24/03/2026
PAUNAWA SA PUBLIKO: Tamang Paggamit ng SOS Button 🚨
Mga ka-Barangay, narito ang mahahalagang paalala para sa ating Phoenix Protocol SOS Buttons. Ang mga kagamitang ito ay inilaan para sa ating seguridad at mabilis na pagtugon sa panahon ng sakuna.
Upang mapanatiling maayos at laging handa ang ating mga SOS button, pakiusap na sundin ang mga sumusunod:
1. 🚫 Huwag paglaruan ang SOS button. Ito ay para lamang sa mga tunay na emergency at insidenteng nangangailangan ng agarang tulong ng barangay.
2. 🚮 Huwag gawing tambakan ng basura ang paligid ng button para hindi ito masira o maharangan.
3. 🅿️ Bawal pumarada sa harap nito. Siguraduhing laging malinis ang daanan para sa mga taong kailangang mag-report.
Ang kooperasyon ng bawat isa ay mahalaga para sa kaligtasan ng ating komunidad. Maraming salamat po!
20/03/2026
📢 Pabatid sa Publiko
Ipinaaalam sa lahat ng mamamayan ng Lungsod Quezon, lalo na sa mga residente ng District 1, na simula March 16, 2026, ang Project 6 Animal Bite and Treatment Center (ABTC) na kasalukuyang matatagpuan sa Project 6 Health Center ay lilipat sa bagong lokasyon:
📍 No. 176 E. Beltran Street, corner Mangga Street, Barangay Katipunan, Quezon City
Layunin ng paglilipat na ito na mas mapabuti ang access ng mga residente sa serbisyong pang-animal bite at iba pang serbisyong pangkalusugan.
Patuloy ang Quezon City Health Department sa pagsusumikap na mapalapit at mapahusay ang mga serbisyong pangkalusugan para sa kapakanan ng bawat mamamayan ng Lungsod Quezon.
Maraming salamat po. 💚
20/03/2026
Ipinamalas ng Barangay Bagong Pag-Asa sa ilalim ng pamumuno ni Kapitana Chinggay Bilaos ang isang makabago at makataong hakbang para sa kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan—ang pagpapatupad ng SOS Emergency Button na konektado sa 1HOPE App.
Layunin ng programang ito na agarang matugunan ang mga insidente ng emergency, lalo na para sa mga residenteng walang access sa WiFi o mobile data. Sa simpleng pagpindot ng button, mabilis na makakaresponde ang barangay upang maibigay ang kinakailangang tulong—mula sa medikal na saklolo hanggang sa iba pang kritikal na sitwasyon.
Ayon sa pamunuan, hindi dapat hadlang ang kakulangan sa teknolohiya upang makakuha ng agarang serbisyo ang mamamayan. Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, pinatitibay ang seguridad at kapakanan ng bawat residente sa komunidad.
Patunay ito na sa Barangay Bagong Pag-Asa, ang serbisyong mabilis, maaasahan, at makabago ay hindi lamang pangako—kundi aktwal na nararamdaman ng taumbayan.
16/03/2026
FREE MEDICAL MISSION 🌸 PARA SA KABABAIHAN AT PARA SA LAHAT! 🌸
Bilang pagdiriwang ng National Women’s Month, hatid ng ating Congressman Arjo Atayde katuwang ang ating Punong Barangay Chinggay Bilaos at konseho ang isang malaking FREE MEDICAL MISSION para sa lahat ng mga taga-Brgy. Bagong Pag-asa! 👩⚕️🩺
Dahil ang tunay na "Juana," inuuna ang kalusugan! Siguraduhing ligtas at malusog ang bawat pamilya sa pamamagitan ng ating mga libreng serbisyo.
📅 KAILAN: March 17, 2026 (Martes)
🕗 ORAS: 8:00 AM hanggang 12:00 PM
📍 SAAN: Barangay Activity Center, Road 9, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City
PAALALA:
• Magdala ng valid ID.
• Mainam na mag-fasting (huwag kumain) kung nais magpa-blood sugar o cholesterol test para sa mas accurate na resulta.
• First come, first served basis tayo, kaya agahan ang punta!
Kitakits tayo, mga ka-Barangay! I-tag na si Nanay, Ate, Tita, at si Beshie para sabay-sabay tayong maging healthy! ✨
15/03/2026
📢 PUBLIC ADVISORY: Barangay Bagong Pag-asa Updated Schedule
Alinsunod sa Office of the President Memorandum Circular No. 114 at sa Energy Conservation Protocols ng Lungsod Quezon, ipatutupad ng Barangay Bagong Pag-asa ang sumusunod na Updated Office Schedule simula bukas, Marso 16, 2026:
🗓️ MONDAY to THURSDAY (On-site Work)
⏰ 8:00 AM – 5:00 PM
🗓️ FRIDAY (On-Call Basis)
⚠️ Bukas lamang ang piling opisina para sa mga mahahalagang transaksyon.
✅ PAALALA: Ang ating mga Frontline Services (BPSO, BHERT, atbp.) ay mananatiling 24/7 ang serbisyo at hindi apektado ng bagong schedule na ito para sa inyong seguridad at kalusugan.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa at pakikiisa sa ating hakbang para sa pagtitipid ng enerhiya. ⚡