10/10/2026
πππππππ: Mga ka-barangay! Ngayong araw, nakiisa ang ating Barangay sa ginanap na Quezon City Gender and Development (GAD) Summit 2026 na may temang βKAMUSTA KA, BATANG INA?β: Kwentuhan Para sa Pangarap, sa pangunguna ng ating mahal at butihing Mayor Joy Belmonte.
Dinaluhan ito ng ating mga piling participants na batang ina kung saan sila ay nagkaroon ng pagkakataong makinig, matuto, at maipahayag ang kanilang mga saloobin at pangarap sa buhay sa pamamagitan ng pagsulat sa maliit na papel.
Isang Nakakapukaw ng Damdaming Tagpo
Sa isang 'di inasahang pagkakataon, personal na binasa ng ating butihing Mayor Joy Belmonte ang ilan sa mga isinulat na pangarap ng ating mga participants. Dahil sa kanyang tapat at malalim na pagmamahal sa kababaihanβlalo na sa ating mga batang inaβon the spot niyang inihayag ang pagbibigay ng Safe Space para sa mga nagnanais na muling makapag-aral at makatapos ng kanilang edukasyon.
Hindi lang 'yan! Ipinaliwanag din ng pamahalaang lungsod na magkakaroon ng tulong mula sa Social Services Development Department (SSDD) na magbabantay at mag-aalaga sa kanilang mga anak habang sila ay nasa klase. Isang patunay na hindi hadlang ang pagiging ina upang maabot ang mga pangarap!
Bukod sa nakakapagbagong-buhay na talakayan, naging masaya at pinalad din ang ating delegasyon:
Sine Time: Nakapanood sila ng pelikula sa pinakabagong Quezon City Theater sa loob ng MICE Building.
Raffle Winner: Sa ginanap na raffle draw, pinalad ang isa sa ating mga participants na mag-uwi ng isang brand new Mountain Bike!
Naging napakaproduktibo, puno ng aral, at tunay na nakatutuwa ang naging karanasan ng bawat isa ngayong araw.
Maraming-maraming salamat sa ating Punong Barangay Marian Alvarez Garlit at sa ating GAD Vice Chairperson Kagawad Dave Villaluz sa walang sawang pagsuporta, paggabay, at pagmamahal sa ating mga batang ina at sa buong komunidad.