyan ng honorarium. Baka utos ng kapitan yan.
Form of Corruption kasi yan. Abangan na lang natin. Public Document naman yan. September palabas natin compensation..
Taong bayan ang bida hindi ikaw..
Team ni ISAY para sa Barangay St. Peter
Barangay Services
Dami na kami Leaders
Pero nagdadagdag pa din kami.
Wag kayo mahiya karapatan nyo ang kailangan ipaglaban natin.
PM lang po tayo.
Yung natalo 5 years ago
Sya yung nag request ng voters registration para sa Barangay St. Peter noong 2018.
Sya din yung naka coordinate kay kapitan para sa Tupad Program kahit ok lang na di na nya pwede bigyan ang barangay.
Bumili din sya ng pang disinfect para sa laban ng covid.
Nakipag uganayan sya sa NGO para mag misting sa buong barangay
Namigay sya ng Vitamin C
Namigay sya ng ayuda para sa barangay.
Namigay sya ng food pack mula sa Bagong Henerasyon partylist.
Higit sa lahat pinupuntahan sa bahay ng kabaramgay kasi alam nila bahay nun.
Tanong lang?
Bumili ka ba ng disinfectant machine o ang barangay?
Namigay ka ba ng vitamin C ?
Nagbigay ka ba ng ayuda?
Mula sa iyo...
Gumastos ka wag puro asa sa barangay.
Yung tinanggal mo sa listahan ng covid vaccination.
Yung nilagay mo sa ilalim ang id nya kahit nasa harap mo na.
Kausap ng team ni isay mga doctor ng health center wala sila karapatan magtanggal ng pangalan kasi barangay ang nagpalista.
Sa aming pagkakaalam nais mo ipadala ang ayuda na galing QC Government sa Bicol na kamag anak mo.. Kailangan mo ba ng patunay. Nandyan si dati mong kaibaigan na kausap mo at sinabihan mo. Anytime pwede sya magpatunay. Ready daw sya.
Form of Corruption!
Yung absent ka lagi sa Council Meeting ng Barangay.
Yung Honorarium kasi dun naka base sa attendance ng meeting.
22/08/2023
Voters Education!
Devoted ISAY Villanueva Ako!
Kasama ang mga bagong DIVAs nagkaroon po ng voters education ang Team ni ISAY. Naimbitahan sa pulong na ito ang mga taga Sibuyan at Malaya.
Dito pinag usapan ang kanilang karapatan sa pagboto. Ang edad 30 pababa ay boboto ng 2 beses para sa SK ang isa. Pinag usapan dito ang mha programa ng team ni ISAY. Sa maayos na pag uusap na punta ito sa kanilang pagsama sa National Shrine of Padre Pio sa Batangas at Picnic Grove sa Tagaytay.
Nakita na nila ang Team ni Isay ay meron programa na ibaba sa kanila. Sa panahon ngayon ilatag dapat amg programa hindi patama.
Nagpakilala ang bawat isa at ang kanilang bahay kung saan sila matatagpuan kahit sa gabi.
19/08/2023
Team ni ISAY with DIVAs at National Shrine of Padre Pio.
DIVAs - Devoted ISAY Volunteer Ako!
17/08/2023
Brigada Eskwela
D. Tuazon Elementary School
Food, Cleaning Materials, Dishwashing Soaps, Handwash Soaps, Paints, Brush
Thank you Madam Principal.and.Teachers to be part of Brigada Eskwela.
17/08/2023
Sya si Kagawad Richie Aldover. Nakatira sa Pao St.
Sya po ay dating Kagawad noong 2010 - 2013 at 2013 - 2018. Naging SK Chairman 1996 - 2002. Bilang kagawad nagpatupad ng ibat ibang Programa sa Barangay.
Livelihood
- Nagpatupad sya ng 3 months training ng Hotel and Restaurant Services Training with Accredited Tesda Certificate. Ginanap ito sa Barangay Hall.
- Nagpatipad din sya ng Bread and Pastry Making with Accredited Tesda Certificate na ginanap din sa Baramgay Hall. Lahat po ito ay sa paikipagtulungan natin sa SSDD Vocational Deartmment.
- Nagsagawa din tayo ng mga Hal Day Trainings tulad ng Candle making, Dishashing soap makinh
Health
- Nagpatupad ito ng ibat ibang medical mission sa pakikipagugnayan sa mga QC LGU at NGO at individual personalities and doctors.
Tulad ng Ultrasound (masasabi ko na most successful) naka saved tayo ng buhay at meron din di pinalad. Nakitaan sila ng aneurysm.
- Nagsagawa ng Alay Kay Inay. Week long activities from Sept 17 -23 every year.
- Twice a year Anti Rabies Vaccination tuwing March at September.
Nakipagtulungan sa New World Health Diagnostic Center para sa discount na taga Barangay St. Peter sa lahat ng imaging process noon..
Since 1997, sya din po ang nanguna kasama ang mga Sto. Nino de La loma Inc. taon taon sa kapistahan ng ating Mahal na Sto. Nino kasama sina Engr. Neri Valero at ang ating mga godfather na sina Engr. Boy Valero, Mr. Narding dela Cruz, Mr. Temyong Pandato at marami pang iba katuwang ang may ari ng Chapel. Nahinto nung 2019 dahil sa politika ganunpaman tayo ay nakikipagtulungan taon taon kay Mr. Temyong Pandato sa abot ng ating makakaya.
At marami pang programa na ipinatupad sa barangay.
Sya po si Kagawad Richie Aldover Nakatira sa Pao St.
16/08/2023
Siya si Aspiring Kagawad Shella Guillermo.
Nakatira sa Matutum St..
*ipinanganak at lumaki dito sa Brgy St Peter
*Apo ng isa sa naunang founders ng Ladies Neighborhood Circle na si Zenaida Cruz
*Member ng Legion of Mary at ng Public Affairs Ministry ng National Shrine of Our Lady of Lourdes
*Dati nating Brgy Coordinator ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting
* Active volunteer ng AKYAT KATUTUBO isang civic organization for charity
*Nagtapos ng Industrial Management sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
*May 4 na anak na kapwa mga professional na
NGAYON AY HANDANG HANDA NANG MAGSILBI SA ATING BARANGAY !!!
ANG BAGO NATING KAIBIGAN AT KAAGAPAY NA TUNAY NA MAAASAHAN ❤️❤️❤️
Madali natin sya mapupuntahan kung sakaling meron pangangailangan. Sya ay sa Matutum.st
matatagpuan..
Nagseserbisyo na.
A-Kagawad Shella Guillermo
16/08/2023
Sya si Kagawad Leonil Anthony Tubig mas kilala sa tawag na Kagawad Boboy
Sya talaga ay Batang Ebanaw. Kasalukuyan sya ay nkatira sa Sicaba St.
Nagsilbi sya bilang Executive Officer ng BPSO, nahing Liason Officer ng Barangay hanggang sa maging Kagawad. Kilala sya bilang nag aayos ng mga Senior Citizen Card, nag aassist sya sa mga kumukuha ng Quezon City ID card.
Maraming tao sa kanilang tahanan ng humihingi ng assistance kay Kagawad Boboy kasi alam kung saan sya pupuntahan ng tao. Mga Ayuda, Pera, Bigas sa kanya hinihingi. Kasi Alam ang kanyang bahay. Alam kung saan pupuntahan. Higit lalo na sa gabi madali sya matagpuan sa kanilang bahay.
Sa kasalukuyan mui sya tatakbong kagawad para ipagpatuloy ang kanyang nasimulan.
Yan si Kagawad Boboy, nakatira sa Sicaba.
Nagseserbisyo.
15/08/2023
Siya si Aspiring Kagawad Rogel Jun Mayo o kilala din sa tawag na Jonjon.
1995 ng sila ay manirahan sa Barangay St. Peter at kasalukuyan na dito pa din nakatira. Sya ngayon ay nakatira sa Palanan St. Ang kanyang magulang ay nasa NS Amoranto st naman nakatira at kanyang kapatid ay sa Macopa St. Ramdam niya ang pagtulong sa Barangay kasi nakikita nya ang pangangailangan kasi dito sya nakatira sa Barangay St. Peter.
Minsan kailangan mo sumali sa Homeowners Association upang malaman mo at maramdaman mo ano pa ang kailangan mo gawin para ikaw ay makatulong. Kaya naman nag buo si A-Kagawad Rogel Jonjon Mayo ng Barangay St. Peter Riders Club para makatulong sa Peace and Order para sa barangay. Minsan ang kanilang grupo din ang tumutulong sa pag sasaayos ng trapik sa ating barangay, nag aassist sa mga libing.
Noong pandemic namigay din sya ng mga ayuda at tumulong sa pag disinfect ng mga lugar para tayo ay maging ligtas sa Covid 19.
Dapat sa Barangay St. Peter ka nakatira para maramdaman mo ang sinceridad ng iyong paglilingkod. Para alam kung saan ka pupuntahan sakaling meron lalapit para humingi ng tulong sa iyo.
Nagseserbisyo na di pa man nakaupo.
Tumutulong na at meron dedikasyon sa kanyang Team.
Rogel Jonjon Mayo
A-Kagawad
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Barangay Street Peter. Quezon City
Quezon City
1114
