06/05/2026
May 6, 2026 (Wednesday)
sa Project 4 Public Market, Quezon City, sa pangunguna ni DA Assistant Secretary Atty. Genevieve E. Velicaria-Guevarra, kasama sina DA AMAS Director Junibert E. De Sagun, at mga kinatawan mula sa Department of Trade and Industry (DTI), Food Terminal Inc. (FTI), LGU Quezon, at Philippine National Police (PNP).
Patuloy ang pag-iikot sa mga pangunahing pampublikong palengke sa Metro Manila para tiyaking sapat ang suplay at nasa tamang presyo ang mga pangunahing bilihin sa palengke gaya ng bigas, karne, isda, gulay, at prutas.
05/05/2026
Sa bawat patak ng pawis sa bukid at bawat paglayag sa karagatan, naroon ang tunay na lakas ng ating bayan.
Ngayong Buwan ng Magsasaka at Mangingisda, kinikilala natin hindi lamang ang kanilang sakripisyo, kundi ang kanilang mahalagang papel bilang haligi ng ating seguridad sa pagkain at pag-unlad ng ekonomiya.
Sa patuloy na pagpapalakas ng ating mga Farmersโ Cooperative Associations at pagpapalawak ng KADIWA ng Pangulo, binubuksan natin ang mas maraming oportunidad para sa direktang kita, mas maayos na merkado, at dignidad ng bawat prodyuser.
Hindi lamang ito selebrasyon, ito ay paninindigan.
Paninindigan para sa mas matatag, makatarungan, at masaganang agrikultura.
Para sa magsasaka. Para sa mangingisda. Para sa Masaganang Bagong Pilipinas. ๐ต๐ญ๐พ๐
05/05/2026
๐ก๐ฎ๐ป๐ฑ๐ถ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด โฑ๐ฎ๐ฌ/๐ธ๐ถ๐น๐ผ ๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป!
Alamin kung saang mga lugar na nakarating ang Benteng Bigas, Meron Na Programโat kung sino ang tunay na nakikinabang.
Patuloy na pinapalawak ng DA ang programa upang maabot nito ang 60 milyong Pilipino bago matapos ang taon.
05/05/2026
SELEBRASYON NG BUWAN NG MAGSASAKA AT MANGINGISDA ๐จ๐ปโ๐พ๐ฃ
05/04/2026 โ Pinangunahan ng ilang mga opisyal ng DA ang isang ribbon-cutting ceremony sa DA Lobby bilang tanda ng pagbubukas ng selebrasyon ng Buwan ng Magsasaka at Mangingisda, na ipinagdiriwang sa buong buwan ng Mayo.
Tampok ngayong linggo ang samuโt saring mga produktong livestock at poultry mula sa mga katuwang na producers at agripreneurs sa ibaโt ibang rehiyon.
05/05/2026
May 5, 2026 (Tuesday) | KADIWA Pop-up Store at Market Ave., Brgy. San Miguel (Brgy. Hall), Pasig City.
05/05/2026
May 5, 2026 (Tuesday) | KADIWA Center at BAI Dome, Visayas Avenue, Quezon City.
04/05/2026
|| National Capital Region (NCR) for May 4 to May 10, 2026.
See you at the nearest KADIWA site, mga suki!
30/04/2026
โBENTENG BIGAS, MERON NA!โ, SA SAN FERNANDO, PAMPANGA
Heroes Hall, San Fernando City, Pampanga โ April 30, 2026
Tila napaaga ang Pasko ngayong araw sa tinaguriang โChristmas Capital of the Philippines,โ San Fernando City, Pampanga sa pagdating ng P20 โBenteng Bigas, Meron Na!โ Rice Project LGU Expansion Rollout.
Mahigit dalawang libong San Fernandino ang paunang nabentahan ng P20 bigas. Sila ang mga benepisyaryo mula sa vulnerable sector, na kinabibilangan ng senior citizens, PWDs, solo parents, miyembro ng 4Ps, TODA members, at mga magsasaka at mangingisda.
Sa isang seremonya, personal na dumalo sina DA Assistant Secretary Genevieve E. Velicaria-Guevarra, NFA National Administrator Larry Lacson, DA-RFO III Regional Executive Director Dr. Eduardo L. Lapuz, Jr., DA-RFO III Regional Technical Director Dr. Arthur D. Dayrit, at Food Terminal Inc. (FTI) VP for Corporate Affairs Atty. Oliver Dicdican.
Naging mainit ang pagtanggap sa programa ng lokal na pamahalaan ng San Fernando City, na pinamumunuan nina Mayor Vilma B. Caluag at Vice Mayor Aurelio Brenz P. Gonzales, kasama ang iba pang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.