Pasig River Coordinating and Management Office - PRCMO

Pasig River Coordinating and Management Office - PRCMO

Share

Welcome to the official page of the Pasig River Coordinating and Management Office (PRCMO) under the DENR National Capital Region ๐Ÿ’™ #PusoParaSaIlogPasig

05/06/2026

Happy World Environment Day ๐ŸŒฑ

Ngayong ika-5 ng Hunyo, nakikiisa ang DENR National Capital Region sa pagdiriwang ng World Environment Day 2026, isang pandaigdigang panawagan para sa mas matatag na pagkilos tungo sa pangangalaga ng ating kalikasan at likas na yaman.

Sa Metro Manila, mahalaga ang sama-samang pagkilos ng bawat komunidad para mapanatiling malinis ang ating kapaligiran, mula sa rehabilitasyon ng mga ilog at estero tulad ng Pasig River at Manila Bay, pangangalaga sa mga urban green spaces gaya ng La Mesa Watershed Reservation, hanggang sa pagpapanatili ng kalusugan ng mga protected area gaya ng Las Piรฑas โ€“ Paraรฑaque Wetland Park.

Ang World Environment Day ay paalala na ang bawat simpleng hakbang, pagtitipid ng likas na yaman, tamang pamamahala ng basura, pagtatanim ng puno, at pangangalaga sa biodiversity, ay may malaking ambag sa kinabukasan ng ating planeta.

Sama-sama nating pangalagaan ang ating iisang tahanan, para sa kalikasan, para sa komunidad, at para sa susunod na henerasyon.

Photos from Pasig River Coordinating and Management Office - PRCMO's post 04/06/2026

๐Œ๐ ๐š ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ค๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐Ž๐›๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฎ๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ฅ๐จ๐  ๐๐š๐ฌ๐ข๐ , ๐“๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ซ-๐€๐ ๐ž๐ง๐œ๐ฒ ๐‚๐จ๐ง๐ฏ๐ž๐ซ๐ ๐ž๐ง๐œ๐ž ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐ 

Nagsagawa ng convergence meeting ang DENR National Capital Region, sa pamamagitan ng Pasig River Coordinating and Management Office (PRCMO), kasama ang mga kinatawan mula sa Philippine Ports Authority (PPA), Office of the Presidential Adviser on Pasig River Rehabilitation (OPAPRR), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Philippine Coast Guard (PCG) upang talakayin ang mga natukoy na obstruksyon at iba pang usaping may kaugnayan sa rehabilitasyon ng Ilog Pasig.

Bilang Chair ng Environmental Committee ng Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development (IAC-PRUD), pinangunahan ng DENR-NCR ang pagtitipon upang maipresenta ang mga natukoy na obstruksyon o harang sa kahabaan ng ilog, mapagtibay ang mga datos ng bawat ahensya, malinaw na matukoy ang kani-kanilang mandato at hurisdiksyon, at makabuo ng mga mekanismo para sa mas epektibong koordinasyon.

Tinalakay rin ang mga resulta ng isinagawang assessment at ocular inspection ng PRCMO, kabilang ang navigational at maritime-related obstructions, solid waste at floating debris, structural obstructions, at iba pang mga dahilan na maaaring makaapekto sa daloy at rehabilitasyon ng ilog. Nagbahagi rin ang mga kalahok na ahensya ng impormasyon hinggil sa port facilities, vessel operations, berthing regulations, at iba pang umiiral na polisiya sa kahabaan ng Ilog Pasig.

Nagkaroon din ng pag-uusap hinggil sa operasyon ng mga pantalan, pamamahala sa mga nakahimpil at abandonadong sasakyang pandagat, at ang kahalagahan ng mas pinaigting na inter-agency coordination upang matugunan ang mga natukoy na hamon sa ilog.

Bilang susunod na hakbang, napagkasunduan ng mga ahensya ang pagsasagawa ng joint site inspection, inventory, at validation activity upang higit pang masuri ang mga natukoy na obstruksyon at makabuo ng mga naaangkop na rekomendasyon para sa kanilang pamamahala at posibleng pagtanggal.

Sa pamamagitan ng mas pinaigting na koordinasyon at pagtutulungan ng mga ahensya, patuloy na isinusulong ang mga hakbang tungo sa mas maayos, ligtas, at malinis na Ilog Pasig bilang mahalagang likas na yaman at daluyan ng buhay sa Kalakhang Maynila.



Photos from Pasig River Coordinating and Management Office - PRCMO's post 28/05/2026

๐Š๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐Š๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐ˆ๐ฅ๐จ๐  ๐๐š๐ฌ๐ข๐ , ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฌ๐ข๐  ๐‘๐ข๐ฏ๐ž๐ซ ๐‡๐ž๐ซ๐ข๐ญ๐š๐ ๐ž ๐–๐š๐ฅ๐ค ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐Ž๐œ๐ž๐š๐ง

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Month of the Ocean 2026, isinulong ng DENR National Capital Region, sa pamamagitan ng Pasig River Coordinating and Management Office (PRCMO), ang kasaysayan at kahalagahan ng Ilog Pasig sa isinagawang Pasig River Heritage Walk mula Mayo 19 hanggang 21, kung saan nagsilbing learners ang PRCMO River Warriors.

Sa pangunguna ng Public Information and Advocacy Unit (PIAU), layunin ng aktibidad na palalimin ang kamalayan ng mga kalahok hinggil sa mahalagang papel ng Ilog Pasig sa kasaysayan, kultura, at ekolohiya ng Kalakhang Maynila. Tampok sa heritage walk ang ibaโ€™t ibang makasaysayang lugar tulad ng Plaza Mexico, Fort Santiago at Intramuros, Calle Escolta at Binondo, Jones Bridge, Manila Central Post Office, at kahabaan ng Pasig River Esplanade.

Ibinahagi sa walking tour ang mga kuwento hinggil sa naging papel ng Ilog Pasig sa kalakalan, transportasyon, at pag-unlad ng mga sinaunang settlement sa Maynila, kasabay ng pagbibigay-diin sa kahalagahan ng patuloy na rehabilitasyon at pangangalaga sa ilog bilang mahalagang daluyan ng tubig na konektado sa kalusugan ng ating karagatan at kapaligiran.

Patuloy na isinusulong ng PRCMO ang Communication, Education, and Public Awareness (CEPA) activities upang higit pang mapalalim ang pagpapahalaga ng publiko sa Ilog Pasig bilang mahalagang bahagi ng ating kasaysayan, kultura, at kalikasan.



Photos from Pasig River Coordinating and Management Office - PRCMO's post 27/05/2026

๐‘๐ž๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ซ ๐‚๐ฅ๐ž๐š๐ง-๐ฎ๐ฉ ๐Ž๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฌ๐ข๐  ๐š๐ญ ๐’๐š๐ง ๐‰๐ฎ๐š๐ง ๐‘๐ข๐ฏ๐ž๐ซ, ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š

Patuloy na isinasagawa ng DENR National Capital Region, sa pamamagitan ng Pasig River Coordinating and Management Office (PRCMO), ang regular na clean-up operations sa kahabaan ng Ilog Pasig, kabilang ang confluence area nito sa San Juan River, bilang bahagi ng patuloy na rehabilitasyon at pangangalaga sa mga pangunahing daluyan ng tubig sa Metro Manila.

Sa pamamagitan ng deployment ng apat (4) na trash boats at River Warriors, tuluy-tuloy ang koleksyon ng floating debris at iba pang solid waste sa kahabaan ng ilog upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan, maayos na daloy ng tubig, at navigability sa buong Pasig River System.

Bahagi rin ng aktibidad ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa ibaโ€™t ibang national government agencies tulad ng Philippine Coast Guard (PCG), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Department of Public Works and Highways (DPWH) upang higit na mapalakas ang koordinasyon at suporta para sa tuluy-tuloy na rehabilitasyon ng mga ilog at estero sa Metro Manila.

Nananatiling nakatuon ang PRCMO sa patuloy na clean-up operations at pagpapatupad ng mga kaukulang interbensyon upang mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at navigability ng Ilog Pasig, bilang bahagi ng mas malawak na layunin ng Manila Bay Rehabilitation Program.



27/05/2026

Eidโ€™l Adha Mubarak! โœจ๐ŸŒ™

Eidโ€™l Adha Mubarak! โœจ๐ŸŒ™

Nakikiisa ang DENR National Capital Region sa pagdiriwang ng Eid al-Adha o Feast of Sacrifice, isang mahalagang okasyon na sumasalamin sa pananampalataya, sakripisyo, pagmamalasakit, at pagkakaisa.

Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang diwa ng Eidโ€™l Adha upang higit nating paigtingin ang malasakit sa kapwa, komunidad, at kalikasan. Sa sama-samang pagkilos at pag-unawa, mas mapapalakas natin ang pagkakaisa tungo sa isang mas mapayapa at mas matatag na kinabukasan para sa lahat.

Mula sa DENR-NCR, isang mapayapa at makabuluhang pagdiriwang ng Eidโ€™l Adha sa ating mga kapatid na Muslim.

Photos from Pasig River Coordinating and Management Office - PRCMO's post 22/05/2026

๐’๐š๐ง ๐…๐ซ๐š๐ง๐œ๐ข๐ฌ๐œ๐จ ๐‘๐ข๐ฏ๐ž๐ซ ๐š๐ญ ๐„๐š๐ฌ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐๐ข๐ญ๐จ, ๐’๐ข๐ง๐š๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ฌ๐š ๐’๐ฉ๐ž๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ซ-๐€๐ ๐ž๐ง๐œ๐ฒ ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง

Nagsagawa ng special inter-agency inspection ang DENR National Capital Region, sa pamamagitan ng Pasig River Coordinating and Management Office (PRCMO), kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH), mga tanggapan ng Quezon City Government, at Barangay Talayan, kaugnay ng mga establisyementong matatagpuan sa kahabaan ng San Francisco River at easement nito.

Layunin ng aktibidad na matukoy ang mga posibleng encroachment sa itinakdang three-meter legal easement alinsunod sa Presidential Decree No. 1067 o ang Water Code of the Philippines, gayundin ang pagberipika kung ang mga naturang istruktura ay may kaukulang pag-apruba mula sa DPWH at lokal na pamahalaan.

Bahagi ito ng patuloy na koordinasyon at convergence efforts ng PRCMO at mga katuwang na ahensya upang mapanatili ang kalinisan sa mga daluyan ng tubig, maprotektahan ang easement areas, at maisulong ang rehabilitasyon ng Pasig River System sa ilalim ng Manila Bay Rehabilitation Program.



Photos from Pasig River Coordinating and Management Office - PRCMO's post 21/05/2026

๐Œ๐š๐ค๐š๐ค๐š๐ฅ๐ข๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง, ๐๐ข๐ง๐š๐ ๐ญ๐ข๐›๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐ƒ๐š๐ฅ๐š๐ฐ ๐“๐ฎ๐ซ๐จ ๐ง๐  ๐ƒ๐„๐๐‘-๐๐‚๐‘ ๐š๐ญ ๐‚๐ˆ๐ˆ๐“ ๐‚๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐€๐ซ๐ญ๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐“๐ž๐œ๐ก๐ง๐จ๐ฅ๐จ๐ ๐ฒ

Nagsagawa ang DENR National Capital Region, sa pamamagitan ng Pasig River Coordinating and Management Office (PRCMO) at Conservation and Development Division (CDD), ng dalawang araw na Dalaw Turo para sa mga mag-aaral ng CIIT College of Arts and Technology bilang bahagi ng pagpapalalim ng kaalaman ng kabataan hinggil sa pangangalaga sa kalikasan, sustainability, at community-based environmental action.

Tinalakay sa unang araw ng aktibidad ang mga programang pang-rehabilitasyon ng PRCMO, kabilang ang kahalagahan at proseso ng Waste Analysis and Characterization Study (WACS), gayundin ang water quality ng Ilog Pasig, sa pangunguna nina Jade Bryan E. Salipot at Lara Mae G. Malabanan, Project Development Officers II ng PRCMO Water Quality and Waste Management Division. Samantala, nakatuon naman sa ikalawang araw ang National Greening Program (NGP), tree tagging, at mahahalagang flora sa kapaligiran, sa pangunguna ni For. Michelle Gonzales, Forest Technician II ng CDD.

Layunin ng aktibidad na higit pang maunawaan ng mga estudyante ang โ€œMakakalikasanโ€ bilang mahalagang pagpapahalaga at kung paano sila maaaring maging katuwang sa pagsusulong ng environmental, health, at sustainability initiatives sa antas ng komunidad at barangay.

Kasunod ng Dalaw Turo, nakibahagi rin ang DENR-NCR sa paglulunsad ng recycling rewards program ng CIIT sa loob ng kanilang campus, kung saan ibinahagi ni Raphael Anthony D. Torres, Public Relations Officer, ang mahahalagang adbokasiya ng ahensya at hinikayat ang mga kabataan na makiisa sa mga konkretong hakbang tungo sa mas responsable at sustenableng pangangalaga sa kalikasan.



Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Manila Bay Operations Center, National Ecology Center, East Avenue
Quezon City
1100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm