PAGBATI SA ATING MGA KATUTUBONG MAMAMAYAN SA PAGDIRIWANG NG NATIONAL INDIGENOUS PEOPLES DAY (NIPD) AT INTERNATIONAL DAY OF THE WORLD'S INDIGENOUS PEOPLES (IDWIP).
SK Chairperson Mikee Santos Batang MonSay
Official Page of Barangay Ramon Magsaysay QC SK Chairperson Mikee Santos supporters...
08/08/2025
BAGONG PAMILYA, BAGONG MISYON. Karangalan po para sa akin na mapabilang sa aking bagong pamilya na Kalinangan TV dahil ngayon ako ay naririto para sa isang bagong misyon na maging tulay ng ating mga katutubong pamayanan at modernong komunidad. Abangan niyo po ang aking magiging adventures sa aking pag-ikot sa mga indigenous cultural communities upang ibahagi ang kanilang kuwento sa ating lahat na mapapanood niyo soon sa magbabagong bihis na Kalinangan TV website and social media pages. Ikinagagalak ko pong makilala ang ating mga kinatawan ng katutubong Dumagat Remontado mula sa Region 4A. Maraming salamat po pala sa mga sumusuporta sa amin lalo na kay Councilor Doray Delarmente ng Quezon City 1st District at sa Kiwanis Clubs of QC Light Bearers and Golden Heart Jewels. Sa mga kasamahan namin sa media lalo na sa NMAP at sa mga iba't ibang artists groups na nagpakita ng suporta maraming salamat din po.
03/08/2025
CONGRATULATIONS MGA SOON-TO-BE PUBLIC SERVANTS. Masaya po ako na maging isa sa daan ng pag-abot niyo ng inyong mga pangarap ang Sangguniang Kabataan ng Ramon Magsaysay sa ilalim ng aking pamumuno. Nawa'y maging matagumpay kayo sa karerang inyong napili na maging kawani ng pamahalaan at mapakinabangan niyo ang natutunan sa ating katatapos lamang na one month Free Civil Service Review and Civil Service Reviewer program nitong nakaraang buwan ng Hulyo, dahil ang pagtupad niyo sa inyong mga pangarap ay pagtupad din sa pangarap ng inyong lingkod na mabigyan ng maayos na kinabukasang may disenteng pamumuhay at dignidad ang kabataan ng Barangay Ramon Magsaysay. Good luck po sa inyong pag-take ng civil service examinations!
23/07/2025
MARAMING SALAMAT ROTARY INTERNATIONAL. Isang malaking karangalan ang maging bahagi ng mga programang inilatag ng Rotary International District 3590 (Korea) at District 3780 (Quezon City, Philippines) bilang tagapag-ugnay ng inyong organisasyon at ng Pamahalaang Barangay ng Ramon Magsaysay. Lubos na nakalulugod na napili niyo ang aming barangay na maging host barangay para sa inyong End Polio, Anti TB, at Feeding Programs na sinamahan pa ng gift giving na ginanap noong July 12 na hindi lamang para sa mga bata ng Barangay Ramon Magsaysay kundi maging ng mga karatig barangay namin sa Vasra, Bagong Pagasa, Project 6, Sto. Cristo, Alicia at Bahay Toro. Maraming salamat kina RI District Governors Deuk You Oh ng District 3590 at Veronica Yu ng District 3780, gayundin sa mga host clubs na kinabibilangan ng RC Pearl of the Orient, RC Pag Asa, RC Banawe Chinatown, RC New Murphy, RC Midtown Diliman, RC Diliman Heights, RC Panay 18, RC Heroes Hill, RC Diliman Central, RC Quezon City at RC Diliman International. Salamat din kay Kap. Cesar Dionisio na naging bukas sa pakikipagtulungan sa programang ito, gayundin sa Quezon City Government sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, ng QCHD at ng QC-BCRD.
07/07/2025
LIBRENG CIVIL SERVICE REVIEW AND CIVIL SERVICE REVIEWER PARA SA MGA NAIS MAGTRABAHO SA GOBYERNO. Nagsimula na po ang ating FREE CIVIL SERVICE REVIEW sessions sa atin pong SK Office noong Sunday, July 6 at isasagawa na ito kada Linggo. Sa mga nais makasali sa programang ito bumisita lamang sa aming tanggapan. Kinakailangan po na kayo ay 18-30 years old at lehitimong residente ng Barangay Ramon Magsaysay, Lungsod Quezon.
02/07/2025
PAGBATI SA ATING MAHAL NA MAYOR JOY BELMONTE AT SA LAHAT NG BAGONG HALAL NA OPISYAL NG LUNGSOD QUEZON. Nitong nakaraang Lunes nga ay sinaksihan po ng inyong lingkod ang panunumpa sa tungkulin ni Mayor Joy Belmonte para sa kanyang ikatlo at huling termino bilang punong lungsod ng Lungsod Quezon. Kasabay niyang nanumpa ang iba pang bagong halal na opisyal ng lungsod. Isang karangalan na masaksihan ang makasaysayang kaganapan na ito.
27/06/2025
LIBRENG GAMIT SA ESKUWELA PARA SA MGA BATANG MONSAY
Matagumpay po nating naisagawa kahapon, Biyernes, June 27 ang SCHOOL SUPPLIES DISTRIBUTION PROJECT ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Ramon Magsaysay sa Lungsod Quezon. Maraming salamat sa buong SK Council at sa aming mahal na Kap. Cesar Dionisio sa pagsuporta sa nasabing proyekto.
20/06/2025
MONSAY COMMUNITY LIBRARY UPDATE P2. Maraming salamat po sa Kiwanis International PLD Division 3B2 sa pangunguna ni LG Mary Ann Maniclang ng KI QC Central at kay KI PLD Division 3B2 Sec. Anne Chico ng KI QC Hiraya, gayundin sa kanyang miyembro na si Dr. Jesusa Arinto para sa inyong mga donasyong aklat at mga lapis para sa ating mga batang mag-aaral na bibisita sa ating mini library na malapit nang magbukas para magbigay ng serbisyo sa lahat.
18/06/2025
MONSAY COMMUNITY LIBRARY UPDATE. Maraming salamat po sa Kapatiran ng mga Mamamahayag sa Pilipinas at sa People's Council of Quezon City (PCQC) Professional Sector, gayundin sa QC Public Library at kay Mayor Joy Belmonte sa pag-donate ng mga aklat para sa ating MonSay Community Library. Salamat din sa Rotary Club of Pearl of the Orient sa pag-sponsor para ma-transport sa ating tanggapan ang nasabing mga aklat. At higit sa lahat, salamat po sa pangunahing nagpanukala ng proyektong ito, ang Kiwanis Club of Diliman Light Bearers at Kalinangan TV para sa ating bookshelf at pahabol na mga aklat. Malapit na malapit na pong maging bukas ang ating munting community library para magserbisyo sa mga kabataan at iba pang mamamayan ng Barangay Ramon Magsaysay.
18/06/2025
OCULAR INSPECTION PARA SA END POLIO DROPS AT FEEDING PROGRAM NG ROTARY CLUB. Muling bumisita ang Rotary International District 3780 sa pangunguna nina Service Project Chairman at PP Jules Chanco ng RC Bagong Silangan, SAG Lynette ng RC Entrepeneur, President Lilibeth Camposano ng RC Pearl of the Orient, at sa People's Council of Quezon City (PCQC) Professional Sector na nag-ocular visit para tignan ang ating barangay covered courts na napili nilang pagganapan ng kanilang End Polio Drops at Feeding Program na para sa mga bata na hindi pa nabibigyan ng polio drops sa Barangay Ramon Magsaysay at mga karatig barangay nito. Sila po ay mainit naman na tinanggap ng inyong lingkod, SK Chairperson Mikee Santos at Kap. Cesar Dionisio. Maraming salamat po sa pagtitiwala Rotary International District 3780 at PCQC Professional Sector.
Belated Happy Father's Day po sa lahat ng mga Tatay!!!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Barangay Ramon Magsaysay
Quezon City
1105
