07/10/2026
NO TO FLOATING STATUS! IPAGLABAN ANG DECENT WORK AT SECURITY OF TENURE!
Ngayong World Day for Decent Work, naghain ang MAKABAYAN BLOC sa pangunguna nina Kabataan Party-list Rep. Renee Co, Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Elago, at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Rinio ng House Bill No. 11642, o “Prohibition of Floating Status and Protection of Employment Continuity Act.”
Para sa BPO workers, hindi matatawag na decent work ang trabahong walang seguridad sa tenure kung saan maaaring ilagay ang manggagawa sa floating status, mawalan ng sahod at benepisyo, at paghintayin nang walang katiyakan para sa redeployment.
Sa ilalim ng panukala, ipinagbabawal ang floating status, off-detail, standby, forced or involuntary leave without pay, at iba pang kahalintulad na sistema na maaaring gamitin upang labahin ang seguridad sa trabaho. Itinutulak din nito ang redeployment at retraining bago tuluyang tanggalin ang isang manggagawa.
Pass the No to Floating Status Bill!