30/04/2026
📣 MOA SIGNING | BARANGAY HORSESHOE x MEDICARE PRO CLINIC 🐾🩺
Isinagawa ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing sa pagitan ng Barangay Horseshoe at Medicare Pro Clinic bilang bahagi ng ating partnership program para sa mga residente na nakakaranas ng kagat o kalmot ng a*o at pusa.
Layunin ng kasunduang ito na mabigyan ng agarang at maayos na serbisyong medikal ang ating mga kabarangay, lalo na sa mga insidenteng may kinalaman sa animal bites and scratches, upang maiwasan ang mga posibleng komplikasyon gaya ng rabies.
Sa pamamagitan ng kolaborasyong ito, mas mapapalapit ang serbisyong pangkalusugan sa ating komunidad at masisiguro ang kaligtasan ng bawat isa.
Maraming salamat sa Medicare Pro Clinic sa pakikiisa at suporta sa programang ito.
💙 Sama-sama para sa mas ligtas at mas malusog na Barangay Horseshoe!
18/04/2026
TESDA AND CABALEN TRAINING INSTITUTE
PREPARE AND COOK HOT MEALS
✔️ 31 DAYS TRAINING FOR FREE
✔️ WITH ALLOWANCE
✔️ WITH TOOLKIT
✔️ WITH CERTIFICATE OF COMPETENCY
✅ BASIC REQUIREMENTS:
📄 PSA Birth Certificate (photocopy)
📸 4 pcs 1×1 ID picture + 1 passport size (white background)
🎓 Educational Proof (kahit alin sa mga ito):
• High School / SHS Diploma
• ALS Certificate
• College Diploma (if applicable)
💍 Marriage Certificate (kung married)
Cabalen Training Institute
Address: No. 54 J.P. Rizal St., Project 4, Quezon City
Bago lang po ito umabot sa qmmc/labor kaliwa side po pag dating sa stoplight
Para sa karagdagang impormasyon, magtungo lamang sa Barangay Hall.
17/04/2026
📢 Magandang Balita para sa mga Mag-aaral! 🎓
Para sa mga kabataan ng Barangay Horseshoe na nais makapag-aral at magkaroon ng mas maliwanag na kinabukasan, narito na ang inyong pagkakataon!
Ang Barangay Horseshoe ay magbibigay ng FULL SCHOLARSHIP sa 5 piling mag-aaral na papa*ok ng Senior High School na mag-aaral sa Immaculate Concepcion Cathedral School. 💙 💙
📌 Sino ang maaaring mag-apply?
✔️ Mga mag-aaral na papa*ok sa Senior High School
✔️ Determinado at may pangarap na makapagtapos ng pag-aaral
📄 Pagsusumite ng Requirements:
Personal Letter (Bakit gusto mong maging scholar ng Barangay Horseshoe)
Certificate of Good Moral Character
Learners individual Reading Profile
School Card or Grade Card
-
Para sa mga interesado, may isa pang oportunidad na maaari ninyong salihan!
Ang Rotary Club of Sto. Domingo ay nag-aalok ng “Cooking for Life Program” na makakatulong sa paglinang ng inyong kasanayan sa pagluluto at maaaring maging daan sa kabuhayan. 👩🍳👨🍳
📌 Para sa kumpletong detalye, pakibasa na lamang ang impormasyon sa larawan na naka-attach sa post na ito.
Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Ibahagi ang post na ito upang mas marami pang kabataan ang mabigyan ng pagkakataon. ✨
Huwag palampasin ang pagkakataong matuto at magkaroon ng bagong kasanayan! ✨
Para sa karagdagang impormasyon, magtungo lamang sa Barangay Hall.
11/04/2026
PAHAYAG NG PAMAHALAANG LUNGSOD QUEZON
Kaugnay ng isang ulat tungkol sa panlilinlang o modus na target ang mga senior citizen, mariing pinapaalalahanan ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang ating mga nakatatanda na mag-ingat at maging mapanuri.
Hinihikayat ang ating mga senior citizen na huwag basta-basta magbubukas ng pinto o magpapapa*ok ng mga hindi kilalang tao sa kanilang tahanan. Mahalaga ang kaligtasan, kaya’t makabubuting tiyakin muna ang pagkakakilanlan ng sinumang kumakatok o umiikot sa inyong komunidad.
Nililinaw rin ng lokal na pamahalaan na HINDI ito namamahagi ng birthday cake. Sa halip, ang ibinibigay ng lungsod ay BIRTHDAY PACKAGES na naglalaman ng mga pangunahing grocery items tulad ng gatas, pasta at sauce bundle, biscuit, at iba pang produktong makatutulong sa kalusugan ng ating mga lolo at lola.
Ang mga birthday package na ito ay ipinapamahagi buwan-buwan sa pamamagitan ng ating mga barangay, batay sa opisyal na listahan ng QCitizens na may senior citizen ID. Nagtatalaga ang bawat barangay ng schedule kung kailan maaaring makuha ng mga benepisyaryo o ng kanilang kinatawan ang nasabing package.
Para naman sa mga bed-ridden o may limitadong kakayahang lumabas ng tahanan, ang mga birthday package ay direktang inihahatid sa kanilang bahay.
Para sa karagdagang impormasyon, hinihikayat ang publiko na bisitahin at sundan ang opisyal na communication channels ng Pamahalaang Lungsod Quezon at ng kani-kanilang barangay, tulad ng pages at website. Kung may katanungan sa mga programa at serbisyo ng pamahalaan, maaari ring tumawag sa QC Helpline 122.
Sa ating mga minamahal na QCitizen na lolo at lola, patuloy po kayong mag-ingat. May mga indibidwal na maaaring manamantala sa inyong kalagayan. Sa mga kaanak, hinihiling namin ang inyong pakikiisa sa patuloy na pagpapaalala sa ating mga nakatatanda tungkol sa kanilang kaligtasan.
10/04/2026
TINGNAN | Mahigpit na ipinatutupad ang Safe City Anti-Criminality Operations, kabilang ang Oplan Galugad, drinking in public places ban, at intensified curfew operations, isinagawa ito sa tulong ng ating kapulisan mula Police Station 7 kasama ang ating mga BPSO, alinsunod sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pangunguna ni SILG Jonvic Remulla.
Paalala sa lahat ng residente ng Barangay Horseshoe na ang mga hakbang na ito ay bahagi ng pambansang Safe City Anti-Criminality Program ng DILG. Ang pagpapatupad nito ay alinsunod sa direktiba ng pambansang pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa komunidad. Hinihikayat ang lahat na makiisa at sumunod sa umiiral na mga alituntunin upang maiwasan ang paglabag at kaukulang kaparusahan.
Nagsagawa rin kami ng Roving Routine Inspection sa mga sumusunod na lugar:
C. Benitez Street
N. Domingo Street
Santolan Road
Main Horseshoe Drive
Big Horseshoe Drive and Creek Side
Small Horseshoe Drive
Hilltop Street
Saint Peter Street
Saint Paul Street
Saint Luke Street
Sacred Heart Street
Layunin:
Upang masiguro ang kapayapaan at kaayusan sa mga nasabing lugar, at upang maagap na matukoy kung may mga indibidwal na nagbabalak gumawa ng masama o kahina-hinalang aktibidad.
06/04/2026
SAFER CITIES INITIATIVE
The Department of the Interior and Local Government (DILG) announced on Monday stricter implementation of the ban on alcohol and gambling in public areas and other measures as it rolls out its “Safer Cities Initiative” in Metro Manila.
At a press briefing, DILG Secretary Jonvic Remulla said the program will initially be piloted in the National Capital Region before expanding to other major urban centers nationwide.
The Department of the Interior and Local Government (DILG) announced Monday stricter implementation of the ban on alcohol and gambling in public areas and other measures as it rollout its “Safer Cities Initiative” in Metro Manila.
At a press briefing, DILG Secretary Jonvic Remulla said the program will initially be piloted in the National Capital Region before expanding to other major urban centers nationwide.
“We welcome Monday with the announcement of the Safer Cities Initiative. Initially, dito po sa Metro Manila mag-uumpisa ‘yan (This will start in Metro Manila),” Remulla said.
“Bakit po natin ginagawa 'to? Nakikita natin na ang mayorya ng krimen na nangyayari ay sa mga urban areas. So it's time to make the people feel safer about where they live,” he added.
(Why are we doing this? We see that the majority of crimes that occur are in urban areas. So it's time to make the people feel safer about where they live.)
The other measures implemented under the Safer Cities Initiative are:
curfew for minors at 10 p.m.
videoke sessions limited until 10 p.m., except during permitted events such as fiestas
banning shirtless individuals in public spaces
“Meron tayong Anti-Public Intoxication Act. Bawal na ang mag-inom sa kalye. Bawal na ang maglatag ng mga silya at mga lamesa sa mga kalye at mag-inuman,” Remulla said.
(We have the Anti-Public Intoxication Act. Drinking on the streets is no longer allowed. It is no longer allowed to set up chairs and tables on the streets and drink.)
“Doon nga nanggagaling number one ang away, number two ang sexual harassment. Bawal na. Kaya sabihan ko ang lahat, pasensyahan tayo kapag kayo mag-inuman sa kalye, huhulihin naminj kayo,” he added.
(That’s where, number one, fights come from, number two, sexual harassment. It’s no longer allowed. So I tell everyone, when you drink on the streets, we will apprehend you.)
Remulla said he will urge local governments to issue ordinances for these measures.
“Bawal na po ang videoke lagpas ng alas 10 p.m. Alam ko ang lahat ng Pilipino mahilig kumanta. Maraming magaling kumanta. Masarap kumanta basta lalo na kasama barkada. Pero, maawa naman kayo sa kapwa ninyo at hayaan ninyo nang matulog,” he said.
(Videoke is not allowed after 10 p.m. I know all Filipinos love to sing. Many are good singers. Singing is fun, especially with friends. But, have mercy on your neighbors and let them sleep.)
“Walang t-shirt na lalaki na palakad-lakad sa kalye. It is an act of civility na magbihis naman kayo habang nasa kalye kayo…kahit gaano kainit, magsando man lang kayo,” he added.
(Shirtless men walking on the street. It is an act of civility to wear a shirt while you are on the street…no matter how hot it is, at least wear a sando.)
Also under the initiative, each school in Metro Manila will have at least one to two police personnel during school hours with the support of barangay tanods.
Police assistance desks will also be set up to allow students to easily seek help or report incidents.
The Philippine National Police (PNP) will also intensify deployment in transport hubs such as airports, seaports, bus terminals, and train stations, as well as in malls and other high-traffic areas.
Nightlife hotspots and other tourist spots in the metro will have more presence of police and local government forces. —AOL, GMA News
Read more:
https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.gmanetwork.com%2Fnews%2Ftopstories%2Fnation%2F982744%2Fdilg-alcohol-gambling-ban-other-measures-to-be-strictly-implemented%2Fstory%2F%3Ffbclid%3DIwZXh0bgNhZW0CMTAAYnJpZBExbGk5dkRuT09mbWhodmZBNHNydGMGYXBwX2lkEDIyMjAzOTE3ODgyMDA4OTIAAR76gaG0n-E2GV3SWoTBBIsBHUvphQ1ytuF9VwsK3PMsDBggey9mkUYA_6jnOA_aem_LAzrVWJrQfFeJS1wBtCU7A&h=AT5QePNpcaElsEeXgiqA75RvC-mME8GfVLu1HcZCs5uhc7nj4XjIa2fFzKoLSHv0y2NHHcpUXsR7KjYE5akS4sfgAvtwlS20aRDqz2YQ9Ve3oizqwblEafLlsbtegpkcMsRwUGfY_cq7iDNg0vk1LqNa6_qJ0l4W&__tn__=-UK*F
06/04/2026
Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng dumalo at nakiisa sa ating Barangay Assembly na ginanap noong ika-28 ng Marso 2026. Ang inyong presensya, pakikilahok, at suporta ay malaking tulong upang mas mapalakas ang ating samahan at mapag-usapan ang mga mahahalagang usapin para sa kaunlaran ng ating barangay.
Lubos din po ang aming pasasalamat kay Councilor Nanette Castelo Daza at sa ating mga kapulisan mula sa Cubao Police Station 7 sa kanilang suporta at pakikiisa sa nasabing gawain.
Asahan po ninyo na patuloy kaming magsisikap na maglingkod nang tapat at maayos para sa kapakanan ng bawat mamamayan. Maraming salamat po at mabuhay ang ating barangay!
30/03/2026
☀️ Heat Stroke Is Not a Joke ☀️
Extreme heat can be dangerous and may lead to heat stroke, a serious medical emergency that can affect anyone. Prolonged exposure to high temperatures without proper hydration and rest can put your health at risk.
Stay safe by drinking plenty of water, avoiding prolonged exposure to the sun, wearing light clothing, and taking frequent breaks in shaded or cool areas. Always check on children, the elderly, and those working outdoors.
Your safety is our priority. Stay cool, stay hydrated, and stay protected.
📞 For emergencies, dial the QC Helpline 122.