Marlon Serrano

Directions Website

Marlon Serrano Serbisyong Serrano | Barangay Gulod Novaliches

Medical CaravanSa pagpapatuloy ng mga programang pangkalusugan na ating ibinababa sa Barangay Gulod, matagumpay na nailu...
19/09/2026

Medical Caravan

Sa pagpapatuloy ng mga programang pangkalusugan na ating ibinababa sa Barangay Gulod, matagumpay na nailunsad ang medical mission ng aming tanggapan katuwang ang Life Saver Medical Services ngayong araw sa mga pasyenteng nangangailangan ng libreng check-up, gamot, at laboratory tests. Lubos ang kanilang pasasalamat sa mga benepisyong ipinagkaloob sa medical mission dahil natugunan ang kanilang mga pangangailangan. Mananatiling matatag at tuloy-tuloy ang mga serbisyong makatutulong sa mamamayan ng Barangay Gulod.

Medical Mission sa Barangay Gulod Sa pagpapatuloy ng mga serbisyong medikal na inihahandog sa mamamayan ng Barangay Gulo...
11/09/2026

Medical Mission sa Barangay Gulod

Sa pagpapatuloy ng mga serbisyong medikal na inihahandog sa mamamayan ng Barangay Gulod, maglulunsad po ng medical mission ang Life Saver Medical Services kung saan magkakaroon ng libreng konsulta (check-up), libreng gamot, at libreng laboratory tests ang lahat sa Holy Child Academy darating na Sabado, Setyembre 19, 2026 mula 8:00AM hanggang 12:00NN.

Sa mga nakarehistro na sa Life Saver Medical Services at lumahok sa ating mga medical mission o preregistration nitong nakaraang mga buwan, maaari na po kayong tumungo sa ating medical caravan. Dalhin lamang ang inyong PhilHealth ID at ipakita ang screenshot mula sa eGovPH app na kayo ay nakarehistro na sa Life Saver Medical Services sa anumang branch nito.

Sa mga nakarehistro na sa Life Saver Medical Services ngunit hindi pa sumasailalim sa First Patient Encounter (FPE) at medical consultation, maaari na rin po kayong tumungo sa medical mission upang makakuha ng libreng konsulta, gamot, at laboratory tests. Dalhin lamang ang PhilHealth ID at ipakita ang screenshot mula sa eGovPH app na kayo ay rehistrado na sa Life Saver Medical Services.

Sa mga nakarehistro sa ibang YAKAP clinic, maaari pa rin kayong tumungo sa ating medical caravan upang makakuha ng libreng check-up nginit ang inyong mga gamot at laboratory tests ay manggagaling pa rin sa inyong kasalukuyang YAKAP provider. Gayumpaman, maaari kayong makakuha ng libreng gamot kung kayo ay may reseta mula sa inyong kasalukuyang YAKAP clinic na tinatawag na PhilHealth GAMOT Prescription na may Unique Prescription Security Code (UPSC) na ipapakita sa doktor.

Sa mga hindi pa nakarehistro sa PhilHealth YAKAP at wala pang napipiling YAKAP provider, maaari po kayong magparehistro po kayo sa eGovPH app o sa PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO) Fairview bago tumungo sa medical mission. Sa pagpaparehistro sa eGovPH app, magdownload at magregister sa eGovPH app, hanapin ang PhilHealth Member Portal, at piliin ang Life Saver Medical Services Zabarte bilang inyong YAKAP clinic. Samantala, maaari rin pumunta sa PhilHealth LHIO Fairview upang magparehistro sa Life Saver Medical Services bilang YAKAP provider at punan ang Primary Care Selection Form (PCSF) sa kanilang tanggapan.

Sa mga nais lumipat sa Life Saver Medical Services bilang YAKAP clinic upang maalagaan at matutukan namin ang inyong kalusugan, tumungo lamang sa PhilHealth LHIO Fairview upang magpapalit ng YAKAP provider at piliin ang Life Saver Medical Services Zabarte. Ang pagpapalit ng YAKAP clinic ay maaaring iproseso mula Oktubre hanggang Disyembre ngayong taon at magiging epektibo sa Enero ng susunod na taon.

Muli, ang medical caravan ay magaganap sa Holy Child Academy sa Sabado, Setyembre 19, 2026 mula 8:00AM hanggang 12:00NN. Para sa mga nais magpalista, magpadala lamang ng mensahe kay Jop Serrano

πŸ”₯ FIRE INCIDENT REPORT β€” MAXIMA ST., GULODπŸ“… Sept 3, 2026 | ⏰ Started: 12:10 AM | βœ… Fire Out: 1:25 AMπŸ“ Maxima St., Gulod ...
02/09/2026

πŸ”₯ FIRE INCIDENT REPORT β€” MAXIMA ST., GULOD
πŸ“… Sept 3, 2026 | ⏰ Started: 12:10 AM | βœ… Fire Out: 1:25 AM
πŸ“ Maxima St., Gulod | πŸ”Œ Cause: Short circuit of electric fan
🏠 Residential structure | No casualties reported
πŸš’ Responded: Barangay Fire Gulod

Assistance being coordinated. Stay safe everyone πŸ™πŸ”₯

29/08/2026

⚠️ EVACUATION CENTER IS NOW OPEN
Para sa inyong kaligtasan, maaari na pong lumikas. Pumunta po sa itinakdang pick-up point para masundo at maihatid sa ligtas na lugar.

CHED-UniFAST TDPBilang pagkilala sa kahalagahan ng edukasyon sa ating komunidad, inihahandog ng aming tanggapan ang Comm...
27/08/2026

CHED-UniFAST TDP

Bilang pagkilala sa kahalagahan ng edukasyon sa ating komunidad, inihahandog ng aming tanggapan ang Commission on Higher Education - Unified Financial Assistance System for Tertiary Education Tulong Dunong Program (CHED-UniFAST TDP) para sa mga mag-aaral ng Quezon City University para sa unang semestre ng Akademikong Taon 2026-2027 alinsunod sa CHED Memorandum Circular No. 2006-02.

Ito ang mga requirements para makalahok sa CHED-UniFAST TDP.

1. Quezon City University student;
2. Enrolled in the First Semester, AY 2026-2027;
3. Bona Fide Resident of Barangay Gulod; and,
4. No Existing Academic Scholarships.

Narito naman ang mga documentary requirements na hinihingi sa mga kwalipikado at nais mag-apply sa CHED-UniFAST TDP.

1. Accomplished CHED-UniFAST TDP Application Form;
2. Certificate of Registration (COR) or Certificate of Enrollment for the First Semester, Academic Year 2026–2027;
or Statement of Account for the First Semester, School Year 2026–2027 (Original or Certified True Copy);
3. Photocopy of School ID, or any valid government-issued ID if the school ID is unavailable; and
4. Barangay Certificate of Indigency.

Ang mga CHED-UniFAST TDP grantees ay makatatanggap ng seven thousand five hundred pesos (P7,500.00) kada semestre o fifteen thousand pesos (P15,000.00) sa bawat akademikong taon.

Sa mga interesadong lumahok sa CHED-UniFAST TDP, magpadala lamang ng mensahe kay Jop Serrano

25/08/2026

PAMILYANG MALUSOG -
Medical Caravan para sa Lahat

Sa mga residente ng Area 6 at buong komunidad ng Barangay Gulod, maglulunsad ng medical mission sa Huwebes, Setyembre 3, 2026, sa pangunguna ni Kapitan Rey Aldrin Tolentino at buong konseho.

Itinatampok ang libreng executive check-up sa medical caravan para sa lahat ng mamamayan ng Barangay Gulod anuman ang inyong PhilHealth YAKAP provider o kahit wala pang YAKAP clinic. Ang medical mission na ito ay bukas para sa lahat anuman ang edad. Sa kagustuhan ng sangguniang barangay sa pangunguna ni Kapitan Rey Aldrin Tolentino na maibaba ang mga serbisyong medikal gaya ng libreng konsulta, libreng gamot, at libreng laboratory tests, binigyang prayoridad ang paglulunsad ng medical caravan sa ating barangay para sa lahat.

Sa mismong araw ng medical mission, makukuha kaagad ang laboratory results at makakakuha ng gamot na tatagal sa loob ng tatlong buwan.

Ito po ang mga diagnostics at laboratory tests na libreng makukuha sa medical caravan.

Diagnostics
Vital Signs
Blood Pressure
Oxygen Level
Temperature
Weight
Heart Rate
Fetal Doppler (if needed)

Laboratory Tests
Urinalysis
Blood Uric Acid
Random Blood Sugar
Fasting Blood Sugar
Lipid Profile/Cholesterol
Complete Blood Count
Blood Typing
Hemoglobin
HbA1c
Creatinine (as needed)
SGOT (as needed)
SGPT (as needed)
Digital XRay PA/AP (as needed)
Whole Abdominal Ultrasound (as needed)

Para sa mga interesadong lumahok sa medical mission, magpadala lamang ng mensahe para magparehistro kay Jop Serrano.

24/08/2026

πŸ“Œ Libreng Gamot para sa Lahat

Tuwing Martes at Miyerkules | 3rd Flr, Opisina ni Kagawad Marlon Serrano πŸ“

Sa pakikipagtulungan ng Generika Drugstore (PhilHealth GAMOT provider & DSWD accredited), naglulunsad tayo ng libreng gamot sa Barangay Gulod! πŸ’Š

βœ… PhilHealth YAKAP: 75 libreng gamot β€” 21 sa YAKAP Clinic, 54 sa GAMOT provider. Kung wala sa listahan, maaaring gamitin ang DSW Guarantee Letter sa mga accredited pharmacy.

βœ… Paano makakuha:

- 🩺 May PhilHealth GAMOT Prescription (UPSC) β†’ Dalhin sa opisina kasama ang PhilHealth/valid ID.
​
- πŸ“„ May DSWD Guarantee Letter β†’ Dalhin sa opisina kasama ang PhilHealth/valid ID.
​
- πŸ₯ Reseta mula pribado/pampublikong ospital β†’ Pumunta sa opisina β€” tutulungan kayong magparehistro sa YAKAP at iproseso ang Guarantee Letter.

List of available medicines :

* Hypertensive Meds
Amlodipine 5mg
Amlodipine 10mg
Aspirin 80mg
Atenolol 50mg
Clonidine 75mcg
Clonidine 150mcg
Clopidogrel 75mg
Losartan 50mg
Losartan 100mg
Losartan50mg+Hydrochlorothiazide12.5mg
Metoprolol 50mg
Telmisartan 40mg
Telmisartan 80mg

* Cholesterol Meds
Atorvastatin 10mg
Atorvastatin 20mg
Atorvastatin 40mg
Atorvastatin 80mg
Rosuvastatin 10mg
Rosuvastatin 20mg
Simvastatin 20mg
Simvastatin 40mg

* Blood Sugar Meds
Dapagliflozin 10mg
Gliclazide 30mg
Gliclazide 60mg

* Antibiotic Meds
Amoxicillin 500mg
Co-amoxiclav 625mg
Azithromycin 500mg
Cefuroxime 500mg

* AntiGout Meds
Colchicine 500mcg

* Cough & allergy Meds
Butamirate citrate
Lagundi 600mg
Cetirizine 10mg

Other Meds
Tamsulosin 400mcg
Omeprazole 20mg
Omeprazole 40mg
Mefenamic acid 500mg
Ibuprofen 200mg
Gabapentin 100mg
Gabapentin 300mg
Salbutamol nebule
Salbutamol+ipratropium nebule

Para sa iba pang tanong, mag-message kay Jop Serrano

Maraming salamat po Cong. Kit Belmonte , malaking bagay po para sa amin ang inyong suporta!  Magkakasama nating isulong ...
21/08/2026

Maraming salamat po Cong. Kit Belmonte , malaking bagay po para sa amin ang inyong suporta!

Magkakasama nating isulong ang legasiya ng mga Belmonte: a world class city
Hindi lang ito paglilinis , ito ay malasakit sa Barangay Gulod!

Saludo sa Angat Kabataan Team Yel, handang tumulong kahit sa pa paglilinis ng creek tunay na dedikasyon!

Salamat sa lahat ng volunteers! Mas malinis na kapaligiran, mas ligtas na komunidad. Ingat po tayong lahat!

Isang simpleng feeding activity sa ilang bahagi ng Barangay Gulod ,paraan na rin namin ng pagkamusta sa inyo. Kasama ang...
19/08/2026

Isang simpleng feeding activity sa ilang bahagi ng Barangay Gulod ,paraan na rin namin ng pagkamusta sa inyo. Kasama ang Angat Kabataan Team Yel, nagbahagi kami ng kaunting tulong at pagkain, maliit man na bagay, ngunit galing sa puso.

Patuloy lang sa pagtulong, kahit sa simpleng paraan.
Mag-ingat po tayo lahat.

Life Saver Medical CaravanSa pagpapatuloy ng mga serbisyong medikal na inihahandog sa mamamayan ng Barangay Gulod, maglu...
18/08/2026

Life Saver Medical Caravan

Sa pagpapatuloy ng mga serbisyong medikal na inihahandog sa mamamayan ng Barangay Gulod, maglulunsad po ng medical mission ang Life Saver Medical Services kung saan magkakaroon ng libreng konsulta (check-up), libreng gamot, at libreng laboratory tests ang lahat. Dahil ang medical caravan na ito ay nakapaloob sa PhilHealth YAKAP, may iba't ibang patakaran at proseso na dapat tandaan.

Sa mga nakarehistro na sa Life Saver Medical Services at lumahok sa ating medical mission o preregistration nitong nakaraang mga buwan, maaari na po kayong tumungo sa ating medical caravan. Dalhin lamang ang inyong PhilHealth ID at ipakita ang screenshot mula sa eGovPH app na kayo ay nakarehistro na sa Life Saver Medical Services sa anumang branch nito.

Sa mga nakarehistro na sa Life Saver Medical Services ngunit hindi pa sumasailalim sa First Patient Encounter (FPE) at medical consultation, maaari na rin po kayong tumungo sa medical mission upang makakuha ng libreng konsulta, gamot, at laboratory tests.

Sa mga nakarehistro sa ibang YAKAP clinic, maaari pa rin kayong tumungo sa ating medical caravan upang makakuha ng libreng check-up nginit ang inyong mga gamot at laboratory tests ay manggagaling pa rin sa inyong kasalukuyang YAKAP provider. Gayumpaman, maaari kayong makakuha ng libreng gamot kung kayo ay may reseta mula sa inyong kasalukuyang YAKAP clinic na tinatawag na PhilHealth GAMOT Prescription na may Unique Prescription Security Code (UPSC) na ipapakita sa doktor.

Sa mga hindi pa nakarehistro sa PhilHealth YAKAP at wala pang napipiling YAKAP provider, magparehistro po kayo sa eGovPH app o sa PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO) Fairview bago tumungo sa medical mission. Sa pagrehistro sa eGovPH app, magdownload at magregister sa eGovPH app, hanapin ang PhilHealth Member Portal, at piliin ang Life Saver Medical Services Zabarte bilang inyong YAKAP clinic. Samantala, maaari rin pumunta sa PhilHealth LHIO Fairview upang magparehistro sa Life Saver Medical Services bilang YAKAP provider at magfillout ng Primary Care Selection Form (PCSF) sa kanilang tanggapan.

Sa mga nais lumipat sa Life Saver Medical Services bilang YAKAP clinic upang maalagaan at matutukan namin ang inyong kalusugan, tumungo lamang sa PhilHealth LHIO Fairview upang magpapalit ng YAKAP provider at piliin ang Life Saver Medical Services Zabarte.

Ang lugar, petsa, at oras ng gaganaping medical caravan ay aming iaanunsyo sa mga susunod ma araw. Para sa iba pang katanungan at sa mga nais magpalista, magpadala lamang ng mensahe kay Jop Serrano.

Address

Gulod
Quezon City
1117

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Marlon Serrano posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share