United Senior Citizens Party-list

United Senior Citizens Party-list

Share

Rep. Milagros Aquino-Magsaysay #MatatandaAtingMahalin

05/06/2026

TUMUGON NA PO ANG NAPOLCOM SA ATING PANAWAGAN

Isang mabilis na aksyon para sa hustisya!

Lubos ang ating pasasalamat at papuri kay NAPOLCOM Vice Chairperson and Executive Officer Commissioner Atty. Rafael ‘Ralph’ Vicente Calinisan dahil sa kanyang maagap at mabilis na pagtugon upang imbestigahan ang nag-viral na pulis na nanakit at nagposas sa isang nakatatanda sa Taguig City kamakailan lang.

Napakahalaga ng ganitong mabilis na hakbang upang ipakita na walang puwang sa ating lipunan ang kahit anong uri ng pang-aabuso at pagmamalupit sa ating mga Nanay at Tatay, Lola’t Lolo, lalo na mula sa mga unipormadong opisyal na dapat ay nagtatanggol sa kanila.

Panahon na po para ipasa na ang ating panukalang batas na Anti-Senior Citizens Abuse Act na naglalapat ng mas mabigat na parusa sa anumang uri ng pang-aabuso, pang-aapi, at pagmamalupit sa mga nakatatandang Pilpino.

Matatanda Ating Mahalin!





04/06/2026

HINDI KAMI PAPAYAG NA TAPAK-TAPAKAN ANG DIGNIDAD NG ATING MGA LOLO AT LOLA!

"Isa itong pag-atake sa dignidad ng halos Labing-Dalawang Milyong Nakatatandang Pilipino." — Rep. Milagros Aquino-Magsaysay, United Senior Citizens Partylist.

Isang pulis na dapat ay nagtatanggol sa mamamayan, nakuha pang kaladkarin at saktan ang isang mahinang senior citizen sa Taguig? NAKAKALUNGKOT AT NAKAKAGALIT!

Walang puwang sa ating lipunan ang anumang uri ng pang-aabuso, lalo na mula sa mga taong binigyan ng kapangyarihan at uniporme para protektahan tayo.

Panahon na para ipasa ang “Anti-Senior Citizens Abuse Act” at panagutin ang mga mapang-api!

Huwag nating hayaang maging normal ang ganitong kawalang-hiyaan. Katarungan para sa ating mga nakatatanda!




03/06/2026

Nakakagulat. Nakakagalit. Nakakaawa.

Hindi ko matatanggap itong pang-aabuso sa isang senior citizen.

Hindi natin ito palalampasin at tatantanan!




02/06/2026

🎉 Maligayang Kaarawan, Mitos! 🎂

Sa aking mahal na apo, Konsehal, Milano Carlitos “Mitos” B. Magsaysay, nais kong ipaabot ang aking taos-pusong pagbati sa iyong kaarawan.

Apo, lubos kitang ipinagmamalaki sa iyong dedikasyon sa paglilingkod at sa mabuting taong iyong kinagisnan. Nawa’y patuloy kang pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, karunungan, at tagumpay sa lahat ng iyong mga adhikain.

Mahal na mahal kita at lagi akong narito upang sumuporta sa iyo.❤️

Happy Birthday, Mitos!

— Cong. Mila Magsaysay



31/05/2026

Buong puso kong pinasasalamatan ang suporta at pakikiisa ng ating mga minamahal na mga artista, mangaawit at iba't ibang showbiz personalities sa ating ipinaglalabang UNIVERSAL SOCIAL PENSION para sa lahat ng senior citizens.

Ang kanilang pagkakaisa at malasakit ay nagbibigay ng mas malakas na tinig sa ating adhikain na mabigyan ng dignidad, seguridad, at mas maayos na pamumuhay ang bawat nakatatandang Pilipino.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang laban para sa kapakanan ng ating mga Nanay at Tatay, Lola’t Lolo Walang maiiwan, walang mapapabayaan.

Maraming salamat sa ating minamahal na Bff at kasangga sa paglilingkod, Tessie Villarama sa iyong walang sawang suporta.

— Cong. Mila Aquino Magsaysay
Representative, United Senior Citizens Partylist
Chairperson, House Committee on Senior Citizens





31/05/2026

“12 MILYONG LAGDA PARA SA MATATANDA, UNIVERSAL SOCIAL PENSION, NGAYON NA!”

𝐌𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐧𝐮𝐤𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐚𝐥 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐏𝐞𝐧𝐬𝐢𝐨𝐧 (𝐔𝐒𝐏), 𝐈𝐬𝐢𝐧𝐮𝐬𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐍𝐂𝐒𝐂 𝐚𝐭 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧𝐬 𝐆𝐫𝐨𝐮𝐩𝐬

Malakas ang paninindigan ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa isinusulong na panukalang Universal Social Pension (USP) para sa mga nakatatanda, kasabay ng patuloy na panawagan para sa agarang pagpasa nito sa Kongreso.

Sa turn over ceremony na isinagawa nitong Lunes, Mayo 25, 2026, isinumite ng NCSC, katuwang ang iba’t ibang senior citizens organizations at associations, ang humigit-kumulang 2 milyong pirma na nakalap mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa bilang suporta sa panukala.

Giit ni CEO Atty. Ma. Merceditas N. Gutierrez, ang mga lagdang ito ay malinaw na petisyon sa pamahalaan upang kilalanin ang dignidad at karapatan ng mga senior citizen. Ang milyun-milyong lagda ay patunay ng malawak na suporta ng publiko at isang konkretong panawagan para sa aksyon ng pamahalaan.

Ayon sa NCSC, malakas ang panawagan ng sektor ng mga senior citizen para sa isang sistemang magtitiyak ng kanilang pinansyal na seguridad, lalo na sa patuloy na pagtaas ng araw-araw na gastusin.

Pinangunahan ng House Committee on Senior Citizens, sa pamumuno ni United Senior Citizens Party-list Rep. Milagros Aquino-Magsaysay, ang kampanyang “Labing-Dalawang Milyong Lagda Para sa Matatanda”.

Target naman ng NCSC at mga katuwang nito na madagdagan pa ang nakalap na pirma at maabot ang 5 milyong lagda sa Hulyo bilang bahagi ng malawakang kampanya at patuloy na suporta sa panukala.

Courtesy: National Commission of Senior Citizens

31/05/2026

⚠️ WARNING: FAKE ACCOUNT ALERT ⚠️

Magandang araw po.

Nais naming ipaalam sa publiko na may mga pekeng social media account na gumagamit ng pangalan, larawan, at pagkakakilanlan ni Congresswoman Milagros Aquino- Magsaysay nang walang pahintulot.

PAALALA:
• Huwag makipag-ugnayan o magbigay ng personal na impormasyon sa mga hindi beripikadong account.
• Huwag magpadala ng pera o tumugon sa anumang kahina-hinalang mensahe.
• I-report agad ang naturang account upang maiwasan ang panlilinlang sa iba.

Ang tanging opisyal na account lamang ni Congw. Milagros Aquino-Magsaysay ay:

🔹 United Senior Citizens Party-list
🔹 The Committee on Senior Citizens - Chairperson, Cong. Mila Aquino-Magsaysay

Maraming salamat sa inyong pakikipagtulungan at patuloy na pag-iingat laban sa mga mapanlinlang na online activities.

31/05/2026

United Senior Citizens Partylist — Laging Nasa Serbisyo para sa mga Nakatatandang Pilipino.




29/05/2026

“12 MILYONG LAGDA PARA SA MATATANDA, UNIVERSAL SOCIAL PENSION, NGAYON NA!”

https://www.facebook.com/share/1EXiWnxXDj/?mibextid=wwXIfr

Speaker Bojie Dy, nagpahayag ng suporta sa pagsusulong ng Universal Social Pension para sa mga senior citizen

Ipinahayag ng ating katuwang sa partido, House Speaker Faustino "Bojie" Dy III, ang kanyang suporta sa panukalang batas na magbibigay ng social pension para sa lahat ng senior citizens sa buong bansa. Ito ay matapos pormal na tanggapin ang mahigit isang milyong lagda mula sa iba't ibang sektor na nagkakaisa para sa layuning ito.

Sa kasalukuyan, ang programang nagkakaloob ng P1,000 na buwanang pension ay limitado lamang sa mga kuwalipikadong indigent o mahihirap na nakatatanda, ngunit sa pamamagitan ng panukalang batas na kasalukuyang nakabinbin sa House Committee on Appropriations, isinusulong ang pagiging unibersal nito.

"I believe that true service starts with listening, understanding, compassion, and love... Given the costs of medicine, food and health care, our seniors must be provided support to help them afford all of their basic needs," ani Speaker Dy. "Let us always remember: The true measure of a nation is how it cares for its most vulnerable citizens."

Sa ilalim ng administrasyong Bagong Pilipinas at ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), patuloy nating itataguyod ang mga makatao, makatarungan, at inklusibong programa para sa bawat pamilyang Pilipino kung saan walang maiiwan.

06/05/2026

COMMITTEE ON SENIOR CITIZENS | MAY 6, 2026




Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Rm 112, North Wing, Batasang Pambansa
Quezon City
1126