LTO Quezon City Do - ETON Centris

Call Directions Contact the organization

LTO Quezon City Do - ETON Centris LTO QUEZON CITY DISTRICT OFFICE - OFFICIAL PAGE

Abiso sa Publiko:
14/09/2026

Abiso sa Publiko:

𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎

Ipinapaalam ng Land Transportation Office (LTO) na pansamantalang magiging offline ang system ng ahensya at maaaring magkaroon ng pansamantalang pagkaantala ng pagproseso ng mga transaksyon ngayong araw, Setyembre 14, 2026, bilang bahagi ng isinasagawang transition mula sa Stradcom LTO-IT System patungo sa Land Transportation Management System (LTMS).

Humihingi ang LTO ng pang-unawa ng publiko sa anumang abalang maaaring idulot ng pansamantalang pagkaantala. Magbibigay ang ahensya ng karagdagang abiso sa sandaling maging maayos na ang sistema at maaari nang ipagpatuloy ang mga transaksyon.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Abiso sa Publiko:
10/09/2026

Abiso sa Publiko:

𝗔𝗕𝗜𝗦𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢: 𝗠𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗟𝗧𝗢-𝗡𝗖𝗥 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪, 𝗦𝗘𝗧𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗘 𝟭𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟲.

Ipinapaalam sa publiko na BUKAS AT TULOY ANG OPERASYON ng mga tanggapan ng Land Transportation Office–National Capital Region (LTO-NCR) ngayong araw, Setyembre 10, 2026.

Patuloy na magbibigay ang LTO-NCR ng kinakailangang serbisyo sa publiko alinsunod sa regular na oras ng operasyon.

Pinapayuhan ang lahat ng kliyente at stakeholder na sumubaybay sa mga opisyal na anunsyo ng LTO-NCR para sa anumang karagdagang abiso.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Public Advisory:
19/08/2026

Public Advisory:

𝗔𝗡𝗡𝗢𝗨𝗡𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 131, ang lahat ng tanggapan ng LTO-NCR ay SARADO SA PUBLIKO sa ika-20 ng Agosto 2026.

Gayundin, bunsod pa rin ng tuluy-tuloy na Heavy Rainfall Warnings ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), muling ipatutupad ang alternative work arrangement sa aming mga tanggapan.

For the latest announcements and updates, please visit the LTO-NCR website.

Link: https://www.ltoncr.com/announcements/

Abiso sa Publiko:
18/08/2026

Abiso sa Publiko:

𝗔𝗕𝗜𝗦𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 129, ang lahat ng tanggapan ng LTO-NCR ay SARADO SA PUBLIKO at inaatasang magpatupad ng alternative work arrangement sa ika-19 ng Agosto 2026 bunsod ng tuluy-tuloy na pagbugso ng hanging habagat at bilang pagtugon sa mga Heavy Rainfall Warnings na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Maging gabay po sana ito ng lahat.

For the latest announcements and updates, please visit the LTO-NCR website.

Link: https://www.ltoncr.com/announcements/

Public Advisory:
17/08/2026

Public Advisory:

>>PUBLIC ADVISORY: WORK SUSPENSION (12:00 PM - AUGUST 17, 2026)

Please be advised that all LTO-NCR offices will be CLOSED to the public starting 12:00 noon, 17 AUGUST 2026, in compliance with Memorandum Circular No. 127.

A work-from-home arrangement shall be implemented across government offices in the region due to heavy, continuous rainfall brought by the Southwest Monsoon

For the latest announcements and updates, please visit the LTO-NCR website.

Link: https://www.ltoncr.com/announcements/

Public advisory:
09/08/2026

Public advisory:

ANNOUNCEMENT

Pursuant to Memorandum Circular No. 123 issued by the Office of the President, a Work-from-Home arrangement shall be implemented in government offices in the National Capital Region on 10 August 2026, in anticipation of the continued heavy rainfall brought by the Southwest Monsoon.

Accordingly, LTO offices in NCR will be closed to the public on the said date.

The public is advised to plan their transactions accordingly and await further announcements regarding the resumption of onsite services.

Public Advisory:
30/07/2026

Public Advisory:

>>PALIT PLAKA PROGRAM: Tuloy-tuloy ang Pamamahagi ng LTO-NCR ng mga Plaka para sa Motorsiklo!

Public Advisory:
30/07/2026

Public Advisory:

𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎

Kaugnay ng mga naging sunod-sunod na isyu na nakaapekto sa Land Transportation Management System (LTMS), at upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng serbisyo at mabigyan ang publiko ng sapat na pagkakataong makapagproseso ng kanilang mga transaksyon nang walang karagdagang bayarin, ipinatutupad ang Memorandum Circular No. MVL-2026-5271.

Pinalalawig hanggang sa susunod na abiso ang bisa ng mga sumusunod na mag-e-expire simula Hulyo 1, 2026:

• Motor Vehicle Registration
• Driver's License
• Conductor's License
• Student Permit
• Medical Certificate

Walang sisingiling late fees o penalties para sa lahat ng renewal na sakop ng nasabing extension habang epektibo ang Memorandum Circular.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikipagtulungan.

Public Advisory:
16/07/2026

Public Advisory:

𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎

Nais ipabatid ng Land Transportation Office (LTO) na nagpapatuloy pa rin ang maintenance activity ng online system ng ahensya at nangangailangan pa ng karagdagang troubleshooting upang matiyak ang ganap nitong kaayusan.

Dahil dito, pansamantalang hindi magagamit ang online services ng LTO sa lahat ng tanggapan sa buong bansa.

Pinapayuhan ang lahat ng kliyente na huwag munang magsagawa ng anumang online transaction upang maiwasan ang mga posibleng aberya, kabilang ang hindi kumpletong pagproseso ng transaksyon at ang hindi pagkakatugma sa mga rekord gaya ng Official Receipt at iba pang kaugnay na dokumento.

Maglalabas ang LTO ng panibagong abiso sa oras na maibalik ang normal na operasyon ng sistema.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pasensya, pang-unawa, at pakikiisa.

Public Advisory:
18/06/2026

Public Advisory:

>>PUBLIC ADVISORY: LTO-NCR OFFICIAL WEBSITE AND SOCIAL MEDIA ACCOUNTS

Address

Eton Centris Station Mall, 2nd Floor, Brgy. Pinyahan Edsa Corner, Quezon Avenue
Quezon City
1100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639087922855

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO Quezon City Do - ETON Centris posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to LTO Quezon City Do - ETON Centris:

Shortcuts

Share