24/10/2025
Kung ang kwento ay may 𝓽𝓪𝓵𝓪𝓪𝓷 𝓷𝓰 𝓷𝓲𝓵𝓪𝓵𝓪𝓶𝓪𝓷 📃 sa kwento ng Project SPARK ✨ ay malinaw din naming tinala ✏️ ang pinanggamitan namin upang mapaganda at mapadali ang pagpapatakbo ng proyekto!
Maaaring mabuksan ang aming 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗥𝗲𝗽𝗼𝗿𝘁 para sa dalawang run sa 🔗 https://tinyurl.com/SPARKPilotFinReport 💸
Dahil sa inyong tulong, may maliit pa kaming maipapasang pondo sa mga bagong project adviser 👨🏻🏫 na makakatulong sa kanilang ipagpatuloy pa ang proyekto natin 🙏🏻
20/10/2025
Upang pormal na ipasa ang kislap ✨ ng Project SPARK sa Holy Spirit Elementary School 🏫, naglunsad kami ng maikling training session 👨🏻🏫 para sa mga teacher na sasalo sa proyekto!
Malaki ang aming pasasalamat 🙏🏻 sa mga g**o natin na taos-pusong nagseserbisyo nang labas pa sa kanilang tungkulin! 💖
16/10/2025
It's time to close 🔐 this chapter 📕 of Project SPARK ✨
Natapos na muli ang ating pangalawang pagpapatakbo 🏃🏻♂️💨 ng Project SPARK! Binigyang-dangal ang batch ng SPARKleads 🏅 at pormal na ring napirmahan ang kasunduan ✍🏻 kung saan iniaampon ng Holy Spirit Elementary School ang ating proyekto! 😍
Pagpupugay sa lahat ng SPARKleads, at maraming salamat sa aming school admin, mga teacher, at mga naging kasangga sa pagpapatakbo namin ng Project SPARK.
10/10/2025
Kasama ang kanilang mga ka-duo ✌🏻, itinuloy ng mga SPARKlead ang kanilang mga kwento 📖 sa pamamagitan ng... pagkwento! 📢
Ang bawat duo ay nagbahagi 🤗 ng kanilang assigned na kwento 📕 kung saan naman nakapaloob 💗 ang bawat socio-emotional competency 💪🏻. Gamit ang makulay na props at costume 👯♂️ at ang kanilang mga malalakas at malikhaing boses 🗣️ , nabigyang-saya at aral nila ang aming mga SPARKler ✨
08/10/2025
Eto na! 😲 Next chapter na! ➡️ Na-induct na ang ating mga SPARKlead ✨ at handang-handa na silang sumabak 💪🏻 sa mga kani-kanilang storytelling session. 🗣️
Hawak ang kanilang mga natutunang socio-emotional competency 💗 at storytelling skills 📖, excited na kaming makita ang pag-usbong ng kanilang kwento! 🌟
28/08/2025
Sumabak ang ating Batch 2 SPARKleads ✨ sa mga training session 💪🏻 kung saan nalinang ang kanilang mga socio-emotional skills 💡 at storytelling skills 📖, kasama na rin ang pag-usbong ng bagong mga pagkakaibigan 🫂 sa kanilang magiging katuwang sa lakbay na ito ➡️.
Malapit na sila mapunta sa 😲 exciting part! 🥳 Tutukan natin ang pagtuon nila sa susunod na bahagi ng kanilang kwento. 👀