09/09/2026
🎉 MAGANDANG BALITA, MGA KABARANGGAY! 🎉
Simula bukas, September 10, 2026. Ilalapit na natin ang serbisyong medikal na diretso sa ating Barangay!
Inilulunsad po ng inyong Pamahalaang Barangay ang programang
"SILANGAN HEALTH DAY: MAY DOKTOR SA BARANGAY”
upang masiguro na ang bawat pamilya ay malusog at ligtas.
Para sa mga nais magpasuri o magpa-check-up, narito po ang mga detalye:
🗓️ KAILAN: Tuwing Ikalawang Huwebes ng Buwan (Every 2nd Thursday of the Month)
⏰ ORAS: 9:00 AM hanggang 12:00 NN
📍 SAAN: Barangay Silangan Health Station
📋 MGA DAPAT DALHIN NG PASYENTE:
Upang maging mabilis at maayos ang paggawa ng inyong opisyal na Medical Record sa ating Health Station, pakiusap na magdala lamang po ng:
📂 1 Long Brown Envelope (Dito itatabi ang inyong health profile at reseta)
🖊️ Ballpen (Para sa inyong pansariling gamit sa pag-fill up ng form)
📄 1-2 pirasong Bond Paper (Para sa talaan ng inyong vital signs at check-up history)
🪪 photocopy ng QC ID or any valid ID
💡 Paalala: Libre po ang konsultasyon. Ugaliing magsuot ng facemask kung kayo ay may ubo o sipon para sa kaligtasan ng lahat.
I-share po natin ang impormasyong ito sa ating mga kakilala, kamag-anak, at kapitbahay dito sa Barangay Silangan.
Kita-kita po tayo! 🩺❤️
**gBarangaySilangan