PANOORIN:
Namahagi ng umabot sa P64 milyong tulong pinansyal ang National Housing Authority ( ) sa mga pamilyang biktima ng sunog sa Parola Compound, Tondo, Manila.
Tunghayan ang ulat ng DZRH News Television.
National Housing Authority
This is the Official page of the National Housing Authority.
The National Housing Authority is a government-owned and controlled corporation under the administrative supervision of the Department of Human Settlement and Human Development and classified under the Infrastructure Utilities Group.
02/06/2026
NHA, DINALA ANG IKA-42 NA PEOPLE’S CARAVAN SA NAIC, CAVITE
Dinala ng National Housing Authority ( ) ang mahahalagang produkto at serbisyo sa mga benepisyaryo ng pabahay nito sa pamamagitan ng paglulunsad ng ika-42 na People’s Caravan: “Serbisyong Dala ay Pag-asa” noong Mayo 26, 2026, sa Rancho Verde 2, Brgy. Malainen Bago, Naic, Cavite.
Nasa 3,000 Caviteñong pamilya ang nakinabang sa caravan, na isang inisyatiba ni NHA General Manager Joeben A. Tai na naglalayong mailapit ang mga serbisyo't programa ng pamahalaan at pribadong institusyon sa mga benepisyaryo.
Pinangunahan ni NHA Assistant General Manager Alvin S. Feliciano ang kaganapan, kasama sina Region IV Manager Roderick T. Ibanez at Cavite District Office OIC Engr. Emma Monica R. Anacan.
01/06/2026
𝐍𝐇𝐀, 𝐍𝐀𝐆𝐊𝐀𝐋𝐎𝐎𝐁 𝐍𝐆 𝐇𝐈𝐆𝐈𝐓 𝐏𝟔𝟒 𝐌𝐈𝐋𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐄𝐇𝐀𝐏 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐈𝐊𝐓𝐈𝐌𝐀 𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐍𝐎𝐆 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐎𝐋𝐀, 𝐌𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀
Nagkaloob ang National Housing Authority ( ), sa pangunguna ni General Manager Joeben A. Tai, ng kabuuang P64 milyon na tulong-pinansyal para sa 2,134 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Parola, Tondo, Maynila, kamakailan.
Isinagawa sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program ( ) ng ahensya, tumanggap ang bawat pamilyang benepisyaryo ng tig-P30,000.
Ang EHAP ay isa sa mga programa ng NHA na naglalayong magbigay ng tulong-pinansyal sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog, pagbaha, lindol, at iba pang kalamidad upang matulungan silang makabangon at makapagsimulang muli.
BASAHIN ang buong detalye rito: https://nha.gov.ph/nha-provides-over-php-64-million-ehap-to-fire-victims-in-parola-manila/
01/06/2026
29/05/2026
NHA, NAMAHAGI NG PABAHAY SA 34 KATUTUBONG PAMILYA SA SULTAN KUDARAT 🏡
Namahagi ang National Housing Authority ( ) ng 34 na yunit ng pabahay para sa mga pamilyang kabilang sa Tribong Manobo-Dulangan at Teduray sa Pamantingan IP Housing Village Project na matatagpuan sa Sitio Lifi-lifian, Brgy. Pamantingan, Esperanza, Sultan Kudarat noong Mayo 26, 2026.
Bilang kinatawan ni General Manager Joeben Tai, pinangunahan ni NHA Region XII Manager Engr. Zenaida M. Cabiles ang seremonya kasama ang mga opisyal ng ahensya, Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) XII, National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) XII, at ng lokal na pamahalaan ng Esperanza.
Ito ang ikalawang turnover ceremony ng NHA XII sa nasabing lugar, matapos ang pagkakaloob nito ng 66 yunit noong Pebrero 25, 2024 sa Sitio Kuhahen.
Ang proyekto, na ipinatupad sa ilalim ng Housing Assistance Program for Indigenous Peoples (HAPIP) ng NHA, ay binubuo ng 100 yunit ng pabahay para sa mga nabanggit na katutubong grupo. Layon nitong mabigyan ng ligtas na tirahan ang mga pamilyang naninirahan sa loob ng mga protektadong lugar, mga nakatira sa mga danger zone tulad ng mga gumuguhong talampas sa bundok, at ang mga maaapektuhan ng road right-of-way.
28/05/2026
Simula ngayong Mayo 28 hanggang Hunyo 12, sabay-sabay nating itaas ang ating Pambansang Watawat sa pagdiriwang ng Flag Days.
Ipagmalaki natin ang ating pagiging Pilipino, gayundin ang mayaman nating kasaysayan at kultura.
Ang National Housing Authority ( ) ay kaisa ng buong bansa sa pagdiriwang na ito.
27/05/2026
Eid'l Adha Mubarak! 🌙
Taos-pusong binabati ng National Housing Authority ( ) ang ating mga kapatid na Muslim ng isang maligaya at makabuluhang pagdiriwang ng Eid’l Adha ngayong araw.
Hangad namin na ang selebrasyong ito ay mapuno ng pagmamahalan, pagkakaisa, at kapayapaan.
26/05/2026
MGA NASUNUGAN SA MUNTINLUPA AT TAGUIG, NAKATANGGAP NG AYUDA MULA SA NHA
Nakatanggap ng kabuuang P2,740,000 na tulong pinansyal ang 94 pamilyang biktima ng sunog mula sa mga barangay ng Putatan at Poblacion sa Muntinlupa, at Brgy. Southside, Taguig City, sa pamamagitan ng Emergency Housing Assistance Program ( ) ng National Housing Authority ( )
Sa direktiba ni General Manager Joeben Tai pinangasiwaan nina NHA NCR-South Sector Office OIC Engr. Celeste J. Basilisa at Muntinlupa/Taguig/Pateros/Makati City District Manager Ar. Noel N. Esquivel ang pamamahagi ng ayuda sa Putatan Covered Court noong Mayo 26, 2026.
Ang EHAP ay isa sa mga programa ng NHA na nagbibigay ng ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng mga kalamidad tulad ng sunog, bagyo, lindol, at pagbaha upang matulungan silang makapagsimulang muli.
26/05/2026
PABATID SA PUBLIKO
Sarado ang mga tanggapan ng National Housing Authority (NHA) bukas, Mayo 27, 2026, alinsunod sa Proclamation No. 1246 bilang paggunita ng Eid’l Adha.
Magbabalik ang normal na operasyon ng ahensya sa Huwebes, Mayo 28, 2026.
25/05/2026
100 KATUTUBO MULA SA DAVAO DE ORO, MAY SARILI NANG BAHAY! 🏘️
Ganap nang ipinamahagi ng National Housing Authority ( ) ang nasa 100 yunit ng pabahay para sa mga kapatid nating katutubo mula sa mga tribong Mandaya, Manobo, Dibabawon, at Mangguangan, sa isang seremonyang isinagawa sa Davao de Oro kamakailan.
Sa direktiba ni NHA General Manager Joeben A. Tai, pinangunahan nina NHA Region XI Officer-in-Charge Engr. Shariffuddin I. Nami at NHA Davao Oriental/Compostela Valley District Manager Mr. Gerold P. Namoc ang turnover ceremony.
Ipinatupad sa ilalim ng Housing Assistance Program for Indigenous Peoples (HAPIP) ng ahensya, ang P20 milyong proyekto ay itinayo sa Brgy. Awao, Monkayo, Davao de Oro, sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan nito.
Layunin nitong masiguro na ang ating mga kapatid na IP ay magkaroon ng disente, ligtas, at dekalidad na bahay -- isang pangakong patuloy na isinasakatuparan ng ahensya sa pamumuno ni GM Tai.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Contact the business
Website
Address
National Housing Authority, Elliptical Road, Diliman
Quezon City
1100
