Department of Social Welfare and Development - DSWD

Department of Social Welfare and Development - DSWD

Share

The official account of the Department of Social Welfare and Development (DSWD) - Central Office

Photos from Lalamove Liga ng Mga Bossing's post 14/05/2026

📢 DSWD Cash Relief Assistance Update para sa mga Lalamove Drivers sa Metro Manila

Narito ang Claiming Tracker para malaman ang inyong schedule para sa cash relief assistance payout na gaganapin sa May 19–21 sa The Tent, Gatchalian Drive, Las Piñas City: https://bit.ly/Special-Payout-Schedule-Checker

Kung hindi makita ang inyong pangalan sa tracker, maaaring dahil sa mga sumusunod:
- Nakatanggap na kayo ng cash assistance sa mga nakaraang payout ng DSWD.
- Maaaring kabilang ang inyong pangalan sa listahan ng ibang TNC — hintayin ang official update mula sa kanilang official pages.
- Hindi nakabase sa Metro Manila ang inyong ruta.
- Hindi nakapag-submit ng Google Form na ipinasa ng Lalamove Philippines.

📌 Para sa karagdagang detalye, tingnan ang official post ng Lalamove at ang inyong Driver App.

❤️


https://www.facebook.com/share/p/1GD92VemzE/

Photos from Department of Social Welfare and Development - DSWD's post 14/05/2026

Mas Pinalapit na Health Center Tungo sa Mas Malusog na Kinabukasan ng mga Pamilyang Bicolano 🩺💙

Naniniwala ang DSWD na ang tunay na pag-unlad ay nagsisimula sa malulusog na mamamayan. Ito ang mensaheng binigyang-diin ni DSWD Secretary REX Gatchalian sa kanyang pagbisita sa Barangay Tinago, Camalig, Albay. Dito ay ininspeksyon ng Kalihim ang bagong health center na itinayo sa ilalim ng programang DSWD KALAHI-CIDSS para matiyak na ang serbisyong medikal ay diretso nang napapakinabangan ng komunidad.

Dahil ang Albay ay madalas daanan ng mga sakuna, mahalaga na ang komunidad ay mayroong sariling pasilidad na handang tumugon sa pangangailangang medikal ng mga tao. Ang proyektong ito ay bunga ng pagsisikap ng mga residente na maisakatuparan ang isang pasilidad na tunay na kailangan ng masa.

Dahil dito, hindi na kailangang lumuwas ng bayan ang mga residente dahil ang pangunahing serbisyong pangkalusugan ay abot-kamay na sa kanilang barangay, alinsunod sa layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na palapitin ang mga serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad.

Kasama ng Kalihim sa pagbisita sina Undersecretary Diana Rose Cajipe at Assistant Secretary Irene Dumlao ng Disaster Response Management Group (DRMG), at DSWD Field Office (FO) 5 Regional Director Norman Laurio.

❤️

14/05/2026

Noon, kailangan pang bumiyahe nang malayo mula sa komunidad nina Lordjeta Montimor para lamang makapagpagamot at makatanggap ng tamang serbisyong medikal.

Ngayon, sa tulong ng Isolation at Healthcare Facility sa Zamboanga del Norte, mas mabilis at mas madali nang makakatanggap ng tamang alaga at serbisyong medikal ang mga mamamayan sa kanilang lugar.

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na gawing mas abot-kamay ang quality healthcare para sa bawat pamilyang Pilipino. ❤️

❤️

14/05/2026

Patuloy na Pinapalakas ang Kakayahan ng mga Komunidad sa Banta ng Kalamidad

Sa Media Forum ngayong Huwebes (Mayo 14), ibinahagi ni Dir. Isabel Lanada ng DSWD Disaster Response Management ang layunin ng Project LAWA at BINHI ng DSWD sa pagtulong sa mga komunidad na maging mas matatag laban sa epekto ng kahirapan at kalamidad.

Ani Dir. Lanada na hindi lamang agarang cash assistance ang ibinibigay ng Kagawaran, kundi pati pagpapalakas ng kapasidad ng mga benepisyaryo para mabawasan ang kanilang vulnerability, lalo na pagdating sa kabuhayan, tubig, at pagkain.

Sa pamamagitan ng Project LAWA at BINHI ng Kagawaran, patuloy na nagsusulong ang pamahalaan ng pangmatagalang solusyon para magkaroon ng alternative sources ng tubig at pagkain ang mga komunidad at maiwasan ang gutom at matinding economic vulnerability.

Patunay ito ng patuloy na pagkilos ng DSWD sa pagbibigay ng makatao, maagap, at sustainable na tulong para sa bawat Pilipino.

❤️

14/05/2026

Kahapon, pumunta tayo ng Sibuco, Zamboanga del Norte para i-turn over ang 75 pang modified shelter natin.

2 years ago, ito yung request ng mga kababayan natin doon na dating nasa conflict areas. Namigay na tayo ng 200 na kabahayan noon, at ngayon ay dinagdagan pa natin ng 75.

Ito na yung last na Modified Shelter Program natin, at happy kami na nakapagbigay pa tayo ng karagdagan para sa kanila!🤗

❤️

14/05/2026

Ayon kay Meliza Torrino, lumaki siyang hirap makakuha ng maayos na serbisyong medikal dahil malayo ang mga pasilidad sa kanilang lugar.

Sa pagbisita ni Sec. REX Gatchalian sa Isolation at Healthcare Facility sa Zamboanga del Norte, patuloy nating inilalapit ang mas maayos at mas accessible na healthcare services para sa mga komunidad na higit na nangangailangan.

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na gawing mas abot-kamay ang kalidad na healthcare para sa bawat pamilyang Pilipino. ❤️

❤️

Photos from Department of Social Welfare and Development - DSWD's post 14/05/2026

UPDATE: On-going din ang distribusyon ng DSWD cash relief assistance para sa mga jeepney drivers ng Brgy. Mambaling, Cebu City ngayong Huwebes (Mayo 14).

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nakatakdang makatanggap ng Php5,000 tulong-pinansyal ang 903 tsuper bilang suporta sa pagharap nila sa hamon ng mataas na presyo ng langis at iba pang bilihin.

❤️

14/05/2026

🔴LIVE: Handa ka na bang manalo ng Php100 habang updated sa mga programa at serbisyo ng DSWD?

Huwag nang magpahuli! Tutok na sa DSWD Weekend Report Live at alamin ang mga pinakabagong kaganapan sa Ahensya ngayong linggo.

Sa loob ng isang oras, ihahatid namin ang kumpleto at mahahalagang updates tungkol sa ating mga programa at serbisyong patuloy na nagbibigay pag-asa at tulong sa milyun-milyong Pilipino.

Pag-uusapan natin ang pinakabagong ulat sa mga kaganapan ng Kagawaran ngayong Linggo, mga babala laban sa kumakalat na fake news sa Tamang Tulong Sa Tamang Impormasyon Campaign, at mga inspirational stories mula sa mga benepisyaryo ng DSWD at ating Angels in Red Vests.

Kung may katanungan ka naman sa DSWD, i-comment lang sa ibaba at sasagutin namin ‘yan nang LIVE!

Lahat ng 'yan ay tutukan niyo dito lang sa ating livestream mula 5PM-6PM.

❤️

14/05/2026

DSWD PRESS RELEASE: DSWD pushes for rights, welfare of families as priorities in ASEAN region

“The ASEAN Family Development Network aims to strengthen and empower families across ASEAN and enhance their quality of life through inclusive, resilient, and family-centered approaches. It shall serve as the region’s leading platform in advancing family development, fostering stronger collaboration and shared commitment among Member States,” Asst. Secretary Armas said in her presentation.

The ASEAN FamNet has four goals. These include promoting regional cooperation among ASEAN Member States; developing family-sensitive policies and welfare programs; exchanging knowledge, research, and best practices on family development and support systems; and strengthening evidence-based policymaking through research and studies on emerging family issues and trends.

See comments section for full story.

❤️

Photos from Department of Social Welfare and Development - DSWD's post 14/05/2026

DSWD officials give updates on Project LAWA at BINHI, KALAHI-CIDSS at Media Forum

Department of Social Welfare and Development (DSWD) officials discuss updates on the DSWD's key community-based and disaster mitigation programs during the latest episode of the DSWD Thursday Media Forum on May 14.

Director Isabel Lanada of the Disaster Response Management Bureau (DRMB) presented updates on the implementation of the Project LAWA at BINHI program for El Niño-affected farmers, while Director Rolly Villacorta, KALAHI-CIDSS National Deputy Program Manager for Operations, discussed the latest developments on newly constructed health centers under the Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan–Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) program.

The weekly DSWD Media Forum is hosted by Special Assistant to the Secretary (SAS) Raymond Burgos and Digital Media Service (DMS) Director Dianne Joie Ruiz. (CC)

Photo: RB

❤️

Photos from Department of Social Welfare and Development - DSWD's post 14/05/2026

Mula sa PagsiSIKAP Patungo sa Mas Matatag na Kabuhayan sa Camalig, Albay! 🧶

Sa kabila ng pangambang dulot ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, patuloy pa ring nagsusumikap ang maraming Bicolano para maitawid ang pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya. Isa na rito ang Magsikap Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) na binubuo ng karamihan ay graduate ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa Brgy. Libod, Camalig, Albay.

Ngayong Huwebes (Mayo 14), sinadyang bisitahin ni DSWD Secretary REX Gatchalian ang mga miyembro ng samahan para kumustahin ang kanilang kalagayan at ang negosyong paghahabi. Matatandaang mula sa Php135,000 seed capital mula sa DSWD-SLP, kumikita na ngayon ang organisayon ng Php30,000 average kada buwan.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas palakasin ang mga hanapbuhay sa loob ng komunidad, binanggit din ng Kalihim na maaaring makatanggap pa ng incentive ang samahan sa oras na makumpleto nila ang mga program requirements.

Kasama rin sa developmental visit sila DSWD Disaster Response Management Group (DRMG) officials Undersecretary Diana Rose Cajipe at Asst. Secretary Irene Dumlao, at DSWD Field Office 5 - Bicol Regional Director Norman Laurio.

❤️

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


DSWD Central Office, Batasan Complex, Constitution Hills
Quezon City
1126

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm