21/10/2026
⚠️ ABISO SA POWER INTERRUPTION
Ipinapaalam po sa ating mga residente na magkakaroon ng POWER INTERRUPTION mula Oktubre 21 hanggang Oktubre 22, 2026, sa mga sumusunod na oras:
📅 October 21–22, 2026
🕚 11:00 PM – 3:00 AM
Pinapayuhan ang lahat na maghanda nang maaga at tiyaking naka-charge ang mga kinakailangang cellphone, emergency lights, at iba pang mahahalagang kagamitan.
Maaari ring i-unplug ang mga sensitibong appliances at electronic devices bilang pag-iingat sa posibleng pagbabago ng boltahe sa oras na maibalik ang suplay ng kuryente.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.