13/10/2025
Mula 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝟭𝟰–𝟭𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟱 (𝗠𝗮𝗿𝘁𝗲𝘀–𝗕𝗶𝘆𝗲𝗿𝗻𝗲𝘀), 𝗶𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝘂𝗽𝗮𝗱 𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗼𝗺𝗲-𝗯𝗮𝘀𝗲𝗱 𝗹𝗲𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 sa lahat ng Child Development Centers (CDCs) sa Lungsod Quezon. Ang implementasyong ito ay alinsunod sa direktiba ng DepEd para sa lahat ng pampublikong paaralan sa National Capital Region (NCR) upang mabigyan ng panahon ang disinfection, sanitation, at building inspection bunsod ng tumataas na kaso ng influenza-like illnesses.
Ang mga Day Care Parents ay inaatasang kunin ang kanilang mga modules sa kani-kanilang CDCs. Samantala, ang mga magulang na naka-iskedyul sa pagluluto ay inaasahang magluto ng hot meals na ipamamahagi kasabay ng pamimigay ng worksheets.
Sa gitna ng mga pansamantalang pagbabago, manatiling ligtas at patuloy na suportahan ang pagkatuto ng ating mga munting mag-aaral!

30/09/2025