21/05/2026
Barangay Bagong Pag-asa Directory
Office of Brgy. Bagong Pag-asa
0962-4636769 / (02)856-12208
Brgy. Police Security Office (BPSO)
0993-6272553
Brgy. Health and Emergency Response Team (BHERT)
0954-2731530
Brgy. Fire & Rescue Brigade
0969-3290650
Brgy. Council for The Protection of Children (BCPC)
0954-3982960
12/05/2026
Nagkaroon ng alitan sa pagitan ng magkapitbahay dulot ng hindi pagbabayad ng konsumo sa kuryente na umabot na sa pitong (7) buwan. Kinumpronta ng isa ang may utang, at sa kasamaang-palad ay lumala ang usapan at nauwi ito sa suntukan.
Dahil sa pangyayari, dinala namin ang magkabilang panig sa aming outpost upang ayusin ang gulo at makapag-usap nang maayos. Matapos ang pagpapaliwanagan at pakikipag-ugnayan, sa kabutihang palad ay nagkaunawaan at nagkasundo na rin sila sa huli.
Paalala sa lahat: Ang mga usaping pinansyal ay maaring ayusin sa maayos na paraan at sa tulong ng mga kinauukulan, hindi sa dahas.
12/05/2026
Sa isang pangyayari, tinapunan ng upos ng sigarilyo ang ating kapatid na Muslim, na naging dahilan upang magkaroon ng mainit na pagtatalo at komprontasyon.
Ang buong pangyayari ay malinaw na nakuhanan at nakita sa CCTV, kung saan makikita ang tunay na naganap.
Hinihikayat natin ang lahat na magkaroon ng respeto sa bawat isa, anuman ang paniniwala o relihiyon. Ang respeto ay mahalaga upang mapanatili ang kapayapaan at pagkakaisa sa ating komunidad.
12/05/2026
Ulat ng Banggaan:
Agham Road, Quezon City
Oras:
Mayo 12, 2026, 9:00 ng umaga
Lokasyon:
Agham Road, malapit sa Science High School.
Mga Kasangkot:
Isang pampublikong bus at sidecar.
12/05/2026
𝗕𝗶𝗴𝗮𝘀 𝗮𝘁 𝗚𝗶𝗻𝗵𝗮𝘄𝗮 𝗛𝗮𝘁𝗶𝗱 𝘀𝗮 𝗤𝗖𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻𝘀!🍚✨
- 𝑃𝑎𝑛𝑎𝑙𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑄𝐶𝑖𝑡𝑖𝑧𝑒𝑛𝑠, 𝑠𝑢𝑝𝑜𝑟𝑡𝑎𝑑𝑜 𝑝𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑠𝑎𝑠𝑎𝑘𝑎!
Sa Quezon City, 𝗹𝗶𝗯𝗼-𝗹𝗶𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗤𝗖𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻𝘀 ang nakatanggap ng 𝘁𝗶𝗴-𝟭𝟬 𝗸𝗶𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗴𝗮𝘀 sa ilalim ng 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 𝘁𝗼 𝗜𝗻𝗱𝗶𝗴𝗲𝗻𝘁 𝗜𝗻𝗱𝗶𝘃𝗶𝗱𝘂𝗮𝗹𝘀 𝗼𝗿 𝗙𝗮𝗺𝗶𝗹𝗶𝗲𝘀 (𝗔𝗜𝗜𝗙) 𝗽𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 ng national government katuwang ang lokal na pamahalaan.
Mahigit 𝟭𝟲𝟵,𝟬𝟬𝟬 pamilyang QCitizen mula Districts 1, 2, 3, 4, at 6.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga 𝘀𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗰𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻, 𝗣𝗪𝗗, 𝘀𝗼𝗹𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗲𝗻𝘁𝘀, at iba pang 𝘃𝘂𝗹𝗻𝗲𝗿𝗮𝗯𝗹𝗲 𝘀𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿𝘀 na higit na nangangailangan ng suporta. 𝗧𝘂𝘄𝗶𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝘀𝗶𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗴-𝟭𝟬 𝗸𝗶𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗴𝗮𝘀, kaya aabot sa 40 kilo ng bigas ang matatanggap ng bawat pamilyang benepisyaryo.
Mas espesyal pa rito—direktang mula sa mga 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝗸𝗮 ang ipinamamahaging bigas sa ilalim ng 𝗦𝗮𝗴𝗶𝗽 𝗦𝗮𝗸𝗮 𝗔𝗰𝘁.
*𝗦𝗮 𝗤𝗖, 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗶𝗶𝘄𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗴𝗱𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗮𝘆𝘂𝗱𝗮 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁—𝗧𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗤𝗖𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻𝘀, 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝗽𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝗼𝗸𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗮𝗴𝗿𝗶𝗸𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮!
💬I-share ang post na ito para mas maraming pamilya ang malaman ang programang ito!
07/05/2026
Away mag-asawa na humantong sa sakitan. Gusto nang paalisin ng misis ang mister sa kanilang bahay, ngunit nakiusap naman ang asawang lalaki. Sa huli, nagkaayos din ang mag-asawa.
06/05/2026
Isang bata ang binato ng isang ginoo. Dahil ayaw nitong ibigay agad ang bola ng basketball, nagalit ito at sinuntok at binato pa ang bata. Mabilis natin itong nirespondihan at namagitan agad, lalo na nang sumugod ang mga kamag-anak ng bata, upang maayos ang sitwasyon.
06/05/2026
Isang dalaga ang pinagtulungang bugbugin sa Moral St. . Nangyari ang pangyayari base sa nakaraang istorya ito ay ang nawawalang CP, Bagamat ito raw ay nakaraan na Kwento ay na Ungkat parin, May mga Dahilan din ang Kabilang Panig kung bakit nangyari ang pananakit na Iyon ngunit, hindi naman ito humaharap upang pag usapan, Sa Ngaun ito ay nakabinbin na kaso at kasalukyan inaayos pa.
Sana po ay maayos at mapag Usapan
na ang problemang ito.
06/05/2026
Isang bata ang nabangga ng motorsiklo. Pareho silang nagkaroon ng sugat, at handang ipagamot ng nakabangga ang bata. Nagkaayos naman sila sa huli.
01/05/2026
📢 NAHULOG / NAWAWALA
Kung sino man po ang may-ari nito, maaari po kayong pumunta sa:
📍 Outpost, Agham Road, Quezon City
At hanapin po si Raul Supremo Balucan para makuha ang inyong gamit. Maraming salamat po! 🙏