Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards

Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards

Share

The search is on for the 10 deserving winners of the Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards. Nominate your Kasambahays now! and Palawan Pawnshop.

Go to any Palawan branch or use the online form. Online Form: https://vjmvj9mi.paperform.co/ The Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards is a recognition and awards program dedicated to the Filipino household service workers or “Kasambahays”. The award search and selection is a joint project between the Junior Chamber International Senate Philippines, Inc. There is a plurality of awards and recogn

29/12/2025

Sa loob ng 21 taon bilang kasambahay, hindi lang trabaho ang ibinahagi ni Judith Caras, kundi puso, malasakit, at katapatan. 💚

Halos kalahati ng buhay niya ang inilaan niya sa pamilyang kanyang pinagsilbihan, na ngayon ay itinuring na rin niyang tunay na pamilya. Sa kanilang kabutihan, suporta, at pagmamahal, mas lalo siyang naging matatag, mapagmahal, at proud sa pagiging kasambahay.

Ngayong Pasko, mas naging makabuluhan ang kanyang pagdiriwang dahil pinarangalan siya ng Palawan Group of Companies at JCI Senate Philippines bilang isa sa mga natatanging kuwento ng Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards 2025. Panuorin ang kanyang kwento. 🎄✨



29/12/2025

Ngayong Pasko, mas nagiging makabuluhan ang pagbibigay–lalo na kung ito’y galing sa puso. 🎄💚

Si Jean Macarayo ay 18 taong nagsakripisyo sa ibang bansa, mula Brunei hanggang Qatar, bilang domestic helper para sa kaniyang pamilya. Sa kabila ng pagod, sakit, at pangungulila, patuloy siyang lumalaban. Ngayon, sa edad na 51, hindi pa rin siya sumusuko sa pagtupad ng pangarap para sa mga mahal niya sa buhay.
Isang kwento ng pagmamahal, katatagan, at tunay na diwa ng Pasko.

Isa si Ate Jean sa mga Kasambahay Kasambuhay 2025 Awardees na pinarangalan ng JCI Senate Philippines at Palawan Group of Companies. Panuorin ang kanyang kwento.



23/12/2025

Ngayong Pasko, may kwentong nagbibigay-liwanag sa kahulugan ng katapatan—ang kwento ni Kent Lemuel Pahimutang.🎄💚

Isa siya sa mga Kasambahay Kasambuhay 2025 Awardees na pinarangalan ng JCI Senate Philippines at Palawan Group of Companies.

Sa loob ng maraming taon ng paglilingkod, tinuring siyang tunay na pamilya, sinamahan sa bawat okasyon, sinuportahan sa gitna ng pandemya, pagkawala, at karamdaman. Dahil sa malasakit ng kanyang mga amo, nakapagtayo siya ng bahay, napaaral ang mga kapatid, natulungan ang kanyang ina, at patuloy pang tinutulungan sa kanyang pag-aaral. Isang patunay na kapag ang serbisyo ay mula sa puso, ang Pasko ay mas nagiging masaya, maliwanag, at puno ng pag-asa.

Panuorin ang kanyang kwento.



23/12/2025

Ngayong Pasko, may ngiting dulot ang pagkilalang bunga ng sipag, sakripisyo, at pananalig.🎄💚

Isa si Ate Arceli Buling sa mga Kasambahay Kasambuhay 2025 Awardees na pinarangalan ng JCI Senate Philippines at Palawan Group of Companies.

Mula sa murang edad na 16, pinili niyang magsikap, pinagsabay ang trabaho at pag-aaral, hinarap ang pagkawala ng mahal sa buhay at mga pagsubok sa kalusugan. Sa kabila ng lahat, nanatili ang malasakit at suporta ng pamilyang kanyang pinagsilbihan—patunay na kapag ang serbisyo ay mula sa puso, nagiging pamilya ang samahan at nagiging mas maliwanag ang Pasko.

Panuorin ang kanyang kwento.



23/12/2025

Ngayong Pasko, may liwanag na hatid ang pagkilala sa sipag at tibay ng loob.🎄💚

Isa si Ma. Victoria Enero sa mga Kasambahay Kasambuhay 2025 Awardees na pinarangalan ng JCI Senate Philippines at Palawan Group of Companies.

Sa loob ng tatlong dekada bilang kasambahay, hinarap niya ang hirap at kakulangan ng edukasyon, ngunit nanindigan para sa pamilya. Isang patunay na kahit sa gitna ng pagsubok, ang Pasko ay mas nagiging makabuluhan kapag puno ng pag-asa, pasasalamat, at pagmamahal.

Panuorin ang kanyang kwento.



23/12/2025

Isa si Rosalinda Resco, 74 taong gulang, sa mga Kasambahay Kasambuhay 2025 Awardees na pinarangalan ng JCI Senate Philippines at Palawan Group of Companies. 🎄💚

Dahil sa pagkilalang ito, mas naging masaya at puno ng pagmamahal ang kanyang Pasko. Sa kabila ng kanyang edad, patuloy siyang naglilingkod nang may sipag at saya, nag-aalaga ng mga batang itinuring na parang sariling anak at nagpapasalamat sa pagkakataong makapagtrabaho pa para sa kanyang pamilya.

Isang kwento ng pananampalataya, tibay ng loob, at pusong hindi tumitigil sa pagtulong at pagmamahal. Panuorin ang kanyang kwento.



22/12/2025

May mga pangarap na binubuo sa katahimikan ng sakripisyo.” 🎄💚

Mas naging puno ng pag-asa ang Pasko ni Maria R. Rubia, isa sa mga Kasambahay Kasambuhay 2025 Awardees na pinarangalan ng JCI Senate Philippines at Palawan Group of Companies.

Sa kabila ng pangungulila at paglayo sa sariling pamilya, pinili niyang magpakatatag bilang kasambahay, hanggang sa maituring siyang tunay na kapamilya ng kanyang mga amo at matupad ang kanyang pangarap, mapagtapos ang kanyang mga anak.

Panuorin ang kanyang kwento.



22/12/2025

May mga pusong buong buhay na nagmamahal at nananatili. 🎄💚

Mas naging puno ng alaala at pasasalamat ang Pasko ni Adelaida Cabagua, 83 taong gulang, isa sa mga Kasambahay Kasambuhay 2025 Awardees na pinarangalan ng JCI Senate Philippines at Palawan Group of Companies.

Mula pa noong 1981, inialay niya ang kanyang buhay sa iisang pamilya. Mula sa lolo’t lola, hanggang sa mga anak at apo, na hindi lamang niya pinagsilbihan, kundi minahal at itinuring na sariling pamilya. Isang kwento ng katapatan, pag-aaruga, at pusong hindi nang-iwan sa hirap at ginhawa.

Panuorin ang kanyan kwento.



21/12/2025

May mga taong buong buhay na naglilingkod—para sa pamilya at sa pangarap.🎄💚

Mas naging puno ng pag-asa ang Pasko ni Wencesa Flores, isa sa mga Kasambahay Kasambuhay 2024 Awardees na pinarangalan ng JCI Senate Philippines at Palawan Group of Companies.

Mula sa murang edad na 14 hanggang sa mahigit apat na dekada ng pagtitiyaga, ipinaglaban niya ang kinabukasan ng kanyang mga anak—napagtapos ang dalawa sa kolehiyo, nalampasan ang sakit at pagsubok, at patuloy na lumalaban para sa pamilya.



Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Why Must We Recognize Our Kasambahays?

We believe that our Filipino Kasambahays are the modern heroes of our time. They take the responsibility of simple household work so that we may take care of our bigger tasks. They make our lives easier so that we can spend our time to be better.

We believe in advocating their efforts in espousing Filipino values through their work - dedication to service, loyalty, trustworthiness - among others. This is what the Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards is all about, a recognition and awards program dedicated to honoring the Filipino household service workers or “Kasambahays.”

The Award Search will choose ten (10) Kasambahay awardees this year to receive an award of Php 75,000.00 cash, a trophy, and a plaque of recognition for their present employers.

This program is brought to you by the Junior Chamber International Senate Philippines, Inc., together with Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala.

Location

Website

Address


JCI Senate Philippines, Inc. , Philippine Jaycees Bldg. , 14 Don Alejandro Roces Avenue
Quezon City

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm