Pangisda Pilipinas

Pangisda Pilipinas

Share

Ang PANGISDA - Pilipinas ay alyansa ng mga artisanal o small-scale, municipal at subsistence fishers at fisherfolk organizations.

01/06/2026

“Maginaw po ba sa bangka kung magdamag ka sa laot?
“Mahirap ba mga lesson niyo sa school?”

Kung magsama sa isang lugar ang mga estudyante at mga mangingisda, ano kaya ang itatanong nila sa isa’t-isa?

Alamin at sumali sa , isang tagpuan—at kwentuhan—ng kabataan at mga bumibisitang mangingisda.

📅 June 7, 2026 (Linggo)
📍UP Sunken Garden
⏰ 7:00AM

Magbaon ng pusong bukas sa pakikinig (at simpleng thank-you gift na rin sa mangingisda, kung may gustong ipaabot!).

“Maginaw po ba sa bangka kung magdamag ka sa laot?”
“Mahirap ba mga lesson niyo sa school?”

Kung magsama sa isang lugar ang mga estudyante at mga mangingisda, ano kaya ang itatanong nila sa isa’t-isa?

Alamin at sumali sa , isang tagpuan—at kwentuhan—ng kabataan at mga bumibisitang mangingisda.

📅 June 7, 2026 (Linggo)
📍UP Sunken Garden
⏰ 7:00AM

Magbaon ng pusong bukas sa pakikinig (at simpleng thank-you gift na rin sa mangingisda, kung may gustong ipaabot!).

Photos from Sentinels for Environmental Protection and Regeneration - STEP-Gen's post 31/05/2026
30/05/2026
Photos from Pagkakaisa ng mga Samahan ng Mangingisda Pangisda - Bataan's post 30/05/2026
Photos from SIKAP Org.'s post 30/05/2026
30/05/2026

𝐖𝐀𝐊𝐀𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐆𝐔𝐓𝐔𝐌𝐀𝐍, 𝐈𝐒𝐀𝐋𝐁𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐈𝐒𝐃𝐀𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐊𝐀𝐒𝐀𝐍, 𝐒𝐈𝐍𝐆𝐈𝐋𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐓𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐀𝐁𝐀𝐘𝐀𝐀𝐍!

Maynila – 300 na mga mangingisda mula sa pito (7) syudad at probinsya ng Bulacan, Cavite, Bataan, Manila, Navotas, Las Piñas, at Parañaque ang nagmartsa patungong Mendiola matapos magtipon sa Isetann Recto alas-7 ng umaga.

Naglunsad ng magkakasabay na kilos protesta, fluvial protest, at mga programang masa ang mga mangingisda sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong Mayo 29 sa paggunita ng ika-26 na Araw ng Mangingisda upang kundenahin ang lumalalang krisis sa pagkain, pagkasira ng pangisdaan at kalikasan, at kapabayaan ng pamahalaan sa sektor ng maliliit na mangingisda.

Ayon kay Pablo Rosales, tagapangulo ng Pangisda Pilipinas – “patuloy na lumiliit ang saklaw ng municipal waters dahil sa komersyal na pangingisda, reklamasyon, offshore mining, dredging, at iba pang mapanirang proyekto na direktang sumisira sa kabuhayan at karapatan ng maliliit na mangingisda”.

“Hindi kagutuman ang natural na kalagayan ng mamamayan. Bunga ito ng kapabayaan, korapsyon, at mga polisiyang pumapabor sa malalaking negosyo habang itinutulak sa gutom at pagkawasak ang maliliit na mangingisda,” dagdag pa ni Pablo.

Kasabay ng protesta sa Manila Bay, nagsagawa rin ng mga lokal na pagkilos sa iba’t ibang baybayin ng bansa. Sa Zambales, 20 bangka mula Masinloc, Palauig, at Candelaria ang lumahok sa fluvial protest at programa sa daungan ng Masinloc. Sa Lamon Bay, nagsagawa ng fluvial protest mula Tignoan hanggang Ungos Port kasama ang mga samahan ng mangingisda sa Real, Quezon.
Sa Tayabas Bay, nagkaroon ng parada ng mga streamer at simbolikong protesta mula Talao-Talao hanggang Dalahican Fishport upang ilantad ang mga suliranin ng sektor. Nagkaroon din ng banner drop at mga programa sa Sarangani Bay, Metro Cebu, at Lingayen Gulf sa bayan ng Tubod, Sto. Tomas, La Union at Dagupan City. Samantala, nagsagawa naman ng photo ops, fisherfolk situation discussion, at solidarity activities ang mga lider-mangingisda at magsasaka sa Illana Bay upang talakayin ang patuloy na krisis sa kabuhayan at pangisdaan.

Muling iginiit ng PANGISDA-Pilipinas ang panawagan para sa tunay na proteksyon ng 15 kilometrong municipal waters, pagpapatigil sa reklamasyon at mapanirang proyekto, pagpapababa ng presyo ng langis, at pagbibigay ng sapat na suporta sa maliliit na mangingisda.

SA IKA-26 TAONG ANIBERSARYO NG ARAW NG MANGINGISDA , NAGLUNSAD NG PAGKILOS AT SAMA-SAMANG NANAWAGAN ANG MANGINGISDA SA
:
1.Ang Kinse Kilometro (15KM) ang pangunahing pinagmumulan ng kabuhayan ng milyon-milyong pamilya ng mangingisda at naghahatid ng pagkain sa hapag kainan ng mamamayang Pilipino. Sama-sama nating pangalagaan ito at ipagtanggol laban sa sabwatan ng pamahalaan at pribadong (DA/ BFAR/ DENR/ NTC/PRA) at mga pribadong korporasyon (MERCIDAR at mga korporasyon sa real estate) na dahilan ng tuluy-tuloy na kapitalistang pandarambong sa kalikasan at pangisdaan. Isulong at itaguyod ang Kinse (15KM) para sa Tao! Hindi sa negosyo!

2.Imbestigahan ang mga ahensya, parusahan, patalsikin at pagbayarin ang mga taong mapapatunayang sangkot sa pandarambong sa likas ng yaman, at pagsisira sa kalikasan.

Ang Pangisdaan ay Para sa Tao, Hindi sa Malalaking Negosyo at
Korporasyon!




Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


28 Akle Street, Brgy. Claro, Project 3, Diliman
Quezon City
1100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm