DSWD Walang Gutom Program

Directions

DSWD Walang Gutom Program Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DSWD Walang Gutom Program, Government Organization, DSWD Central Office, Batasan Complex Constitution Hills, Quezon City.

The Walang Gutom Program is a flagship initiative of the national government that seeks to combat involuntary hunger by providing beneficiaries with food credits through EBT cards, while also empowering them to become more productive members of society.

05/10/2026

WALANG GUTOM UPDATE

Bilang bahagi ng hakbangin ng Walang Gutom Program na mapalawak ang kaalaman ng mga benepisyaryo, nagsagawa ng Community-Based Training sa paggawa ng Banana Cake, katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Delpan Sports Complex, Tondo, Manila.

Para sa iba pang kaganapan, panoorin ang ulat na ito.



TINGNAN: Sa edad na 81, hindi na kayang makapaghanapbuhay ni Nanay Clavelina, residente mula sa Casiguran, Sorsogon. Kwe...
05/10/2026

TINGNAN: Sa edad na 81, hindi na kayang makapaghanapbuhay ni Nanay Clavelina, residente mula sa Casiguran, Sorsogon.

Kwento niya, napakalaking tulong ng Walang Gutom Program lalo na at isa sa hamon na kanyang kinahaharap ngayon ay ang pagbabayad utang para sa kakatapos lang na operasiyon ng isa sa kanyang anak.

Sa mga pagkakataong kapos ang pera, lalo na kapag wala nang pambili ng bigas, nakatutulong ang suportang natatanggap niya upang may maihahandang pagkain para sa kaniyang pamilya.



TINGNAN: Umaasa lamang sa pagkokopra si Tatay Ruben ng Jovellar, Albay upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang ...
05/10/2026

TINGNAN: Umaasa lamang sa pagkokopra si Tatay Ruben ng Jovellar, Albay upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang siyam na anak.

Minsan ay di sapat ang kita kung kaya't malaking tulong sa kanyang pamilya ang buwanang food redemption mula sa Walang Gutom Program. Dahil dito nakakain na sila ng tatlong beses sa isang araw.



ANUNSYO: Mahalagang malaman na hindi nagtatapos sa 2027 ang layunin ng Walang Gutom Program.Patuloy ang pagsisikap ng DS...
05/10/2026

ANUNSYO: Mahalagang malaman na hindi nagtatapos sa 2027 ang layunin ng Walang Gutom Program.

Patuloy ang pagsisikap ng DSWD na palakasin at panatilihin ang Walang Gutom Program bilang bahagi ng pangmatagalang pagtugon sa involuntary hunger.

Para sa iba pang kaganapan, manatiling nakatutok sa opisyal na page ng DSWD at ng Walang Gutom Program.



03/10/2026

Hindi lang pagkain, kundi regular na access sa masustansyang pagkain.

Sa Walang Gutom Program, may Electronic Benefit Transfer (EBT) Card ang mga kwalipikadong sambahayan na maaaring gamitin sa pagbili ng masustansyang pagkain sa mga partner stores.

Alamin kung paano nakatutulong ang programa sa pagkakaroon ng masustansyang pagkain sa hapag bawat buwan.



03/10/2026

Sa pagdiriwang ng Indigenous Peoples (IP) Month, hatid ng Walang Gutom Program ang π™’π™–π™‘π™–π™£π™œ 𝙂π™ͺ𝙩𝙀𝙒 π™Žπ™©π™€π™§π™žπ™šπ™¨: π˜Όπ™£π™œ π™†π™¬π™šπ™£π™©π™€ 𝙨𝙖 π™‡π™žπ™ π™€π™™ π™£π™œ π˜½π™–π™¬π™–π™© 𝙃𝙖π™₯π™–π™œ.

Panoorin ang kwento ng isang pamilyang kabilang sa ating mga IP community mula sa San Jose, San Mariano Province of Isabela kung saan kanilang ibinahagi ang karanasan at pasasalamat para sa Walang Gutom Program.



TINGNAN: Isinagawa ang Food Redemption at Kalusugan, Kakayahan, at Kabuhayan (3K) Sessions sa apat na barangay sa Palawa...
03/10/2026

TINGNAN: Isinagawa ang Food Redemption at Kalusugan, Kakayahan, at Kabuhayan (3K) Sessions sa apat na barangay sa Palawan noong Setyembre 24, 25, at 29, 2026.

Bukod sa pagtanggap ng kanilang buwanang food commodities, nakibahagi rin ang mga benepisyaryo sa mga talakayan at aktibidad na naglalayong palawakin ang kanilang kaalaman sa kalusugan, nutrisyon, at iba pang praktikal na kasanayan para sa kanilang pamilya.



TINGNAN: Isinagawa ang Key Information for Linking Opportunities and Support Services (KILOS) Profiling at Food Redempti...
03/10/2026

TINGNAN: Isinagawa ang Key Information for Linking Opportunities and Support Services (KILOS) Profiling at Food Redemption activity sa Municipality of Panglima Sugala, Tawi-Tawi, na nilahukan ng mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program.

Sa pamamagitan ng mga aktibidad na ito, patuloy na naihahatid ang suporta ng Walang Gutom Program sa mga benepisyaryo at sa kanilang pamilya.



TINGNAN: Hindi mapipigilan ng layo ng mga isla at lawak ng karagatan ang Walang Gutom Program upang magsagawa ng Food Re...
03/10/2026

TINGNAN: Hindi mapipigilan ng layo ng mga isla at lawak ng karagatan ang Walang Gutom Program upang magsagawa ng Food Redemption Activity para sa mga benepisyaryo nito.

Kaya, makikita ang mga ngiti at kasiyahan sa mga benepisyaryo mula sa Pata, Sulu matapos makuha ang kanilang mga food packages na naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan sa pagkain.

Sa bawat food redemption, patuloy na naihahatid ang suporta ng programa sa mga sambahayang nangangailangan, saanman sila naroroon.

Makikita sa kanilang mga ngiti ang kasiyahan sa pagkakataong makuha



Address

DSWD Central Office, Batasan Complex Constitution Hills
Quezon City
1126

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DSWD Walang Gutom Program posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share