31/05/2026
Magkita kita po tayo bukas!!!
We are Socio-Civic Group, “We Rise By Lifting Others” “Brotherhood” and “No one will be left behind” Be one of Us!
Join us #Agila!!!🦅
"Our goal should be to live in a world of equals, bound not by blood, but by humanity and mutual respect."
31/05/2026
Magkita kita po tayo bukas!!!
30/05/2026
ANO TARA NA! 🦅
Halina at makiisa sa gaganaping Brigada Eskwela 2026 sa President Corazon C. Aquino Elementary School sa darating na Hunyo 1, 2026 (Lunes).
Ang gawaing ito ay pangungunahan ng Batasan Eagles Region NCR XIV-D bilang pakikiisa sa paghahanda ng paaralan para sa panibagong taon ng pag-aaral.
Tema:
"Bayanihan para sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman"
📍 Lugar: PCAES
🗓️ Petsa: Hunyo 1, 2026 (Lunes)
🕠 Oras: 5:30 ng umaga
Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga miyembro, kaibigan, at mga nais tumulong na makiisa at maging bahagi ng makabuluhang gawaing ito para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral at paaralan.
Magkita-kita po tayo at sama-sama nating isabuhay ang diwa ng bayanihan!
Maraming salamat po at...
Mabuhay ang Tunay na Agila! 🦅💙❤️💛
It was indeed a successful event, featuring a Free Massage Training in the morning and a Free Virtual Assistant 101 Workshop, proudly sponsored by our very own Lady Sentinel Eagles Club. The event provided valuable learning opportunities, meaningful connections, and an inspiring experience for all participants.🦅🦅🦅
24/05/2026
23/05/2026
Isang matagumpay na Community Service ang naisagawa ngayong araw sa pamamagitan ng libreng Massage Training at Virtual Assistance Training 101, sa pangunguna ng sponsoring club na Lady Sentinel Batasan Eagles Club - Batasan Eagles Region NCR XIV-D sa pamumuno ng kanilang masipag na Club President na si Ate Pres. Romanillos Irene CaraI.
Taos-pusong nagpapasalamat ang Batasan Eagles Region NCR XIV-D sa pamumuno ng aming Governor na si Kuya Gov. Peter C Salivio at Vice Governor na si Kuya VG Felipe Tubog sa inyong walang sawang pagsuporta at paggabay sa bawat adhikain ng aming samahan.
Lubos din po ang aming pasasalamat sa ating butihing Kapitan Kuya Kap. Jojo Abad para sa kanyang patuloy na suporta, lalo na sa pagpapahiram ng conference room upang maging mas komportable at maayos ang ating seminar
Maraming salamat din sa ating butihing Kuya Kagawad Cedi Abad at Ate Kagawad Carla Bulaga sa kanilang walang sawang pagsuporta sa lahat ng proyekto ng aming samahan.
Taos-puso rin naming kinikilala ang buong Lady Sentinel Batasan Eagles Club para sa matagumpay na pagsasagawa ng nasabing Community Service, gayundin ang lahat ng Club Presidents at miyembro ng bawat club na tunay na nakiisa at sumuporta sa bawat adhikain ng ating samahan.
Taos puso din ang aming pasasalamat kay Tinz goodhand hilot massage on the go para sa taos pusong pagbibigay ng libreng massage seminar sa ating Ka Barangay! Mabuhay po kayo!
Muli nating pinatunayan ang diwa ng pagkakaisa sa temang:
“We Move As One! One Vision, One Team!”
Maraming maraming salamat sa lahat ng dumalo, nakiisa, at nakibahagi sa programa ng aming samahan.
Mabuhay ang Tunay na Agila!🦅🦅🦅
MULA SA LADY SENTINEL BATASAN EAGLES CLUB (BATASAN EAGLES REGION NCR XIV-D)
📣 MAGANDANG BALITA, MGA KA-BARANGAY!
📣Dahil sa inyong pampublikong kahilingan at tagumpay ng ating nakaraang programa, magbabalik po ang ating libreng pagsasanay para sa lahat!
Bukas po ito sa mga gustong magkaroon ng bagong kakayahan at pagkakakitaan.
📅 Kailan: Mayo 23, 2026 (Sabado)
📍 Saan: 2nd Floor, Lumang Barangay Batasan Hills Hall
💵 Magkano: 100% LIBRE! (May libreng tanghalian pa!)
📝 Paunawa: Walang registration na kailangan! Walang reservation! Unahan na lang po dahil ito ay First-Come, First-Served Basis.
🗓️ GABAY SA ORAS AT AKTIBIDAD:
8:00 AM - 12:00 PM – Massage Therapy Training
12:00 PM - 1:00 PM – Libreng Tanghalian (Lunch Break)
1:00 PM - 4:00 PM – Virtual Assistant (VA) 101 Training Part 2
Ihanda na ang inyong mga panulat at kuwaderno. Agahan po ang pagpunta para masiguro ang inyong upuan at pagkain! Kita-kita po tayo!🦅🦅🦅
16/05/2026
The Lady Sentinel Batasan Eagles Club successfully conducted its General Membership Meeting (GMM) with the active participation of its officers and members. The meeting focused on organizational updates, upcoming projects, community service activities, and strengthening fellowship among members.
The club remains committed to promoting unity, leadership, and service in the community through meaningful programs and initiatives.🦅🦅
Lady Sentinel Batasan Eagles Club🦅🦅🦅