DOH MIMAROPA - Office of the Regional Director

DOH MIMAROPA - Office of the Regional Director

Share

Official Page of the Office of the Regional Directors of DOH MIMAROPA CHD

Photos from Department of Health (Philippines)'s post 02/06/2026

‼️MGA KABATAAN, DOH AT LUNG CENTER OF THE PHILIPPINES, PINATINDI ANG PANAWAGAN KONTRA YOSI AT V**E ‼️

Photos from DOH MIMAROPA - Office of the Regional Director's post 01/06/2026

π“πˆππ†ππ€π | Upang matiyak ang mas ligtas na kapaligiran sa mga ospital at mapabuti ang kalidad ng serbisyong pangkalusugan sa rehiyon, pinangunahan ng Department of Health MIMAROPA Center for Health Development ang Training on the Development of Water and Sanitation for Health Improvement Tool (WASH FIT) Safety Plan noong Abril 2026 sa Sta. Cruz, Manila.

Pinangunahan ng Health Facility Development Unit (HFDU) sa ilalim ng Green and Safe Health Facilities Program ang pagsasanay na naglalayong gabayan ang mga kalahok sa tamang pamantayan ng water, sanitation, and hygiene (WASH) sa mga health facility, linawin ang kanilang tungkulin sa regular na pagsusuri ng pasilidad, at paigtingin ang kakayahan sa pagbuo ng WASH FIT Safety Plan na gagamitin upang mapabuti ang kaligtasan ng mga ospital.

Ang WASH FIT ay isang tool na ginagamit upang masuri ang kalagayan ng tubig, sanitasyon, at kalinisan sa mga health facility. Sa pamamagitan nito, natutukoy kung may mga kakulangan o panganib sa pasilidad na kailangan na agarang matugunan upang maiwasan ang impeksyon at mapanatili ang ligtas na serbisyo para sa mga pasyente, kasama na ang mga health workers at iba pang bumibisita sa ospital.

Tinalakay sa pagsasanay ang mga pangunahing polisiya at pamantayan sa environmental health kaugnay ng WASH, gayundin ang proseso ng WASH FIT implementation sa mga health facility. Ipinaliwanag din ang Water Safety Plan at Sanitation Safety Plan bilang gabay upang matiyak na ligtas ang suplay ng tubig at maayos ang sistema ng sanitasyon sa loob ng ospital.

Sa pamamagitan ng mga lecture at aktwal na pagsasanay, nakapagsimula ang mga kalahok ng pagbuo ng WASH FIT Safety Plan batay sa aktuwal na kondisyon ng kanilang mga pasilidad. Nakatulong ito upang makita kung alin ang mga dapat agad na ayusin at kung paano mas mapapabuti ang WASH systems sa kanilang mga ospital.

Isa sa mga naging mahalagang bahagi ng aktibidad ang ocular visit sa San Lazaro Hospital, kung saan naobserbahan ng mga kalahok ang aktuwal na pagpapatupad ng WASH FIT sa isang malaking pampublikong ospital. Nakita rin nila kung paano pinapangalagaan ang tubig, sanitasyon, at kalinisan bilang bahagi ng pang-araw-araw na operasyon ng pasilidad.

Nagbahagi ang San Lazaro Hospital ng kanilang mga karanasan at praktikal na pamamaraan sa pagpapatupad ng WASH FIT na maaaring gamitin bilang gabay ng mga ospital sa MIMAROPA sa pagbuo ng kani-kanilang sistema.

Bilang napagkasunduan, magsasagawa ang mga kalahok ng cascading orientation sa kani-kanilang mga health facility upang maipasa ang kaalaman sa mas maraming kawani. Inirekomenda rin ang pagbuo ng WASH FIT Committee at paglikha ng kaukulang polisiya upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga hakbang para sa mas ligtas na pasilidad.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga kinatawan mula sa DOH MIMAROPA CHD, Health Facility Development Bureau, San Lazaro Hospital, at mga government hospitals at infirmaries mula sa iba’t ibang lalawigan ng MIMAROPA.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagpapalakas ng mga sistema sa tubig, sanitasyon, at kalinisan sa mga ospital, masisiguro ang mas ligtas na serbisyo para sa mga pasyente at mas maayos na kondisyon sa trabaho ng mga health workers, na mahalaga sa pagtiyak ng kalidad at kaligtasan ng serbisyong pangkalusugan sa rehiyon.

β€œπ‘Ίπ’‚ π‘©π’‚π’ˆπ’π’π’ˆ π‘·π’Šπ’π’Šπ’‘π’Šπ’π’‚π’”, π‘©π’‚π’˜π’‚π’• π‘©π’–π’‰π’‚π’š π‘΄π’‚π’‰π’‚π’π’‚π’ˆπ’‚;
π‘²π’‚π’π’–π’”π’–π’ˆπ’‚π’ 𝒔𝒂 π’Žπ’ˆπ’‚ 𝑰𝒔𝒍𝒂, π‘²π’‚π’šπ’‚π’Žπ’‚π’π’‚π’ π’π’ˆ 𝑴𝑰𝑴𝑨𝑹𝑢𝑷𝑨.”


01/06/2026

‼️ZERO BALANCE BILLING, RAMDAM SA MGA ISLA NG VISAYAS; BIKTIMA NG AKSIDENTE SA MOTOR SA NEGROS ISLAND REGION, LIBRE ANG OPERASYON SA BUTO‼️

Photos from Bureau of Fire Protection Mimaropa Region's post 28/05/2026
Photos from DOH MIMAROPA - Office of the Regional Director's post 27/05/2026

π“πˆππ†ππ€π | Isang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng maternal at newborn healthcare services sa rehiyon ang isinagawa sa pamamagitan ng Basic Emergency Obstetric and Newborn Care (BEmONC) Field Monitoring and Visit sa Oriental Mindoro Provincial Hospital (OrMPH) noong Mayo 6–7, 2026.

Pinangunahan ang aktibidad ng DOH MIMAROPA Center for Health Development - Family Health Cluster- Maternal and Women and Children Protection Program, kasama ang Department of Health–Disease Prevention and Control Bureau (DOH-DPCB) sa pamumuno ni Dr. Ann Ysabel Andres at ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital (DJRMH) sa pangunguna ni Dr. Maria Lu Andal, katuwang ang Oriental Mindoro Provincial Hospital sa pamumuno ni OIC-Chief of Hospital Dr. Cielo Angela Ante, at mga BEmONC-trained personnel mula sa OBGYN Department.

Isinagawa ang monitoring visit bilang bahagi ng paghahanda ng Oriental Mindoro Provincial Hospital upang maging kauna-unahang Provincial BEmONC Training Hospital sa MIMAROPA. Kapag ganap nang operational, magsisilbi itong sentro ng pagsasanay para sa mga healthcare worker sa rehiyon upang higit pang mapahusay ang kanilang kakayahan sa pagtugon sa mga emergency na may kaugnayan sa pagbubuntis, panganganak, at pangangalaga sa mga bagong silang na sanggol.

Mahalaga ang BEmONC sa pagbibigay ng agaran at naaangkop na pangangalaga sa mga ina at sanggol sa panahon ng komplikasyon. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng provincial training hospital sa loob mismo ng rehiyon, mas magiging accessible ang mga kinakailangang pagsasanay para sa mga healthcare provider, na makatutulong upang mapalawak ang bilang ng mga skilled health workers at mapahusay ang kalidad ng serbisyong natatanggap ng mga pasyente.

Sa isinagawang pagbisita, sinuri ng mga kinatawan ng DOH-DPCB at Dr. Jose Fabella Memorial Hospital ang pagsunod ng pasilidad sa mga itinakdang pamantayan para sa BEmONC training center, kabilang ang kahandaan ng mga trainer, training systems, at iba pang kinakailangang mekanismo para sa pagpapatupad ng mga susunod na pagsasanay.

Tinalakay rin ang Department Order No. 2014-0086 na nagbibigay ng mga alituntunin kaugnay ng BEmONC Skills Training Course at mga itinalagang training centers. Kasabay nito, nirepaso ang training course curriculum at operational costing upang matiyak na ang mga proseso at requirements ay naaayon sa umiiral na mga polisiya ng Department of Health.

Nagbigay rin ng technical assistance at mentoring ang DOH-DPCB at DJRMH sa pagpinalisasyon ng curriculum at operational requirements na kinakailangan bago simulan ang pagtanggap ng mga trainees mula sa iba't ibang lalawigan ng rehiyon.

Bilang resulta ng aktibidad, nakatakdang ipagpatuloy ng Oriental Mindoro Provincial Hospital ang pag-angkop ng kanilang training curriculum at operational framework alinsunod sa mga rekomendasyong ibinigay ng mga technical experts. Ito ang magiging pundasyon upang maisakatuparan ang mga susunod na BEmONC training rollout sa MIMAROPA.

Sa pamamagitan ng pagtatatag ng kauna-unahang Provincial BEmONC Training Hospital sa rehiyon, mas mapapalapit ang dekalidad na pagsasanay sa mga healthcare worker at mas mapapalakas ang kahandaan ng mga health facilities sa pagresponde sa maternal at newborn emergencies. Mahalaga itong hakbang upang masiguro ang mas ligtas na pagbubuntis, panganganak, at pangangalaga sa mga bagong silang na sanggol sa buong MIMAROPA.

β€œπ‘Ίπ’‚ π‘©π’‚π’ˆπ’π’π’ˆ π‘·π’Šπ’π’Šπ’‘π’Šπ’π’‚π’”, π‘©π’‚π’˜π’‚π’• π‘©π’–π’‰π’‚π’š π‘΄π’‚π’‰π’‚π’π’‚π’ˆπ’‚;
π‘²π’‚π’π’–π’”π’–π’ˆπ’‚π’ 𝒔𝒂 π’Žπ’ˆπ’‚ 𝑰𝒔𝒍𝒂, π‘²π’‚π’šπ’‚π’Žπ’‚π’π’‚π’ π’π’ˆ 𝑴𝑰𝑴𝑨𝑹𝑢𝑷𝑨.”


Photos from Provincial DOH Office - Palawan's post 26/05/2026
Photos from DOH MIMAROPA - Office of the Regional Director's post 25/05/2026

π“πˆππ†ππ€π | Upang mas mapalakas ang ugnayan ng mga magulang at kabataan at maiwasan ang mga panganib na maaaring kaharapin ng adolescents, nagsagawa ang Department of Health MIMAROPA Center for Health Development Family Health Cluster - Adolescent Health and Development Program (AHDP) ng Parent-Teen Talk (PTT) Training mula Mayo 12 hanggang 15, 2026 sa Quezon City, katuwang ang Department of Education (DepEd) at Commission on Population and Development (CPD) MIMAROPA.

Layunin ng aktibidad na ihanda ang mga health at education facilitators na magsasagawa ng Parent-Teen Talk sessions sa kani-kanilang komunidad. Sa pamamagitan nito, mas napapalakas ang kakayahan ng mga magulang at kabataan na mag-usap nang bukas at maayos tungkol sa mga usaping may kinalaman sa kalusugan, tamang pagdedesisyon, at responsableng pag-uugali.

Ang Parent-Teen Talk ay isang programang nagbibigay ng structured na gabay para sa pag-uusap ng magulang at anak. Dito, tinatalakay ang mahahalagang usapin sa pagdadalaga at pagbibinata, kabilang ang pisikal at emosyonal na pagbabago, tamang relasyon sa pamilya, at pag-iwas sa mga risk behavior. Layunin nitong matulungan ang mga magulang na mas maunawaan ang kanilang mga anak, maging mas bukas sa komunikasyon, at magabayan sila sa tamang pagdedesisyon sa murang edad.

Tinalakay sa nasabing aktibidad ang mahahalagang paksa gaya ng pag-unawa sa yugto ng adolescence, ang disenyo at daloy ng Parent-Teen Talk sessions, at mga epektibong paraan ng facilitation. Kasabay nito, nagsagawa rin ng aktwal na pagsasanay kung paano isinasagawa ang mga talakayan sa mga magulang at kabataan, kabilang ang tamang paghawak sa sensitibong usapin at pagtugon sa emosyonal na reaksyon ng mga kalahok.

Binigyan din ng pagkakataon ang mga kalahok na magsagawa ng simulation activities kung saan isinagawa ang aktuwal na Parent-Teen Talk setup. Sa pamamagitan nito, mas nakita kung paano magiging epektibo ang programa sa aktwal na komunidad at kung paano ito maipapatupad nang maayos sa mga lokal na lugar.

Ayon sa mga kalahok, mas naunawaan nila ang kahalagahan ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng magulang at anak bilang susi sa mas ligtas at maayos na paglaki ng kabataan. Nakita rin ang halaga ng maayos na gabay ng magulang sa paghubog ng tamang desisyon ng adolescents.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga kinatawan mula sa DOH MIMAROPA CHD, DepEd MIMAROPA, at CPD MIMAROPA, kasama ang mga program managers at technical personnel mula sa mga nabanggit na ahensya at mga kinatawan mula sa iba’t ibang probinsya ng MIMAROPA.

Sa pamamagitan ng ganitong inisyatibo, patuloy na pinalalakas ng DOH MIMAROPA CHD ang mga programang nakatuon sa pamilya at kabataan upang masiguro ang mas maayos na komunikasyon sa tahanan, mas ligtas na desisyon ng kabataan, at mas handang komunidad sa usapin ng adolescent health.

β€œπ‘Ίπ’‚ π‘©π’‚π’ˆπ’π’π’ˆ π‘·π’Šπ’π’Šπ’‘π’Šπ’π’‚π’”, π‘©π’‚π’˜π’‚π’• π‘©π’–π’‰π’‚π’š π‘΄π’‚π’‰π’‚π’π’‚π’ˆπ’‚;
π‘²π’‚π’π’–π’”π’–π’ˆπ’‚π’ 𝒔𝒂 π’Žπ’ˆπ’‚ 𝑰𝒔𝒍𝒂, π‘²π’‚π’šπ’‚π’Žπ’‚π’π’‚π’ π’π’ˆ 𝑴𝑰𝑴𝑨𝑹𝑢𝑷𝑨.”


25/05/2026

‼️ZERO BALANCE BILLING, RAMDAM RIN SA MINDANAO; BATANG MAY KANSER, β‚±0.00 ANG BILL SA PAGPAPAGAMOT ‼️

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


DOH CHD MIMAROPA QMMC Compound, P. Tuazon Street, Project 4
Quezon City
1109

Opening Hours

Monday 8am - 8pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm