QC ABK District 3

QC ABK District 3

Share

Official FB Page of Association of Barangay Kagawads ng Distrito Tres Quezon City

04/09/2025

It's a wrap! πŸŽ±πŸΈβ™ŸοΈπŸŽ―

Matagumpay na idinaos ang ikalawang Indoor Sports Tournament ng Association of Barangay Kagawads ng Ikatlong Distrito ng Quezon City.

Nasaksihan natin hindi lamang ang husay at galing ng bawat manlalaro, kundi pati na rin ang kanilang determinasyon, teamwork, at sportsmanship.

Ang tunay na tagumpay ng paligsahang ito ay hindi lamang nasusukat sa panalo o pagkatalo, kundi sa pagkakaisa, pagkakaibigan, at karanasang ating pinagsaluhan. Ang bawat hampas, tira, at pag-iskor ay nagbigay kulay at sigla sa ating palaro, at higit sa lahat, nagpatibay ng ating samahan.

Taos pusong pasasalamat sa lahat ng kalahok, organizers at supporters lalong lalo na kay QC Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, Cong Cong. Franz S. Pumaren, Councilor Dok G Lumbad, Councilor Atorni Tope Liquigan, Councilor Chuckie Antonio, Councilor Wency Lagumbay, Councilor Don De Leon, Councilor Luigi Pumaren, Principal Elmer Ariate ng Belarmino Sports Complex, Punong Barangays Andrew Quizon and Oscar Reyes and Councils.

Hanggang sa susunod na edisyon ng ating Indoor Sports Tournament. 🎊☝️

Photos from QC ABK District 3's post 04/09/2025

Ibinuhos ang lahat ng talento at talino upang umangat sa dulo. β™ŸοΈπŸŽ― Noong Agosto 31, 2025 naganap ang Chess and Darts Games ng ABK Indoor Sports Tournament 2025 sa Barangay Quirino 2B.

Narito ang mga nagwaging Kagawads:

Darts:
Champion - Arnulfo Cesar - Quirino 2C
2nd Place - Michael Delos Santos - Dioquino Zobel
3rd Place - Jesus Milan - Bayanihan
4th Place - Joel Timtiman - Escopa 2

Chess:
Champion - Nelson Cammayo - Bagumbuhay
2nd Place - Edgar Soriano - Claro
3rd Place - Efren Taguibao - Bagumbayan
4th Place - Oliver Gordovez - Amihan

Muli po Congratulations sa lahat ng nakilahok at nagwagi.

Taos pusong pasasalamat kay Konsehal Chuckie Antonio sa pagsponsor ng cash prizes ng Darts Tournament. Gayundin kay Punong Barangay Oscar Reyes and Quirino 2B Council sa pagwelcome sa amin at pagasikaso sa amin sa napagandang venue.

Photos from QC ABK District 3's post 02/09/2025

Sumargo patungong kampeonato ang mga Barangay Kagawads na lumahok ngayong taon sa Billiard Tournament na ginanap noong Agosto 24, 2025 sa Lucky Break Anonas. πŸŽ±πŸ†πŸŽ‰

Itinanghal na kampeon si Kagawad Alexander Dumangas ng Matandang Balara at pumangalawa naman si Kagawad Michael Raposa ng Mangga. Nagwagi din sina Kagawad Daryll Isip ng Amihan at Kagawad Jelo Datiles ng Bagumbuhay na pumangatlo at pangapat.

Nagpapasalamat po kami kay Coun Don De Leon na nagsponsor ng cash prizes ng mga nagwagi. Gayundin kay Kagawad Ryan Rodriguez and team na namahala ng tournament.

Photos from QC ABK District 3's post 27/08/2025

They smashed their way to the top! πŸΈπŸ†πŸ₯‡

Congratulations to the winners of the ABK Indoor Sports Badminton Tournament held last August 24 @ Tara Court Metrolane.

Champions:
A - Gina Lago & Noel Bascos
B - Thea Almira Zafra & Ramon De Jesus

1st Runners Up:
A - Meg Malay & Rolando Flores
B - Cyrel Maturan Flores & Benjie Simeon

2nd Runners Up:
A - Raymond Dela Cruz & Pia Oreta
B - David Prudencio & Henry NuΓ±ez

3rd Runners Up:
A - Lisle Guevara & Sherwin Lunas Lazar
B - Ida Martir & Abraham Bam Valle

Photos from QC ABK District 3's post 26/08/2025

Matagumpay na idinaos ang Opening Ceremony ng ABK Indoor Sports Tournament 2025 noong Agosto 25, 2025 na ginanap sa Belarmino Sports Complex na pinangunahan ni ABK President Raul Addatu at iba pang opisyales at dinaluhan din ng mga Barangay Kagawads ng Ikatlong Distrito ng Lungsod Quezon.

Kami po ay lubos na nagpapasalamat kay QC Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, Cong. Franz S. Pumaren at sa mga konsehal namin na sina Dok G Lumbad, Atorni Tope Liquigan, Chuckie Antonio, Wency Lagumbay, Coun Don De Leon, Luigi Pumaren sa walang sawang suporta sa aming mga programa.

Maraming salamat din po kay Mr Elmer Ariate, Belarmino Principal at Kay Punong Barangay Andrew Cuizon and Council pati na din sa BPSO and BHERT ng Barangay Milagrosa.

Photos from QC ABK District 3's post 22/08/2025

Who will be our new Indoor Sports Champs? See the fun and excitement starting this Sunday, August 24, 2025.

πŸŽ±πŸΈβ™ŸοΈπŸŽ―

Photos from QC ABK District 3's post 21/08/2025

Kitakits sa Linggo, 7AM sa Belarmino Sports Complex! 🫑

20/08/2025

Let's Get It On! πŸŽ―πŸΈπŸŽ±β™ŸοΈ

29/08/2024

Matagumpay na naisagawa ang kauna-unahang QC District 3 LBK Indoors Sports Fest 2024 noong August 25 and 26 sa pangunguna ng Liga ng mga Barangay Kagawad Officers na Pinamumunuan ni President Raul C. Addatu.

Nagpakitang gilas ang mga Barangay Kagawad na lumahok sa Billiards, Badminton, Darts and Chess.

Nagpapasalamat po kami sa lahat ng tumulong at sumuporta sa aktibidad ng LBK lalong lalo na kay Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, Congressman Franz Pumaren, sa mga konsehal at iba pang nagbigay ng tulong.


Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


District 3
Quezon City