STAND UP NCPAG

STAND UP NCPAG

Share

Ang STAND UP NCPAG ay ang alyansa ng mga militanteng lingkod-bayan mula sa Pambansang Kolehiyo ng Administrasyong Pangmadla at Pamamahala - UP Diliman.

Photos from STAND UP NCPAG's post 10/07/2025

Malugod na ipinapakilala at taas-kamaong ipinagpupugay ng STAND UP NCPAG ang mga kasapi nitong lingkod-bayan na nagsipagtapos sa kursong Batsilyer sa Administrasyong Pangmadla ngayong Taong Panuruan 2024-2025. โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅโœŠ

Ang inyong pagsablay ay isang pagpapatunay na ang ating pakikibaka para sa ating mga karapatan at tunay na representasyon ay nagpapatuloy sa labas ng apat na sulok ng silid-aralan at mga bulwagan ng ating unibersidad. Sa inyong patuloy na paglalakbay sa mundong propesyonal, lagi niyong bitbitin ang mga prinsipyong humubog sa inyo bilang mga tunay, palaban, at makabayang Iskolar ng Bayan at patuloy na lumubog sa pinaglilingkuran nang may tiyaga at habag sapagkat kaakibat ng ating mga ipinaglalaban sa unibersidad ang ating mga ipinaglalaban sa mga lansangan at komunidad.

Sa tuwing tatanungin kayo ng "eh ano ngayon kung UP ka?", alalahanin ang tatlong bagay na bumabansag sa pagkakilanlan ng unibersidadโ€”dangal, husay, at serbisyo. Walang serbisyo publikong iiral kung hindi ito paglalaanan ng ating kahusayang naipanday mula sa pag-aaral sa loob at labas ng pamantasan, ngunit magiging tunay at makabuluhan lamang ito kung ito'y gagawin natin nang may dangal at katapatan sa ating mga salita at kilos, sa ating pagtugon sa mga hamon ng panahon, at sa patuloy na paglilingkod sa sambayanan.

Kaya mga lingkod-bayan, patuloy na pag-alabin ang damdamin at makiisa sa tunay na laban ng masa. Patuloy na manindigan at isulong na ang mga inaapi't nasa laylayan ng lipunan ay makakapagkamit hindi lamang ng kakayahang makaangat sa buhay, kundi pati ang katarungan. Padayon tungo sa masa, para sa masa!

STP! HST! ๐Ÿ”ป๐ŸŒป

25/03/2025

๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ง๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ข๐—ก ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—”๐—ฅ๐—ฅ๐—œ๐—ฉ๐—”๐—Ÿ ๐—ข๐—™ ๐—”๐—ง๐—ง๐—ฌ. ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—ฉ๐—”๐——๐—ข๐—ฅ ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—˜๐—Ÿ๐—ข ๐—”๐—ง ๐—จ๐—ฃ ๐—ก๐—–๐—ฃ๐—”๐—š

๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐˜‚๐—น๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฎ๐˜ ๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ฎ๐—ฟ ๐—ผ๐—ป ๐——๐—ฟ๐˜‚๐—ด๐˜€.

On the evening of March 24, the UP NCPAG Student Council was informed of a scheduled PA 191 class discussion with Atty. Salvador Panelo, Rodrigo Duterteโ€™s former presidential spokesperson and chief presidential legal adviser. As a special topic class on Crisis Leadership and Communication, the class was said to have been designed to invite different Presidential Spokespersons across the semester with students being encouraged to ask questions regarding accountability as it is a fundamental aspect of the course.

The UP NCPAG Student Council strongly condemns the Duterte Administrationโ€™s bloody War on Drugs, which has led to thousands of extrajudicial killings and blatant human rights violations. We stand in firm solidarity with the calls for accountability, specifically the ongoing trial of Rodrigo Duterte in the International Criminal Court.

In this regard, we firmly believe that the call for accountability for the cruel policy of Duterteโ€™s War on Drugs must also extend to all public officials who tolerated, enabled, and defended this murderous campaign. This includes Atty. Salvador Panelo.

Photos from STAND UP NCPAG's post 25/02/2025

BUHAY NA BUHAY ANG DIWA NG EDSA!

Nakiisa ang STAND UP NCPAG sa muling pagsasabuhay ng EDSA People Power kaninang hapon. Kasama ang ibaโ€™t ibang mga unibersidad at sektor, tayo ay nagmartsa patungo sa People Power Monument kung saan ikinasa ang pangmalawakang programa ng mga koalisyong layong panagutin ang mga Marcos at Duterte.

Marcos, singilin! Duterte, panagutin! Sara, patalsikin!

Photos from STAND UP NCPAG's post 24/02/2025

Eto na! Ipamalas natin ang diwa ng EDSA ngayong Pebrero 25! โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅโœŠ

Narito ang daloy ng mga aktibidad para sa araw na ito. Kung nangangailangan ng kasama o karagdagang impormasyon ukol sa programa, huwag mahihiyang mag-message sa STAND UP NCPAG!

Marcos-Duterte walang pinag-iba! Parehong tuta, diktador, pasista!
NEVER AGAIN! NEVER FORGET!






23/02/2025

TATLONG TULOG NALANG BAGO ANG ANIBERSARYO NG PEOPLE POWER!

39 years after overthrowing the Marcos dictatorship, the Filipino people continue to face worsening economic and political crisis under another corrupt Marcos. While pocketing billions of pesos under his confidential funds and other anomalies in the 2025 National Budget, Marcos Jr also neglects the overdue impeachment process for Sara Duterte. Our rich history of fighting against tyranny has shown that the Filipino people can defeat dictators, and we will continue this very fight against corruption, historical distortion, and exploitation. Let us embody the spirit of the People Power uprising this February 25 as we continue the fight for justice and national democracy!

FEBRUARY 25, 2025
8:00-11:00 AM | Alternative Learning Fest
11:00-11:15 AM | College-wide Protests
11:30 AM | UP Diliman Program @ AS Steps
12:00 NN | Departure from UP to EDSA

We urge all our fellow Iskolar ng Bayan and the whole UP community to come together in our collective struggle against state fascism and impunity. Marcos singilin! Convict Sara Now!





Photos from UP NCPAG Student Council's post 23/02/2025
09/02/2025

Sa huling araw ng pagdiriwang sa Diliman Commune, inaalala natin ang muling pagsasabuhay sa diwa ng protesta at paglaban sa pasistang rehimen.

Taong 1971 ay ikinasa ng komunidad ang kilos-protesta kasama ang mga tsuper dahil sa pagtaas ng presyo sa gasolina. Ngunit pilit na nanghimasok ang estado sa ating paaralan upang guluhin ang nangyayaring panawagan ng mga jeepney drivers. Bilang tugon, tayo ay nagtayo ng mga barikada upang harangan ang militar na ang pakay ay manggulo sa ating pakikiisa sa welga.

Ang kaganapang ito ay ang itinatawag na Diliman Commune, na sinundan ng maraming pagkilos-protesta bilang paglaban sa diktador na Marcos sa ilalim ng Batas Militar. Ito ay naging simbolo ng ating katapangan na harapin ang impunidad sa kabila ng patuloy na pagpatay at pagdakip sa mga aktibistang inialay ang buhay para sa maayos na kinabukasan.

Ngayong 2025, hindi malayo ang posibilidad na muling maluluklok sa pwesto ang mga kasangga ng Marcos-Duterte pagdating sa pandarambong at pan-re-redtag. Kung kayaโ€™t babala ito sa ating lahat na dapat doble-kayod ang ating pangangampanya para sa mga tunay na represetante ng masa. Pero higit pa rito, panawagan din ito na dapat muling pasiklabin ang diwa ng Diliman Commune upang depensahan ang ating karapatan.

Mga lingkod-bayan, ang laban sa paparating na Halalan ay hindi lamang usapin kung sino ang magbibigay ng tunay na serbisyo. Isa rin siyang paalala sa muling pagpapasikhay sa pag-oorganisa at pagpapatibay sa pwersa ng ating komunidad upang kolektibong tayong makalaban sa impunidad ng pamahalaan.

Iskolar ng Bayan, ngayon ay tayoโ€™y muling lumaban!

05/02/2025

SUMAMA SA PRAYER VIGIL!
IMPEACH SARA DUTERTE NOW!

Ngayong araw, nakuha natin ang siguradong 1/3 na boto ng House of Representatives para tuluyan nang mapatalsik si Sara Duterte sa puwesto. Ayon kay House of Representatives Secretary General Reginald Velasco, 153 na ang pumirma sa ikaapat na impeachment complaint kay Duterte.

Sa huling araw ng kanilang regular na session, hindi tayo titigil na manawagang tuluyan nang aksyunan ng Kongreso ang impeachment complaints na inihain ng mga mamamayang Pilipino.

Tuluyan nating kalampagin ang House of Representatives at Senado na pakinggan at tugunan ang panawagan ng mamamayang Pilipino.

Bilang mga lider estudyante, hindi tayo dapat tahimik lalo na sa gitna ng harap-harapang pagnanakaw, panloloko, at kawalang pananagutan. Ngayon higit kailanman, tinatawag tayo ng panahong kumilos at magpakilos.

Kaya naman, iniimbitahan ng Unyon ang mga kabataan estudyante na makiisa sa prayer vigil mamaya, 3:00PM, sa South Wing ng House of Representatives. Sa gitna ng pabulusok na ekonomya, patuloy na pagpapabaya sa sektor ng edukasyon, at pagnakaw ng ating kinabukasan, sisibol ang militanteng pagkilos ng mga kabataan.

DUMALO AT MAGPADALO!
PRAYER VIGIL | 3:00PM
South Wing, House of Representatives

30/12/2024

OFFICIAL STATEMENT OF STAND UP NCPAG ON RIZAL DAY

On this day, December 30, we commemorate Dr. Jose Rizal and his true values as a revolutionary, a stark contrast to the U.S. imperialistโ€™s version of him as an anti-revolutionary and a pacifist.

Rizalโ€™s reputation as an anti-revolutionary is a historical distortion propagated by the U.S. colonizers in an attempt to subjugate the Filipinos who were angered over oppression and impunity. That by projecting our national hero as a loyal subject of Spain and in opposition to the armed revolution, the people would follow suit and become loyal and passive citizens of the U.S.-Philippine government as well.

But in contrast to this fictitious image, Rizal had always advocated for true Filipino independence. However, he recognized that freedom can only be attained through quality and accessible education. By providing education to the youth, the future generation would no longer be fooled by the deception and misleading propaganda spread by colonizers and corrupt elites.

Despite their difference in approach, the revolutionaries still recognized Rizalโ€™s views on how to attain freedom. Even after his death, freedom fighters would practice his teachings and pass them later on to their young. So, to paint him as Spainโ€™s passive subject is far from the true reputation of the national hero as a fighter for truth and education.

To brand the young Filipino activists of today as subversive and agitators is a huge disgrace to Rizalโ€™s legacy of teaching the youth to be critical so they can lead our country with hope. With this, STAND UP NCPAG calls fellow students and activists to reignite our revolutionary rage and to persistently fight for our right to education across the world. This is not a privilege to be enjoyed by only a few, but it is a right that should be accessible to many, no matter what age they may be.

MABUHAY ANG DIWA NI RIZAL SA BAWAT KABATAAN!
ANG EDUKASYON AY KARAPATAN NG BAWAT MAMAMAYAN!
END IMPUNITY! END U.S. IMPERIALISM ACROSS THE WORLD!

30/11/2024

OPISYAL NA PAHAYAG NG STAND UP NCPAG SA PANDAIGDIGANG ARAW NG PAKIKIISA SA SAMBAYANANG PALESTINO

Halos labing-apat na buwan na ang nakalilipas nang muling ipinakita ng pamahalaang Zionista sa Israel ang pagnanais nitong mabura ang Palestina mula sa mapa at kasaysayan ng mundo. Mula sa iligal na pagkupkop nito sa mga lupain at pagpapalayas sa milyon-milyong Palestino mula sa kanilang mga tahanan hanggang sa walang humpay na pagbomba at sapilitang pagpapagutom nito sa kabuuan ng Gaza, batid na sa ating lahat na walang hindi gagawin ang mga Zionista upang kanilang mapasakamay ang lupaing hindi naman kailanman naging sa kanila. Sa kabila ng pagkundena ng buong mundo ay nananatili itong panatag sa pagpapairal ng sistemang aparteid sapagkat nananatili ring buo ang suporta ng kapwa imperyalistang Estados Unidos, at hindi inaasahang magbabago ito, sino man ang maupo sa White House. Ngunit sa pagdating ng panibagong administrasyong Trump, asahan nating mas lalo lamang titindi ang mga serye ng pag-atake ng Israel laban sa mga Palestino, na siyang higit na dahilan kung bakit kinakailangang magkaisa, mag-organisa, at magsagawa ng mga malawakang pagkilos ang mga sambayanan ng ibaโ€™t ibang bansa sa mas madaling panahon upang tuluyan nang wakasan ang mga lantaran at nang walang pangambang kaparusahang pang-aabuso ng imperyalistang US-Israel sa pandaigdigang batas.

Ang pagpapahayag naman ni Marcos Jr. ng kaniyang pakikiisa sa sambayanang Palestino ay hindi tumutugma sa mga kilos ng kaniyang administrasyon, na patuloy pa ring ginagastos ang bilyon-bilyong pisong halaga ng buwis ng taumbayan upang bumili ng mga kagamitang militar at armas na nagmumula sa estadong Zionista. Kung talagang tapat si Marcos Jr. sa kaniyang salita, tawagin niyang pala ang palaโ€”na isang henosidyo ang ginagawa ng Israel laban sa mga Palestino at tanging sa pagwakas lamang ng iligal na pagkupkop at pagdanak ng dugo ng estadong Zionista laban sa mga Palestino at sa pagbuwag ng estadong aparteid ay matitiyak ang tunay na paglaya at pagsasarili ng sambayanang Palestino. Dinggin niya rin ang mga panawagang muling suriin at bawiin ang buong suporta nito para sa Israel sa pagputol ng anumang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa, paggalang sa kautusan ng International Criminal Court na ipaaresto sina Benjamin Netanyahu at Yoav Gallant, at sa pagpanawagan na ipanagot ang mga war criminal tulad nila Joe Biden, Kamala Harris, Donald Trump, Olaf Scholz, at iba pang mga pinunong Kanluranin na nagbigay-daan sa estadong Zionista upang kumitil ng buhay, sa Palestina man o saang bahagi ng Gitnang Silangan, alang-alang sa kanilang ekspansyonistaโ€™t imperyalistang interes.

Patuloy na ipinapahayag ng STAND UP NCPAG ang aming pag-suporta at pakikiisa sa laban ng mga Palestino para sa kanilang paglaya mula sa panunupil ng estadong Zionista. Ang pakikibaka ng mga Palestino ay hindi ganap na hiwalay at iba sa pakikibaka ng sambayanang Pilipino at ng lahat ng napabibilang sa Pandaigdigang Katimugan na pare-parehong ninakawan ng sariling lupain, pagkakilanlan, kalayaan, at buhay dulot ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluraning bansa. Gayundin, kinikilala natin ang karapatan ng mga Palestino at bawat lahing naaapi na makibaka sa pamamaraang nakikita nilang naaangkop at nararapat, maging ang armadong pakikibaka, upang kanilang maipagtanggol ang kanilang sarili at ang kanilang kalayaan at karapatan mula sa nagnanais manghimasok, manakop, at mang-api. Habang hinahangad natin na makamit ang kapayapaan at pagwakas sa pagkitil ng buhay, hindi ito dapat kapalit ng muling pagkait sa kalayaan at karapatang muling makabalik ang mga Palestino sa kanilang mga tahanan, sapagkat, sa mga salita ni Nelson Mandela, โ€œhindi kumpleto ang ating kalayaan kung walang kalayaan ang mga Palestino.โ€

Palayain ang Palestina!
Imperyalismong US-Israel, ibagsak!
Mula Ilog Jordan hanggang Dagat Mediteraneo, magiging malaya ang Palestina!
Mula Palestina hanggang Pilipinas, itigil ang makinaryang pandigma ng US!

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


NCPAG Building, RP De Guzman Street, UP Diliman
Quezon City