22/10/2026
Inauguration and Blessing of QCPL - Sauyo Branch | October 16, 2026 | Bistekville 15-Almanova, Barangay Sauyo
Noong October 16, 2026, pormal na pinasinayaan ang pinakabagong sangay ng Quezon City Public Library (QCPL), ang QCPL - Sauyo Branch, na matatagpuan sa Bistekville 15-Almanova, Richland Drive, Barangay Sauyo, Quezon City.
Layunin ng bagong sangay ng aklatan na magbigay ng mas malawak na access sa mga libro, kaalaman, teknolohiya, at iba pang serbisyong pang-aklatan para sa komunidad.
Kabilang sa mga dumalo sina District 6 Congresswoman Hon. Marivic Co-Pilar, District 6 Action Officer Atty. Mark Anthony Aldave, Ms. Mena N. Ocampo, kinatawan ni QC-HCDRD Head Atty. Joselito “Jojo” V. Conejero, at Barangay Sauyo Chairperson Hon. Noel F. Vitug, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay.
Taos-pusong pasasalamat kina City Librarian Ms. Mariza G. Chico at OIC-Assistant City Librarian Ms. Mary Ann Bernal sa kanilang walang sawang suporta at dedikasyon sa pagtatatag ng QCPL - Sauyo Branch.
Tara na sa aklatan! Halina't magbasa, matuto, at tumuklas ng mga bagong kaalaman. Sama-sama nating pagyamanin ang kultura ng pagbabasa at panghabambuhay na pagkatuto! ✨