08/10/2026
Magandang araw kabataan ng Tagumpay!
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng sports, disiplina, at paglinang ng talento ng ating mga kabataan, inaanyayahan ang lahat na makiisa para sa darating na Mikey Belmonte Sports Cup 2026.
Gaganapin ang Sports Clinic para sa mga 18 taong gulang pababa sa Oktubre 11, 2026, mula 7:00 AM hanggang 10:00 AM, at susundan naman ng Basketball Cup Tryout para sa mga 15–35 taong gulang sa Oktubre 18, 2026, mula 6:00 PM hanggang 10:00 PM, parehong gaganapin sa Bagumbuhay Covered Court.
Layunin ng mga aktibidad na ito na mahasa ang kakayahan, mapaunlad ang talento, at mapalakas ang disiplina, kumpiyansa, at pagkakaisa ng mga kalahok sa pamamagitan ng sports.
Inaanyayahan ang lahat ng kwalipikadong kalahok na makiisa at maging bahagi ng makabuluhang programang ito. Sama-sama nating suportahan ang talento at potensyal ng ating mga atleta! Sa iba pang katanungan, maaring mag-iwan ng mensahe kay SK Kagawad Joyce Esparza. See you🏀🏆