11/04/2026
PAHAYAG NG PAMAHALAANG LUNGSOD QUEZON
Kaugnay ng isang ulat tungkol sa panlilinlang o modus na target ang mga senior citizen, mariing pinapaalalahanan ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang ating mga nakatatanda na mag-ingat at maging mapanuri.
Hinihikayat ang ating mga senior citizen na huwag basta-basta magbubukas ng pinto o magpapapasok ng mga hindi kilalang tao sa kanilang tahanan. Mahalaga ang kaligtasan, kaya’t makabubuting tiyakin muna ang pagkakakilanlan ng sinumang kumakatok o umiikot sa inyong komunidad.
Nililinaw rin ng lokal na pamahalaan na HINDI ito namamahagi ng birthday cake. Sa halip, ang ibinibigay ng lungsod ay BIRTHDAY PACKAGES na naglalaman ng mga pangunahing grocery items tulad ng gatas, pasta at sauce bundle, biscuit, at iba pang produktong makatutulong sa kalusugan ng ating mga lolo at lola.
Ang mga birthday package na ito ay ipinapamahagi buwan-buwan sa pamamagitan ng ating mga barangay, batay sa opisyal na listahan ng QCitizens na may senior citizen ID. Nagtatalaga ang bawat barangay ng schedule kung kailan maaaring makuha ng mga benepisyaryo o ng kanilang kinatawan ang nasabing package.
Para naman sa mga bed-ridden o may limitadong kakayahang lumabas ng tahanan, ang mga birthday package ay direktang inihahatid sa kanilang bahay.
Para sa karagdagang impormasyon, hinihikayat ang publiko na bisitahin at sundan ang opisyal na communication channels ng Pamahalaang Lungsod Quezon at ng kani-kanilang barangay, tulad ng pages at website. Kung may katanungan sa mga programa at serbisyo ng pamahalaan, maaari ring tumawag sa QC Helpline 122.
Sa ating mga minamahal na QCitizen na lolo at lola, patuloy po kayong mag-ingat. May mga indibidwal na maaaring manamantala sa inyong kalagayan. Sa mga kaanak, hinihiling namin ang inyong pakikiisa sa patuloy na pagpapaalala sa ating mga nakatatanda tungkol sa kanilang kaligtasan.

31/03/2026
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 116 mula sa Malacañang, ipatutupad ang work-from-home arrangement mula 8:00 AM hanggang 12:00 NN para sa mga kawani ng Quezon City Government bukas, April 1, 2026 (Miyerkules). Simula 12:00 NN, suspendido na ang pasok sa mga tanggapan.
Gayunpaman, tuloy ang operasyon ng mga ahensya ng gobyerno na naghahatid ng serbisyong medikal, disaster at emergency response, at iba pang vital services.
Hinihikayat ang lahat na gamitin ang QC e-Services para sa inyong online transactions:
https://qceservices.quezoncity.gov.ph/
Para sa mga katanungan o emergency concerns, tumawag sa QC Helpline 122.
Ipinapaubaya naman sa pamunuan ng mga pribadong kumpanya at opisina ang desisyon sa pagpapatupad ng work-from-home arrangement at kung sususpendihin ang kanilang operasyon.
Tumutok lamang sa official page ng Quezon City Government para sa iba pang anunsyo.
Source:
Official Gazette of the Republic of the Philippines
https://www.officialgazette.gov.ph/2026/03/31/memorandum-circular-no-116-s-2026/
31/03/2026
Mahalagang abiso mula sa Social Services Development Department (SSDD)
Alinsunod sa Republic Act (RA) No. 11982 o ang Expanded Centenarian Law, narito ang mga benepisyong matatanggap ng mga kwalipikadong Senior Citizens.
Alamin din rito ang updated guidelines para sa mga senior citizen na nag-apply noong Calendar Year (CY) 2024, batay sa memorandum na inilabas ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) Central Office.
Para sa iba pang mga concern o katanungan, maaaring dumulog sa mga sumusunod:
Office for the Senior Citizen's Affairs (OSCA):
Ground Floor Community Center Building, Gate-3 Quezon City Hall Complex, Kalayaan Avenue, Quezon City
8-703-2843 / 8-703-9518
[email protected]
https://www.facebook.com/profile.php?id=61577955280313
Social Services Development Department (SSDD):
Building E, Mayaman Street, Quezon City Hall Compound, Quezon City
8710-1350 / 8703-6803 / 8703-2940 / 8703-3576
[email protected]
29/03/2026
PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT
Mahalagang anunsyo mula sa Social Services Development Department (SSDD)
Para sa lahat ng mga senior citizen at publiko, gagamitin na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang CBMS-generated data, alinsunod sa Republic Act No. 11315 o ang “Community-Based Monitoring System (CBMS)”, upang masiguro ang pagkakakilanlan ng bawat benepisyaryo sa mga programa ng gobyerno.
Kaugnay nito, simula ngayong taon (2026) at sa mga susunod pa, ang CBMS na ang magiging basehan ng DSWD sa pagpili ng bagong mga benepisyaryo para sa programang Social Pension for Indigent Senior Citizens (SPISC).
Samantala, kasalukuyan namang itinigil ang aplikasyon para sa Social Pension Program sa Office for Senior Citizens (OSCA), upang masiguro ang pagsunod sa mga alituntunin na itinakda ng DSWD.
Para sa iba pang impormasyon at katanungan, makipag-ugnayan sa DSWD National Capital Region (NCR):
• (632) 8-93181 o 07
• Globe - 09178272543
• Smart - 09199116200
• [email protected]
Maaari ding bisitahin ang ikalawang episode ng Year 5 para sa mas komprehensibong impormasyon tungkol sa Social Pension for Indigent Senior Citizens (SPISC) at Social Welfare Assistance for Senior CItizens.
Bisitahin ang post na ito:
🔗 Usapang QC Year 5 Episode 2: Dagdag-Suporta Para Kina Lolo’t Lola!: https://www.facebook.com/share/v/187Xaws48L/
29/03/2026
𝐆𝐨𝐨𝐝 𝐧𝐞𝐰𝐬 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐬𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐜𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧𝐬! 𝐌𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐝𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐮𝐡𝐚 𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐒𝐀 𝐜𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐞𝐬!
Ang Philippine Statistics Authority (PSA) ay may mga bagong serbisyo at inobasyon sa pagkuha ng birth, marriage, at death certificates na mas mabilis, senior-friendly at walang pila!
Ngayong Biyernes, tatalakayin natin:
✔️ Mga serbisyo ng PSA para sa seniors
✔️ Late registration at karaniwang concerns
✔️ Online services at e-Certificate
✔️ Proteksyon laban sa mga scam at fixers
Pag-usapan natin yan kasama si:
𝐄𝐧𝐠𝐫. 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐳𝐳𝐚 𝐁. 𝐆𝐫𝐚𝐧𝐝𝐞
Assistant National Statistician
Civil Registration Service (CRS) ng PSA
Hosted by NCSC Chairperson & CEO Atty. Ma. Merceditas N. Gutierrez… 𝐓𝐔𝐓𝐎𝐊 na sa 𝐆𝐨𝐥𝐝𝐞𝐧 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭: 𝐏𝐮𝐬𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫𝐬 sa 📻 Radyo Magasin 1278AM! 👴👵
Huwag palampasin! Alas Dos na… Golden Heart na! 💛
Para sa mga opisyal na mensahe at anunsyo ng NCSC, makipag-ugnayan sa pamamagitan ng:
📞 (02) 8567-5646
📲 0962-2743-622
📧 [email protected]
🌐 www.ncsc.gov.ph
ⓕ
11/03/2026
PABATID SA PUBLIKO📣
Simula Abril 1, 2026, ang Philippine Identification System (PhilSys) o National ID na ang kikilalaning pangunahing ID ng DSWD sa payout ng Social Pension for Indigent Senior Citizens.
Ang mga benepisyaryong wala pang National ID ay hinihikayat na magparehistro sa pinakamalapit na tanggapan ng Philippine Statistics Authority (PSA). Magkakaroon din ng PhilSys registration tuwing payout para mapadali ang pagpaparehistro ng ating mga senior citizens.
Pupuntahan naman ng PSA ang mga bedridden na benepisyaryo para sila ay irehistro.
Para sa iba pang katanungan o reklamo, tumawag sa:
📲 GLOBE: 09171105686 at 09178272543
📲 SMART: 09199116200
o magpadala ng mensahe sa Integrated Grievance Redress Management System (IGRMS) ng DSWD sa https://i-grs.dswd.gov.ph at sagutan ang form.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Social Pension for Indigent Senior Citizens, panoorin ang video na ito: https://www.facebook.com/share/v/14YUkUzGcXk/
❤️
09/03/2026
𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢‼️
𝐍𝐂𝐒𝐂, 𝐍𝐢𝐥𝐢𝐧𝐚𝐰 𝐧𝐚 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐩𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐓𝐌 𝐂𝐚𝐫𝐝 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧𝐬
Nilinaw ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) na walang ibinibigay na ATM card sa mga senior citizens para magamit sa pagkuha ng anumang ayuda, cash gift, o pensyon.
Kasunod ito ng kumakalat na video online ng isang content creator na sinasabing aprubado na umano ang ATM card sa bawat older person sa buong bansa.
𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝘂𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝗸 𝗰𝗮𝗿𝗱 𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗖𝗦𝗖 𝗮𝘁 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗿𝗶𝗻 𝘁𝗼𝘁𝗼𝗼 𝗻𝗮 𝘀𝗶𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗹𝗼𝘁 𝗯𝗮𝗻𝗸 𝘁𝗿𝗮𝗻𝘀𝗳𝗲𝗿.
Nais linawin ng Komisyon na ang bank transfer na sinisimulang isagawa sa mga piling rehiyon ay isa lamang opsyon ng mga senior citizens para makuha ang kanilang P10K o P100K cash gift sa ilalim ng Expanded Centenarians Act (ECA).
Layon ng bank transfer system na mapabilis ang pag-claim ng mga regalo para sa mga tumuntong sa milestone ages na 80, 85, 90, 95, at 100.
Muling nagbabala ang NCSC laban sa mga kumakalat na maling impormasyon, online man o hindi, tungkol sa mga programa at benepisyo para sa mga senior citizens.
Magtungo lamang sa opisyal na social media pages ng NCSC para sa updates at direktang makipag-ugnayan sa opisina ng Komisyon kung may katanungan tungkol sa mga programa ng pamahalaan.
Para sa agarang kasagutan at tamang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng 𝐍𝐂𝐒𝐂 sa pamamagitan ng:
📞 (02) 8567-5646
📲 0962-2743-622
📧 [email protected]
🌐 www.ncsc.gov.ph