22/09/2026
TINGNAN: Nagsagawa ang PFDA - Gender and Development Focal Point System (PFDA-GFPS) ng Word of GAD Lecture patungkol sa GAD Plan and Budget (GPB) noong Setyempre 21, 2026 sa PFDA Central Office, Diliman, Quezon City.
Ang GAD Plan and Budget o GPB ay isang sistema na nakakatulong na i-address ang gender issues sa pamamagitan ng planned programs, projects, activities at kaukulang resources nito.
Ang GPB ay unang ipinakilala sa General Appropriations Act of 1995 o “The Women’s Budget” kung saan inaatasan ng ang lahat ng ahensya ng gobyerno na maglaan ng minimum na 5% na kanilang kabuuang taunang bugdet para sa gender programs, projects, at activities.
Tampok din sa maikling lecture ang kaakibat na GAD Annual Report ng GPB kung saan tinalakay ang mga ginawa ng ahensya para isulong ang gender equality at woman empowerment noong 2025, tulad ng pagpapatibay ang integration ng GAD sa polisiya at operasyon ng ahensya katulad ng pagsama ng Gender Sensitivity Orientation (GSO) sa onboading ng bagong kawani ng ahensya.
Bukod dito, lalong pinalakas din ang kaalaman at kamalayan ng mga kawani at stakeholders ng PFDA sa GAD sa pamamagitan ng information materials, activities, pati na rin ng gender-sensitive film presentations.
Isang tagumpay din sa mga kababaihan ang pag-improve ng ahensya sa mga pasilidad na tumutugon sa pangangailangan ng kababaihan katulad ng pagkakaroon ng lactation station sa Philippine Fisheries Development Authority - Navotas Fish Port Complex (PFDA-NFPC).
Sa bandang dulo, binigyang diin na ang GAD Plan and Budget ay hindi lamang paghahanap ng mga aktibidad na ilalagay sa GAD budget kundi ang pag-unawa at pagkilala sa mga gender issues na kayang tugunan ng ahensya.
Pinangunahan ni Ma. Arlyn E. Andagao, miyembro ng PFDA-GFPS Committee on Advocacy, Linkages, and Capacity Building (CALCB), ang maikling lecture.