Land Transportation Office - Philippines

Land Transportation Office - Philippines

Share

The Official page of the LTO. Stay informed and engage with the LTO community.

04/06/2026

π‹π“πŽ, 𝐏𝐍𝐏 𝐀𝐓 𝐏𝐂𝐆, 𝐍𝐀𝐆𝐓𝐔𝐋𝐔𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐒𝐀 π€ππ“πˆ-π…πˆπ—πˆππ† πŽππ„π‘π€π“πˆπŽπ 𝐒𝐀 ππ€π’π€π˜; π’πˆπ˜π€πŒ 𝐍𝐀 ππˆππ€π†π‡πˆπ‡πˆππ€π‹π€π€ππ† π…πˆπ—π„π‘π’, π€π‘π„π’π“π€πƒπŽ

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa mga fixer at iba pang ilegal na gawain sa loob at paligid ng mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO), siyam na indibidwal na pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na fixing activities ang nahuli sa isinagawang anti-fixing operation ng mga tauhan ng LTO Field Enforcement Division-Law Enforcement Service (FED-LES), katuwang ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG), sa paligid ng LTO Pasay District Office nitong Huwebes, Hunyo 4.

Matapos ang operasyon, dinala ang mga nahuling indibidwal sa Pasay City Police Station para sa pagsasampa ng mga naaangkop na kaso.

Pinuri naman ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang matagumpay na koordinasyon ng mga law enforcement agencies na naging susi sa pagkakahuli ng mga pinaghihinalaang fixer.

β€œPatuloy nating paiigtingin ang ating kampanya laban sa mga fixer na sumisira sa integridad ng serbisyo ng pamahalaan at nananamantala sa ating mga kababayan. Hindi natin kukunsintihin ang anumang uri ng fixing sa loob at paligid ng mga tanggapan ng LTO. Sa tulong ng ating mga partner agencies, mas magiging agresibo ang ating mga operasyon upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas,” ani Lacanilao.

Muli ring pinaalalahanan ng LTO ang publiko na huwag makipagtransaksyon sa mga fixer at dumaan lamang sa mga lehitimong proseso ng ahensya. Binigyang-diin ng ahensya na ang lahat ng transaksyon sa LTO ay maaaring gawin sa pamamagitan ng mga itinakdang proseso nang hindi nangangailangan ng tulong ng mga fixer.

04/06/2026

π•πˆπ‘π€π‹ π‘πŽπ€πƒ 𝐑𝐀𝐆𝐄 𝐒𝐀 π’π€πŒππ€π‹πŽπ‚, πŒπ€ππˆπ‹π€, π‡πˆππƒπˆ ππˆππ€π‹π€πŒππ€π’ 𝐍𝐈 π‹π“πŽ π‚π‡πˆπ„π…; π‘πˆπƒπ„π‘ 𝐍𝐀 ππ€ππ€πŠπˆπ“, ππˆππ€π“π€π–π€π 𝐍𝐆 π’π‚πŽ, πŒπŽπ“πŽπ‘π’πˆπŠπ‹πŽ πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€, π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ

Agad na ipinag-utos ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang pag-isyu ng Show Cause Order (SCO) laban sa motorcycle rider na sangkot sa viral road rage incident sa Sampaloc, Maynila, bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng ahensya laban sa road rage at iresponsableng pagmamaneho.

Batay sa facebook video na in-upload ni "Real Ryan" sa social media, naganap ang insidente nang magkasalubong sa isang one-way street sa Sampaloc, Manila ang dalawang motorcycle rider. Makikita sa footage na ang rider na biktima ng pananakit ay nasa tamang direksiyon ng daloy ng trapiko nang sinundan umano ng kapuwa rider at backrider nito. Sa sumunod na komprontasyon, hinampas umano ng backrider ang biktima gamit ang helmet habang ang rider naman ay sumigaw ng mga pagmumura laban dito, na itinuturing na insidente ng road rage.

Ayon sa Show Cause Order (SCO) na inilabas ng Intelligence and Investigation Division (IID), ang nanakit na rider at ang kanyang backrider ay kinakailangang humarap sa IID upang magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa mga kasong Reckless Driving, Disregarding Traffic Signs, Failure to Wear the Standard Protective Motorcycle Helmet, at Operating a Motorcycle with Improper Footwear, gayundin kung bakit hindi sila dapat patawan ng suspensyon o pagbawi ng lisensya bilang Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Kasabay nito, inilagay sa alarm status ang nasabing motorsiklo at isinailalim sa 90-araw na preventive suspension ang driver's license ng rider habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

β€œMahigpit naming kinukondena ang anumang uri ng karahasan at road rage sa ating mga lansangan. Ang pagmamaneho ay may kaakibat na responsibilidad, at ang sinumang mapapatunayang lumabag sa batas ay haharap sa kaukulang parusa. Patuloy naming titiyakin ang kaligtasan at kaayusan ng ating mga kalsada para sa lahat ng motorista,” ani Lacanilao.

Binigyang-diin ng ahensya na hindi nito kinukunsinti ang anumang uri ng road rage, agresibong pag-uugali, at paglabag sa batas trapiko na naglalagay sa panganib sa kapwa motorista at publiko. Nanawagan din ito sa publiko na manatiling mahinahon sa kalsada, sumunod sa mga batas trapiko, at maaaring i-report ang anumang insidente ng paglabag sa pamamagitan ng opisyal na plataporma ng LTO, kabilang ang β€œI-Report Mo kay LTO Chief” page o website (https://ireportmokayltochief.ph/) upang agad na maaksyunan.

04/06/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Magandang balita!

Maaari nang gamitin ang Land Transportation Management System (LTMS) para sa inyong mga transaksyon.

Maari na po kayong magpatuloy sa inyong mga transaksyon tulad ng:

β€’ Renewal ng driver’s license
β€’ Rehistro ng mga sasakyan
β€’ Iba pang kaugnay na online services

Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong pasensya at pag-unawa sa nangyaring technical issue. Nauunawaan namin ang abalang dulot nito.

Paalala: Maaari nang i-access ang LTMS Portal at ipagpatuloy ang inyong mga nakabinbing transaksyon. Para sa maayos na karanasan, siguraduhing stable ang inyong internet connection at i-refresh ang inyong browser bago mag-login.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikipagtulungan.

03/06/2026

π‹π“πŽ, 𝐍𝐀𝐆-πˆπ’π˜π” 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 π‘π„π‡πˆπ’π“π‘π€πƒπŽππ† πŒπ€π˜-π€π‘πˆ 𝐀𝐓 πƒπ‘πˆπ•π„π‘ 𝐍𝐆 π‡πŽππƒπ€ 𝐂𝐑-𝐕 πƒπ€π‡πˆπ‹ 𝐒𝐀 ππ€π†π†π€πŒπˆπ“ 𝐍𝐆 π‡πˆππƒπˆ π€π–π“πŽπ‘πˆπ’π€πƒπŽππ† ππ‹πˆππŠπˆππ† π‹πˆπ†π‡π“π’; π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€, π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ

Muling naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at driver ng isang Honda CR-V kaugnay ng isang video na nagpapakita umano ng paggamit ng hindi awtorisadong asul at pulang blinking lights.

Ayon sa SCO na inilabas ng Intelligence and Investigation Division (IID), inaatasan ang rehistradong may-ari at driver na humarap sa tanggapan nito upang magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa paglabag na "Operating with Unauthorized Parts and Accessories" at kung bakit hindi dapat masuspinde o mabawi ang driver's license dahil sa pagiging "Improper Person to Operate a Motor Vehicle."

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, isinailalim na sa 90-araw na preventive suspension ang driver's license ng sangkot na driver at inatasang isuko ito sa IID. Samantala, inilagay sa alarm status ang naturang sasakyan.

"Ang pag-isyu ng SCO na ito ay patunay na hindi nagdadalawang-isip ang LTO na papanagutin ang sinumang gumagamit ng mga iligal na kagamitan upang makakuha ng hindi nararapat na pabor o espesyal na pagtrato sa kalsada," ani LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao.

Muling pinaalalahanan ng LTO na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga ilaw at kagamitang hindi awtorisado ng batas. Patuloy namang paiigtingin ng ahensya ang pagpapatupad ng mga umiiral na batas at regulasyon upang mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at disiplina sa mga lansangan.

03/06/2026

π‹π“πŽ, 𝐍𝐀𝐆𝐋𝐀𝐁𝐀𝐒 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 ππ”π‹πˆπ’ 𝐀𝐓 πˆπ’π€ππ† πŒπŽπ“πŽπ‘πˆπ’π“π€ πƒπ€π‡πˆπ‹ 𝐒𝐀 ππ€π”π–πˆππ† π‘πŽπ€πƒ 𝐑𝐀𝐆𝐄 πŒπ€π“π€ππŽπ’ 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐀𝐍; πŒπ†π€ π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€, π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ

Kasunod ng pagkalat ng viral video sa social media na nagpapakita ng isang banggaan na nauwi umano sa road rage, naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Orders (SCOs) laban sa dalawang motoristang sangkot sa insidente.

Batay sa isinumiteng CCTV footage sa LTO, makikitang ang isang Hyundai Shuttle Van ay papasok sa highway sa kahabaan ng Dir. A. Bunye mula sa isang solid white lane, habang diretsong bumibiyahe naman ang isang pribadong sasakyan na minamaneho ng isang pulis sa ML Quezon Avenue.

Sa isinagawang paunang pagsusuri, napag-alamang biglang tumawid sa linya ang Hyundai Shuttle Van habang nagsasagawa ng pagliko, dahilan upang mabangga nito ang kanang harapang bahagi ng pribadong sasakyan.

Matapos ang banggaan, iniulat na tinangka umano ng driver ng van na umalis sa lugar ng insidente, dahilan upang pigilan siya ng pulis na sangkot din sa naturang aksidente.

Dahil dito, kapwa pinasusumite ng paliwanag at pinadadalo sa pagdinig ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office ang dalawang driver upang sagutin kung bakit hindi sila dapat managot sa mga kasong administratibo kaugnay ng Reckless Driving, Disregarding Traffic Signs, at Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, walang sinuman ang exempted sa pagpapatupad ng batas trapiko at pananagutan sa lansangan.

β€œAng anumang insidente ng agresibong pagmamaneho, road rage, at paglabag sa batas trapiko ay seryoso nating tinutugunan. Hindi mahalaga kung sino ang sangkot, sibilyan man o miyembro ng law enforcement. Ang mahalaga ay maitaguyod ang pananagutan at matiyak ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada,” pahayag ni Lacanilao.

Bilang pansamantalang hakbang habang dinidinig ang kaso, inilagay na sa alarm status ang dalawang sasakyang sangkot sa insidente. Samantala, preventively suspended sa loob ng siyamnapung (90) araw ang mga driver's license ng dalawang motorista at inatasang agad na isuko ang mga ito sa IID ng LTO.

Muling pinaalalahanan ng LTO ang lahat ng motorista na pairalin ang disiplina, pag-iingat, at paggalang sa batas trapiko sa lahat ng oras. Binigyang-diin ng ahensya na ang anumang iresponsableng asal sa kalsada ay maaaring magdulot ng panganib hindi lamang sa mga sangkot kundi maging sa iba pang mga gumagamit ng lansangan, at hindi ito mag-aatubiling magpataw ng kaukulang parusa laban sa mga mapatutunayang lumabag sa batas.

03/06/2026

𝟏𝟐 πˆπ‹π„π†π€π‹ 𝐍𝐀 𝐒𝐇𝐔𝐓𝐓𝐋𝐄 π’π„π‘π•πˆπ‚π„π’, 𝐍𝐀𝐒𝐀𝐁𝐀𝐓 𝐒𝐀 π‰πŽπˆππ“ π’ππ„π‚πˆπ€π‹ π€ππ“πˆ-π‚πŽπ‹πŽπ‘π”πŒ πŽππ„π‘π€π“πˆπŽπ 𝐍𝐆 𝐇𝐏𝐆-π‹π“πŽ π“π€π’πŠ π…πŽπ‘π‚π„ 𝐀𝐓 𝐏𝐍𝐏-π’πŽπƒ 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐆𝐔𝐍𝐀

Nagsagawa ng Joint Special Anti-Colorum Operation ang Land Transportation Office (LTO), Highway Patrol Group (HPG), at Philippine National Police-Special Operation Division (PNP-SOD) sa kahabaan ng National Highway sa Real, Calamba, Laguna nitong Miyerkules, Hunyo 3.

Batay sa paunang ulat, labindalawang (12) sasakyan na iligal na ginagamit bilang shuttle services nang walang kaukulang prangkisa mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nahuli. Dahil sa paglabag na "Private Motor Vehicles Operating as Public Utility Vehicles/Public Utility Buses/Shuttle Services Without Authority from the LTFRB," isinailalim sa impoundment ang mga nahuling sasakyan.

Naitala at nadokumento ang buong operasyon sa pamamagitan ng mga alternative recording devices bilang bahagi ng transparency at accountability measures ng mga operatiba.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. LacaniIao, bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng ahensya upang matiyak na ang lahat ng sasakyang ginagamit sa pampublikong transportasyon ay sumusunod sa mga umiiral na batas at regulasyon.

"Hindi natin maaaring hayaan na magpatuloy ang operasyon ng mga sasakyang walang kaukulang awtoridad dahil nakataya rito hindi lamang ang pagsunod sa batas kundi higit sa lahat ang kaligtasan ng mga pasahero. Patuloy nating paiigtingin ang ating mga operasyon laban sa mga colorum at iba pang iligal na transport activities sa buong bansa," ani Lacanilao.

Dagdag pa niya, mahalagang tiyakin na ang mga sasakyang ginagamit sa paghahatid ng mga manggagawa ay dumaan sa tamang proseso ng regulasyon upang masiguro ang kanilang roadworthiness, insurance coverage, at pananagutan sa oras ng aksidente.

Muling nanawagan ang LTO sa mga kumpanya, operator, at transport service providers na tiyaking may wastong awtoridad at kaukulang dokumento ang kanilang mga sasakyan bago gamitin sa anumang uri ng shuttle o transport service upang maiwasan ang mabigat na parusa at posibleng pagkaka-impound ng kanilang mga unit.

02/06/2026

π‹π“πŽ π‚π‡πˆπ„π…, 𝐀𝐆𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆 πˆππˆππ€π†-π”π“πŽπ’ 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐋𝐀𝐁𝐀𝐒 𝐍𝐆 π’π”πππŽπ„ππ€ 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 πŒπŽπ“πŽπ•π‹πŽπ†π†π„π‘ 𝐍𝐀 π†π”πŒπ€π–π€ 𝐍𝐆 ππ„πŠπ„ππ† π’π‚πŽ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 π‚πŽππ“π„ππ“

Ipinag-utos ng Land Transportation Office (LTO), sa pamumuno ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang agarang pag-isyu ng subpoena laban sa isang motorcycle vlogger na umano’y gumawa ng Show Cause Order (SCO) ng ahensiya na walang pahintulot at maaaring magbigay ng maling impresyon na ito ay isang opisyal na kautusan ng LTO.

Batay sa impormasyon na natanggap ng LTO, isang viral post sa page na β€œLuciver” ang naglalaman ng isang umano’y SCO at iba pang kaugnay na nilalaman na nagmumukhang opisyal na inilabas ng ahensiya. Dahil dito, agad na nagsagawa ng kaukulang aksyon ang LTO upang beripikahin ang pangyayari at tiyaking mapangalagaan ang integridad ng mga opisyal na dokumento at proseso ng ahensiya.

Sa inilabas na subpoena, inaatasan ang naturang vlogger na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) sa LTO Central Office para sa isang clarificatory conference upang magpaliwanag kaugnay ng nasabing post.

Ayon kay Assistant Secretary Lacanilao, mahalagang mapanagot ang sinumang mapapatunayang gumagamit o nagpapakalat ng mga dokumentong maaaring magdulot ng kalituhan sa publiko at makasira sa kredibilidad ng mga opisyal na proseso ng gobyerno.

β€œAng paggawa o pagpapakalat ng pekeng dokumento na nagpapanggap na opisyal na inilabas ng LTO ay isang seryosong usapin. Hindi natin hinahayaang magamit ang pangalan at awtoridad ng ahensya para sa pansariling interes o para lamang sa content. Hindi kukunsintihin ng LTO ang anumang gawain na nagdudulot ng kalituhan o maling impormasyon sa publiko. Mahalaga na mapanatili ang tiwala ng publiko sa mga dokumento at proseso ng ating ahensiya,” pahayag ni Lacanilao.

Patuloy namang pinaaalalahanan ng LTO ang publiko na tiyaking mula lamang sa mga opisyal na plataporma at tanggapan ng ahensiya ang kanilang pagbabatayan ng impormasyon upang maiwasan ang pagkalat ng maling balita at mga mapanlinlang na nilalaman.

29/05/2026

ππ€π’π€π–π€π˜ 𝐍𝐀 πŒπŽπ“πŽπ•π‹πŽπ†π†π„π‘ 𝐍𝐀 π“πˆππ€πŠππ”π‡π€π 𝐀𝐍𝐆 πŒπ†π€ ππ”π‹πˆπ’, πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐍𝐆 π‹π“πŽ; πŒπŽπ“πŽπ‘π’πˆπŠπ‹πŽ πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€, π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ!

Naglabas ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) laban sa isang motovlogger kaugnay ng video na in-upload sa page na β€œSir Ki,” kung saan makikitang nagpapatakbo umano ng motorsiklo nang sobrang bilis sa isang pampublikong kalsada. Makikita rin umano sa nasabing video na pinara ito ng mga pulis, ngunit sa halip na huminto ay iniwasan pa umano ang mga awtoridad.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, posibleng managot ang rider sa kasong β€œReckless Driving” at β€œImproper Person to Operate a Motor Vehicle” dahil sa kanyang paraan ng pagmamaneho na malinaw na naglalagay sa panganib hindi lamang sa kanyang sarili kundi pati sa ibang motorista at pedestrian.

Dahil dito, pinadadalo ng LTO ang rehistradong may-ari at/o rider sa itinakdang pagdinig na gaganapin sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) sa LTO Central Office upang magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat patawan ng kaukulang parusang administratibo.

Nakasaad din sa kautusan na ang hindi pagdalo sa nasabing pagdinig ay ituturing na pagtalikod sa kanilang karapatang marinig, at magpapasya ang ahensya base sa mga ebidensyang hawak nito.

Bilang agarang hakbang, isinailalim na sa alarm status ang naturang motorsiklo habang preventively suspended naman sa loob ng siyamnapung (90) araw ang lisensya ng rider, na kinakailangang agad isumite sa IID.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, hindi dapat ginagawang aliwan o content ang mga delikadong gawain sa kalsada.

β€œHindi katanggap-tanggap na ginagamit ang social media para ipakita at gawing normal ang iresponsableng pagmamaneho. Ang kalsada ay hindi lugar para sa pasikatan, karera o paggawa ng content na naglalagay panganib sa buhay ng ibang tao,” ani Lacanilao.

Binigyang-diin din na may malaking responsibilidad ang mga content creators dahil marami ang naiimpluwensyahan ng kanilang mga ipinapakita online.

β€œKung ikaw ay may platform at maraming followers, mas lalo mong dapat gamitin ito para magpakita ng disiplina at responsableng pagmamaneho. Dapat nagsusulong ng road safety ang content, hindi paglabag sa batas trapiko,” dagdag pa niya.

Patuloy ding hinihikayat ng ahensya ang lahat ng motorista at content creators na maging mabuting ehemplo sa lansangan at gamitin ang social media sa pagpapalaganap ng responsableng pagmamaneho at kaligtasan sa kalsada.

27/05/2026

𝐒𝐔𝐕 𝐍𝐀 πŒπ€π˜ πˆπ‹π„π†π€π‹ 𝐍𝐀 ππ‹πˆππŠπ„π‘π’ 𝐀𝐓 π’πˆπ‘π„π, πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐍𝐆 π‹π“πŽ; π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€, π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ

Pinapaliwanag ng Land Transportation Office (LTO) ang rehistradong may-ari at drayber ng isang Toyota Fortuner na tampok sa viral video kaugnay ng umano’y paggamit ng hindi awtorisadong blinkers at siren sa pampublikong lansangan.

Sa kumakalat na footage online, makikita ang komprontasyon sa pagitan ng drayber ng SUV at ng isang indibidwal na kumuha ng video matapos mapansin ang paggamit ng mga kagamitang karaniwang nakalaan lamang sa mga awtorisadong emergency at government response vehicles.

Dahil dito, pinadadalo ng LTO ang rehistradong may-ari at ang drayber ng sasakyan sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office sa Hunyo 2, 2026, alas-11 ng umaga upang sagutin ang mga posibleng paglabag kaugnay ng paggamit ng unauthorized blinkers, motor vehicle operating with siren, at improper person to operate a motor vehicle.

Iniutos din ng ahensya na dalhin ang nasabing sasakyan upang agad na alisin at pormal na isuko ang nakakabit na blinkers at siren.

Kasabay nito, isinailalim sa alarm status ang naturang sasakyan habang pansamantalang suspendido sa loob ng 90-araw ang lisensya ng drayber at kinakailangang agad itong isumite sa IID.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, hindi dapat ginagamit ng mga pribadong motorista ang mga ilaw at sirenang nagbibigay ng impresyon na sila ay may espesyal na pribilehiyo sa kalsada.

β€œHindi status symbol ang blinkers at sirena. Nakalaan lamang ang mga ito sa mga sasakyang may awtoridad at ginagamit sa tunay na emergency response. Hindi natin papayagan na abusuhin ito para manindak o makalusot sa trapiko,” ani Lacanilao.

Dagdag pa niya, β€œKaya malinaw ang mensahe natin sa publiko: kung hindi kayo awtorisado, alisin na ninyo ang mga nakakabit na blinkers, wang-wang, at kahalintulad na kagamitan. Hindi ito palamuti at lalong hindi ito nagbibigay ng espesyal na karapatan sa kalsada.”

Patuloy namang pinaigting ng LTO ang kampanya laban sa mga sasakyang gumagamit ng illegal warning devices bilang bahagi ng pagsusulong ng disiplina, respeto, at pantay-pantay na pagpapatupad ng batas-trapiko sa bansa.

Photos from Land Transportation Office - Philippines's post 26/05/2026

π’π‚πŽ 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄: Resolution of Show Cause Orders Issued in March 2026

The Land Transportation Office (LTO), under the leadership of LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, continues its intensified campaign against reckless and irresponsible motorists, with the majority of the Show Cause Orders (SCOs) issued in March 2026 already resolved.

The cases involved various violations, including reckless driving, road rage, hit-and-run incidents, illegal counterflow, obstruction of traffic, and the unauthorized use of blinkers and sirens.

Following hearings and investigations, corresponding penalties were imposed on the respondents, including the suspension and revocation of driver’s licenses, depending on the gravity of the violations committed.

In line with the directive of Asec. Lacanilao, the agency remains committed to holding abusive motorists accountable and ensuring safer roads for all road users.

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


LTO Central Office Compound, Brgy. Pinyahan, East Avenue
Quezon City
1100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm