Quezon City Nutrition Committee

Quezon City Nutrition Committee

Share

The QCNC envisions a well nourished, healthy, empowered and food secure Quezon City.

Photos from Quezon City Government's post 26/05/2026

Patuloy na nagsasagawa ng Barangay Based Supplementary Feeding Program (BBSFP) ang Quezon City Nutrition Committee para mabigyan ng masustansyang pagkain ang mga nutritionally-at-risk children ng mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Kahit summer break o bakasyon, sinisiguro ng mga barangay at lokal na pamahalaan na nakukuha ng mga bata ang mga kinakailangan nilang nutrisyon, para maging mas malusog.

Bukod dito, sumasailalim din ang mga bata at kanilang magulang sa values formation programs, nutrition education, urban farming, at proper hygiene upang matiyak na pangmatagalan ang epekto nito sa kalusugan at nutrisyon ng mga bata.

Sa tulong ng Climate Change and Environmental Sustainability Department, Quezon City Health Department, Joy of Urban Farming, at Social Services Development Department, mas napaigting naman ang suporta sa mga barangay sa pamamagitan ng food surplus mobilization, nutrition education, at paggamit ng mga gulay mula sa urban farms.

Photos from Quezon City Government's post 26/05/2026

Sumailalim sa Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI) ang Quezon City Health Department noong Miyerkules.

Ibinahagi ng QCHD at ng kanilang Nutrition Section ang iba-ibang nutrition programs ng lungsod sa Regional Nutrition Evaluation Team - NCR (RNET-NCR).

Sinusuri ang kaayusan ng implementasyon ng nutrition programs, sa pamamagitan ng desk review at panayam sa local nutrition focal persons.

Noong isang taon, ginawaran ang Quezon City ng Green Banner Seal of Compliance Award (GB Award) bilang pagkilala sa mga isinagawang programa ng lungsod na nagpabuti pa sa nutrisyon at pangkalahatang kalusugan ng mga QCitizen.

Photos from Quezon City Nutrition Committee's post 17/04/2026

Isang produktibo at komprehensibong pagtatalakay ang naisagawa sa kauna-unahang pagpupulong ng Quezon City Nutrition Committee ngayong taon, sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, Chairperson ng QCNC.

Tampok sa pulong ang presentasyon ni Dr. Dante Nacpil mula sa Schools Division Office, kung saan ibinahagi ang makabuluhang pagbaba ng kaso ng malnutrition sa mga pampublikong paaralan. Binigyang-diin niya ang mga lugar na may mataas pa ring antas ng malnutrition at ang trend nito sa bawat grade level, na magsisilbing gabay sa mas target na interventions. Ibinahagi rin ang mga programang patuloy na nagpapalakas sa nutrisyon ng mga mag-aaral tulad ng School-Based Feeding Program, Gulayan sa Paaralan, mga partnerships sa pribadong sektor, at matibay na inter-agency coordination kasama ang Pamahalaang Lungsod.

Tinalakay ni Ms. Diana Caranto, Nutritionist-Dietitian ng Social Services Development Department, ang nutritional status ng mga batang edad 3–5 taong gulang sa mga Child Development Centers, pati na ang mga programang nakapaloob sa Early Childhood Care and Development (ECCD) upang masiguro ang wastong paglaki at pag-unlad ng ating mga kabataan.

Ibinahagi naman ni Ms. Jai Sideco, City Nutrition Program Coordinator ang kasalukuyang estado ng Barangay-Based Supplementary Feeding Program for School Children, bilang augmentation sa School-Based Feeding Program. Sa tulong ng mga barangay at suporta ng lungsod, patuloy na napapalawak ang resources ng ating mga Barangay Nutrition Committees upang masigurong tuloy-tuloy ang pagpapakain sa mga mag-aaral na nangangailangan.

Kasabay nito, inilatag din niya ang mga kasalukuyang accomplishments ng lungsod at ang kabuuang direksyon ng mga programang pangnutrisyon para sa buong 2026.

Dagdag pa rito, inilahad ni Mr. Ian Agatep mula sa Climate Change and Environmental Sustainability Department ang progreso ng Food Rescue Program, kung saan ang mga barangay ay aktibong nagre-recover ng ligtas at masustansyang pagkain mula sa supermarkets, pamilihan, at food establishments upang suportahan ang feeding programs ng lungsod.

Ibinahagi rin ang kasalukuyang status ng Central Kitchen sa District 2, na inaasahang magsisilbing sentralisadong pasilidad para sa standardisadong paghahanda ng pagkain sa mga benepisyaro ng lungsod.

Ibinahagi din ni Ms. Tina Perez, Head ng Joy of Urban Farming ang estado ng 1,496 Urban Farms sa Quezon City bilang isang resource option ng ating mga barangay sa kanilang programang pang nutrisyon.

Nagtapos ang pagpupulong sa pagpapatibay ng mas pinaigting na koordinasyon ng iba’t ibang sektor ng lungsod, kung saan tinalakay ang mga ways forward upang higit pang mapalakas at mapalawak ang mga programang pangnutrisyon ng Quezon City.

Photos from DOST-Food and Nutrition Research Institute's post 15/04/2026

Patuloy ang pagsisikap ng Quezon City Nutrition Section na mapalakas ang kakayahan ng ating mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) sa tamang pagsukat at pagtatala ng datos ng timbang at taas.

Sa pamamagitan ng ating pakikipagtulungan sa Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute, matagumpay nating naisakatuparan ang pagsasanay ng 40 Barangay Paid BNS upang masigurong tama, maaasahan, at dekalidad ang mga datos na ginagamit sa pagtugon sa nutrisyon ng ating komunidad.

Mahalaga ang wastong pagsukat dahil ito ang nagsisilbing pundasyon sa maayos na pagpaplano ng mga programa sa nutrisyon, epektibong monitoring ng mga interbensyon, at pagbuo ng mga polisiya na tunay na tumutugon sa pangangailangan ng ating mga kabataan.

Photos from Quezon City Human Milk Bank's post 15/04/2026

Maraming salamat sa ating breastfeeding chamions sa pag donate ng inyong breastmilk! 🤱

Photos from Quezon City Nutrition Committee's post 15/04/2026

QC Barangay Shepherding Project 📝

Isinagawa ng Nutrition Section ang Barangay Shepherding bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa implementasyon ng ating mga Barangay Nutrition Action Plan (BNAP).

Dumalo rito ang ating mga Punong Barangay, Kagawad on Health, at Barangay Nutrition Scholars (BNS) upang makatanggap ng one-on-one mentoring na nakatuon sa kasalukuyang estado ng kanilang mga programa sa nutrisyon.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, nagkaroon ng mas malinaw na pagtalakay kung:
✔️ Ano na ang mga naisakatuparan
✔️ Ano pa ang kailangang tutukan
✔️ At paano pa mas mapapalakas ang kanilang Barangay Nutrition Committee

Layunin nating masigurong bawat barangay ay may sapat na kaalaman, suporta, at gabay upang epektibong maipatupad ang mga programang tutugon sa malnutrisyon.

Photos from Brgy Tandang Sora Health & Sanitation Department's post 15/04/2026

✨ Barangay Highlight ✨

Kasalukuyang isinasagawa ang Operation Timbang Plus (OPT), Vitamin A supplementation, at Deworming sa Doña Josefa, Molave Upper Banlat, Barangay Tandang Sora upang masigurong nasusubaybayan ang kalusugan at nutrisyon ng ating mga kabataan.

Pinangunahan ito ng District Nutritionist Jaimie Alaba at Aldwin De Mesa, katuwang ang ating masisipag na CHW, BNS at BHW, sa pakikipagtulungan ng Quezon City Health Department (QCHD) at ng Barangay Nutrition Council (BNC) sa pamumuno nina Kapitan Marlou Ulanday at Kagawad Pandoy Alcantara. 🤝💚

Lubos na pasasalamat sa Barangay Tandang Sora BNC sa kanilang aktibong pakikipagtulungan upang matiyak na ang bawat bata sa barangay ay natitimbang at nabibigyan ng angkop na interbensyon! 💚

Photos from BPCA - Barangay Pansol Children's Association's post 15/04/2026

✨Barangay Highlight ✨

Isang makabuluhang araw para sa ating mga kabataan sa Barangay Pansol! Sa pangunguna ng Barangay Pansol Children Association (BPCA) katuwang ang Barangay Nutrition Council (BNC), matagumpay na naisagawa ang unang araw ng Barangay-based Supplemental Feeding Program 2026 sa Balara Elementary School.

Hindi lamang pagpapakain ang layunin ng programang ito, aktibo ring sinusuportahan ang paggabay sa pagbasa at pagkatuto ng ating mga kabataan, upang masigurong sila ay lumalaking malusog at may sapat na kaalaman para sa kanilang kinabukasan.

Maraming salamat sa Barangay Barangay Pansol Children's Association - BPCA at BNC sa pagsasagawa ng isang komprehensibong programa para sa ating mga kabataan!

Photos from Quezon City Nutrition Committee's post 14/04/2026

Kamusta na ang Quezon City Calorie Labeling Ordinance?

Sa kasalukuyan, aktibo nang nagsasagawa ng monitoring ang Quezon City Health Department sa mga food businesses na sakop ng Phase 1 ng ordinansa, partikular ang mga establisyementong may 5 o higit pang branches.

Kasabay nito, patuloy ang pagbibigay ng technical assistance ng ating mga Nutritionist-Dietitians upang matiyak ang tamang paglalagay ng calorie information sa kanilang mga menu at produkto.

Bukod dito, nagbibigay rin ang Quezon City Government ng Menu Design Guide upang magsilbing gabay ng ating mga food businesses sa maayos, malinaw, at standard na pagpapakita ng nutrition information.

Ikinagagalak din naming ibahagi na malugod na nakikipagtulungan ang ating mga food businesses, na nagpapakita ng kanilang suporta sa layuning mabigyan ang mga QCitizens ng tamang impormasyon at informed food choices.

Photos from Quezon City Nutrition Committee's post 14/04/2026

Mas pinaigting na Barangay Supplemental Feeding Program para sa Batang QCitizens!

Maalalang noong nakaraang taon, inilunsad ang Barangay-Based Supplemental Feeding Program para sa mga batang wasted at severely wasted, isang mahalagang hakbang upang matugunan ang malnutrition at masuportahan ang kanilang paglaki at pag-unlad.

Sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte bilang Chairperson ng Quezon City Nutrition Committee, binuo ang Technical Working Group katuwang ang mga barangay upang mas paigtingin ang mga programa sa nutrisyon. Dito tinalakay ang iba’t ibang opportunities, resource options, best practices, at mga hamon upang mas mapababa ang bilang ng malnourished na bata sa lungsod.

Batay sa mga pag-aaral, ang kakulangan sa wastong nutrisyon ay may direktang epekto sa brain development ng mga bata, na nagiging dahilan ng hirap sa pag-focus at pagkatuto sa paaralan.

Dahil dito, magsasanib-puwersa ang mga barangay at ang lokal na pamahalaan upang maisagawa ang feeding program para sa mahigit 23,000 bata, lalo na tuwing weekends at bakasyon sa mga paaralan.

Tinitiyak din ang pagsunod sa City Ordinance SP-3242, s. 2023, kung saan kinakailangang ilaan ang 1% ng budget ng barangay para sa nutrition programs.

Handa ring umalalay ang pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng technical assistance, workshops, at operations manual upang mas maging epektibo ang implementasyon ng programa sa bawat barangay.

Hanggang ngayon, patuloy na isinusulong ng ating mga barangay ang programang ito, patunay ng kanilang dedikasyon na walang batang maiiwan sa laban kontra malnutrisyon.

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Mayaman, Diliman
Quezon City
0860