Eto Ang kwento ng Aking Buhay

Eto Ang kwento ng Aking Buhay

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Eto Ang kwento ng Aking Buhay, Government Organization, BRGY STO NIÑO, Quezon City.

02/07/2025

Balang araw, ikaw naman.

Maging matiyaga ka sa paghihintay.
Makakamit mo rin ang tagumpay.

Hindi mo kailangang ipilit,
hindi mo kailangang magmadali.

Sabi nga nila,
"kung para sa 'yo, mapapasa'yo".

— pot

02/07/2025

Wala akong masumbungan, wala akong kakampi.

Kahit minsan hindi ko pa narinig sa mga bibig nila yung salitang "proud ako sa'yo"

Kapag may masakit sa'kin, iniisip nila nag iinarte lang ako.

Kapag may kailangan ako ang naririnig ko pa "dagdag ka lang sa gastusin".

Mahal ko pamilya ko, pero sa totoo lang. Hindi ko na matatawag na tahanan pa 'tong bahay na kung saan ako lumaki.

23/04/2025

Para sa batang ako, gusto kong iparanas sa iyo lahat ng bagay na akala ko noon pang mayaman lang.

Gusto kong iparamdam sa iyo na ayos lang kumain sa labas kahit walang okasyon, bumili ng ice cream na hindi mo na kailangang umiyak at matulog pa sa hapon.

Ipararanas ko ngayon sa iyo ang bumili ng mga damit na gusto mo na hindi na naghihintay ng sarili mong kaarawan at pasko. Gusto kong suotan ka ng mga sapatos na bago na hindi iniisip kung magkano ba ang aabutin na presyo.

Magmemeryenda na tayo ng tinapay na may palaman, sabay inom ng matamis na juice na hindi na matubig kaya matabang.

Sa batang ako, hinding-hindi ko na ipaparamdam sa iyo ulit ang maghirap. Ipaparamdam ko sa iyo na ito ang bunga ng hindi mo pagsuko at patuloy na pangangarap.

Hindi pa man tayo ganoon kayaman sa pera, pero pangako ipaparanas ko sa iyo lahat ng bagay na akala natin dati hindi natin kaya.

21/04/2025

At wala namang mali, kung piliing maging maganda kahit sandali. Sa kabila ng pagod sa pag-aalaga, palaging pag-unawa at pagmamahal na hindi nagsasawa.

Nararapat din sa kanila ang maging maganda, sa kabila ng pagbangon at paghahanda sa almusal sa umaga, sa paglalaba ng isang katerbang labada at pag aalaga sa pamilya.

Hindi naman ito yabang o kahit luho na masasabi, ito ay pagpapakita ng bunga ng paghihirap ng isang ina para rin sa kaniyang sarili.

Dahil bukod sa makatanggap ng anumang parangal, plake o medalya, wala pa ring dadaig ang makita mong masaya at maganda ang iyong ina.

21/04/2025

Hindi nila ako paborito, hindi ako palaging hinahanap para makasama at gusto. Hindi ako ang madalas na tawagin, palagi lang nariyan sa sulok at naghihintay mapansin.

Palagi lang akong pangalawa, kung minsan pa wala sa pagpipilian. Hindi napupuri o mapagpamalaki kahit man lang minsan.

Pero kahit kailan, hindi ako nagalit. Hindi ko kinimkim lahat ng tampo, sama ng loob at sakit.

Kasi kahit saan ako tumakbo, kahit ilang beses akong hindi piliin ng kahit na sino— paborito naman ako ng lola ko.

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


BRGY STO NIÑO
Quezon City
1113