01/10/2026
📊🤝 𝗣𝗩𝗲𝘁 𝗟𝗗𝗦 𝗝𝗼𝗶𝗻𝘀 𝗕𝗮𝗻𝗴𝗨𝗻 𝟮𝗻𝗱 𝗮𝗻𝗱 𝟯𝗿𝗱 𝗤𝘂𝗮𝗿𝘁𝗲𝗿 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗜𝗺𝗽𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗨𝗽𝗱𝗮𝘁𝗲 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴
📅 September 29, 2026
Kahapon, nakiisa ang Provincial Veterinary Office of Lanao del Sur (PVet LDS) sa 2nd and 3rd Quarter Program Implementation Update Meeting ng Bangsamoro Umpungan sa Nutrisyon (BangUn) Program na isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office X – Regional Program Management Office at Provincial Program Management Office.
Layunin ng pagpupulong na maipresenta at matalakay ang mga accomplishments ng programa para sa ikalawa at ikatlong quarter, gayundin ang mga issues at challenges na naranasan sa implementation. Bahagi rin ng meeting ang assessment sa kabuuang progreso ng programa at pagbuo ng mga angkop na strategies upang higit pang mapabuti ang pagpapatupad nito sa susunod na quarter.
Ang Provincial Veterinary Office ay kinatawan ni Mr. Hamim D. Gonda, Livestock Inspector III, bilang representative ni Dr. Al-Hussein O. Domaot, Provincial Veterinarian of Lanao del Sur.
Kasama rin sa pagpupulong ang mga kinatawan mula sa health, social welfare, nutrition, agriculture, livelihood development, at iba pang katuwang na sektor, bilang bahagi ng patuloy na inter-agency collaboration para sa matagumpay na pagpapatupad ng BangUn Program.
Lubos ang aming pasasalamat sa DSWD Field Office X at sa BangUn Program Management Offices sa patuloy na pakikipag-ugnayan at pagbibigay ng pagkakataon sa PVet LDS na maging bahagi ng mga talakayan at inisyatibang naglalayong mapabuti ang nutrisyon, kabuhayan, at kapakanan ng mga pamilyang benepisyaryo sa Lanao del Sur.