30/01/2019
PROTIPS - January 30, 2019
Always Come Prepared
By Maloi Malibiran-Salumbides
Minsan ba nananaginip ka na nasa college ka tapos sa panaginip mo ay kukuha ka ng exam ng hindi ka man lang nakapag-aral? O kaya naman, nakapanaginip ka na ba na enrolled ka sa isang subject biglang tapos na ang semestre at nakalimutan mong pumasok kahit isang beses man lamang sa klaseng ito? Matagal na akong graduate pero paminsan-minsan ay dinadalaw pa rin ako ng ganitong mga panaginip. Marahil ay paalala na sa lahat ng gawain o trabahong aking haharapin, dapat ay palagi akong maging handa. We should always come prepared.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
We will always encounter surprise tests in our lives. Hindi naman natatapos ang surprise quiz sa pag-graduate natin. Minsan, bigla kang sasabihan ng boss mo na ikaw ang magpreside sa isang meeting. Minsan naman, biglang sa iyo ibibigay ang isang proyekto sa halip na yung ibang trabaho na inaasahan mo. Kung ayaw mong mabigla, always come prepared.Bakit kailangang palagi kang handa?
1) Come prepared because you don't know when opportunity will knock. Hindi natin masasabi kung kailan kakatok ang oportunidad sa ating buhay. Hindi mo kontrolado ang pagdating ng big break sa karera mo. What you can control is your preparedness for when the opportunities and breaks arrive. Palaging maging handa, dahil hindi mo alam kung kailan darating ang tamang oportunidad. Ang sabi nga ng retired American automobile racer na si Bobby Unser, "Success is where preparation and opportunity meet."
2) Come prepared so that you won't waste precious time. Minsan ay nagpa-renew ako ng visa papuntang ibang bansa. Dahil renewal lang naman ito, hindi ko na dinala ang iba pang document na kadalasang hinihingi sa mga first time applicants. Nagkataon na hiningi sa akin ng consul ang isang document na hindi ko dala. Mabuti na lamang at hindi naman na-deny ang aking application, ngunit kinailangan kong bumalik para makumpleto ang requirements sa pagpapa-renew ng visa. Oras at pagod ang nasayang dahil sa kakulangan ng paghahanda.
3) Come prepared to avoid expensive mistakes. Magastos ang kawalan ng sapat na paghahanda. Pwedeng mawala sa iyo ang isang malaking account kung hindi mo paghahandaan at pag-aaralan kung paano makukuha ang approval ng isang kliyente. It might cost a student his scholarship if he comes unprepared for a test. Maaaring mawala ang pagkakataong makapagtrabaho sa iyong dream company kung hindi mo pinaghandaan ang job interview mo. Gaanong kalaking income opportunities ang mawawala sa iyo dahil sa walang sapat na kahandaan? Kung ayaw mong mauwi sa panghihinayang, come prepared.
Ang sabi ni H. Jackson Brown, Jr. bestselling author ng inspirational book na Life's Little Instruction Book, "The best preparation for tomorrow is doing your best today."
Palaging maging handa dahil hindi mo alam kung kailan darating ang oportunidad, you also don't want to waste precious time at tiyak akong hindi mo rin gustong magkaroon ng magastos na pagkakamali. Magandang baunin natin ang paalala sa Ezekiel 38:7, "Be prepared, and prepare yourself, you and all your companies that are assembled about you, and be a guard for them." (NASB)
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

18/03/2018
06/12/2017
06/12/2017
22/11/2017
18/08/2017