Former PB Zeny Lectura

Former PB Zeny Lectura

Share

Served as Barangay Captain from 2018-Nov 7, 2023

02/04/2026

The University of the Philippines joins the nation in observance of Holy Week.

May quiet and meaningful reflection close this Lenten season, and lead to renewed spirit and vigor as we continue to serve the country and its people.

Proclamation No. 1006 issued Sep. 3, 2025 by Malacañang, declares April 2 (Maundy Thursday) and April 3 (Good Friday) as regular holidays.

University operations will resume Monday, April 6.

Photos from PWD BUPCA Inc.'s post 29/03/2026

Bayanihan para sa Blk 11 Look Palaris

Photos from PWD BUPCA Inc.'s post 12/03/2026
Photos from PWD BUPCA Inc.'s post 09/03/2026

💜🌈Tara na sa Balay Dakila: Women’s Month Community Bazaar simula ngayung araw, March 9–13, 2026 | 8AM–5PM ng UP Center for Women’s and Gender Studies

Kasama namin dito ang aming partner institutions ang BPI Banko, pwede mag bukas ng savings account ng walang maintaining balance makukuha mo agad ang atm at may mga freebies pa. Meron ding inoofer na loan para sa mga nagnenegosyo.

Tara mga fellow PWDs at mga member natin sa livelihood tulungan namin kayong mag open ng account. Magdala Lang ng valid ID.

May mga I at ibang merchants din tulad ng pagkain, inumin at mga handcrafted products din dito.



Photos from UP Center for Women's and Gender Studies's post 06/02/2026
24/01/2026

Support MULA SA PWD, PARA SA PWD 💙

MULA SA PWD, PARA SA PWD 💙
SUPPORT SYSTEM ADVOCACY

Isa namang benepisyaryo mula sa Pook Amorsolo ang ating napahiram ng stainless foldable walker upang magamit sa kanyang recovery.

Patuloy naming isinusulong ang adbokasiya ng bayanihan support system para sa ating mga kapwa Persons with Determination (PWD).

📌 Tumatanggap po kami ng preloved medical equipment na hindi na ninyo ginagamit at maaari pang mapakinabangan ng ating mga kapwa PWD at makabwas ng gastos sa kanilang pag bili ng kailangang medical equipment.

📩 Para sa donasyon, makipag-ugnayan lamang kina Amelia Galicia o Jose Fernan o I PM kami sa page.

Maraming salamat po sa patuloy na pakikiisa at malasakit sa ating mga kapwa Persons with Determination.

Photos from Animal Care and Disease Control Division's post 23/01/2026
20/01/2026

MULA SA PWD PARA SA PWD 💙
SUPPORT SYSTEM ADVOCACY

Isa sa mga adbokasiya ng PWD BUPCA ang pagpapatibay ng support system para sa ating mga kapwa Persons with Determination. Hindi man tayo makapagbigay ng pinansyal na tulong, sa pamamagitan ng mga bagay na maaari pang mapakinabangan ay maipadama pa rin natin ang diwa ng bayanihan.

Bilang nagsisilbing daan ng bayanihan support system, tumatanggap po kami ng preloved medical equipment na hindi na ninyo ginagamit at maaari pang mapakinabangan ng ating mga kapwa PWD.

Kamakailan,kami ay nakapagbigay ng tungkod para sa isa nating residente sa Pook Ricarte. Maliit na tulong sana ay may malaking naidudulot sa inyong kaginhawaan.

📌 Para sa donasyon, makipag-ugnayan lamang kina Amelia Galicia o Jose Fernan.

Maraming salamat po sa patuloy na pakikiisa at malasakit sa ating mga Fellow Persons with Determination.

Photos from Former PB Zeny Lectura's post 31/12/2025

Maraming salamat sa lahat ng biyayang natanggap, sa bawat pagsubok at bawat tagumpay na nagpapatatag at nagbigay liwanag sa ating paglalakbay.

Sa pagdating ng 2026, dalhin natin ang pag-asa, pananampalataya, at mas malalim na pagmamahalan. Nawa’y maging taon ito ng kagalingan, kapayapaan ng isip, mabuting kalusugan, at patuloy na pagkakaisa ng bawat pamilya.

Sa aming mga mahal sa buhay at kaibigan, taos-pusong pasasalamat sa walang sawang pagdamay at suporta. Sama-sama nating salubungin ang bagong taon na may bukas na puso, kababaang-loob.

Manigong Bagong Taon sa inyong lahat😊🎊

Photos from PWD BUPCA Inc.'s post 05/11/2025

We are happy and proud of PWD BUPCA's achievements every single day. Congrats and keep it up.

Photos from Former PB Zeny Lectura's post 16/09/2025

Pagpupugay sa mga Community Volunteers

Isang taos-pusong pagpupugay sa lahat ng community volunteers na nakiisa sa Red Cross 143 at dumaan sa Oryentasyon sa pagbibigay ng First Aid sa pangunguna ng Philippine Red Cross – QC Chapter, katuwang ang Emergency Quick Response and Management Team-UP Volunteers, PWD-BUPCA, Inc., Tau Gamma Sigma Palaris Community Chapter, at sa mga Area volunteers.

Layunin ng programang ito na mabigyan ng kaalaman at kasanayan ang ating mga kapwa volunteers sa komunidad, upang maging handa at may sapat na kaalaman kung paano magbigay ng agaran at paunang tulong sakaling magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari sa ating pamilya o lugar.

Lubos ang aming pasasalamat sa mga sponsors at katuwang sa programa:

-Philippine Red Cross QC Chapter headed by Mam Janice Melody Adolfo at sa ating Facilitator Mr. Marco Albanez

- Kgd. Rowel Lectura at ang inyong lingkod katuwang ang EQRMT

- Bantay Palaris at Ugnayan Council ng Palaris

- PWD-BUPCA, Inc. Officers: Diosa SV, Don Angeles, Jo Fernandez, Maricel Clave, Filipinas Del Piaca, Romeo Dela Cruz at Sheila Liboon
-Taugama Sigma Palaris Community Chapter headed by GT Joy Modesto

Maraming salamat din sa mga naitalagang mga tao at lahat ng nagbigay-suporta:

Lenie Malinao
Jess Estrada
Linda Policar
Ellis Cruz
Noemi Albaniel
Sam Ismael
Arminda Poliquit
Glaiza Karingal
- Vicky Nuñez (kasama ang Dagohoy Volunteers)
- Ditas Macase (kasama ang Pook Ricarte Volunteers)
- Agnes Dela Cruz(Kasama ang Kababaihan)
- Tarcisia Tarnte (kasama ang Pook Palaris Volunteers)
- CP Garcia Livelihood Group
- Beth Elmido kasama ang Pook Daan Tubo Volunteers

Binabati rin natin ang ilang kasamahan na pinagkalooban at matagumpay na nagproseso ng Insurance coverage na nagkakahalaga ng ₱35,000 at ₱50,000, na may bisa ng isang taon bilang proteksyon sakaling magkaroon ng aksidente.

08/09/2025

📢 BASIC VOLUNTEER ORIENTATION COURSE
Community Red Cross 143 & Basic First Aid Training

📍 Venue: Pook Palaris Ugnayan Center
📅 Date: September 13, 2025
🕐 Time: 1:00 PM

🤝 Be part of the movement!
If you are interested to volunteer, you may contact us for more details.

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


UP Campus Diliman
Quezon City
1101