Barangay Bagong Pag-asa QC

Barangay Bagong Pag-asa QC

Share

Barangay Bagong Pag-asa Official Page

Photos from Congressman Arjo Atayde's post 04/06/2026
Photos from QC Mayor Joy Belmonte's post 04/06/2026

Congratulations, Barangay Bagong Pag-asa! ✨️

Ikinagagalak ni Mayor Joy Belmonte na maging parte ng opisyal na paglulunsad ng 1HOPE SOS Button ng nasabing barangay.

Magkakaroon ng 9 SOS button 🚨 sa paligid ng Barangay Bagong Pagasa upang mabilis na makatugon sa mga pangangailangan ng mga residente rito. Ayon kay Punong Barangay Chinggay Bilaos, "Isang Pindot Agad na Saklolo: SOS Button ng Bagong Pagasa, Game Changer sa Serbisyo."

Pagbati at maraming salamat muli sa innovation na ito na siguradong makakatulong sa mga residente rito!

04/06/2026

Inauguration of 1hope SOS Button.

Photos from Barangay Bagong Pag-asa QC's post 02/06/2026

Brigada Eskwela 2026: Bayanihan sa Paaralan | June 1, 2026

Bilang pakikiisa sa paghahanda para sa ligtas at maayos na pagbabalik-eskwela ng ating mga kabataan, dinaluhan at nakiisa ang ating masipag na Punong Barangay Chinggay Bilaos sa Brigada Eskwela: Bayanihan sa Paaralan sa Bagong Pag-asa Elementary School kahapon, June 1, 2026.

Opisyal ding lumagda si Kapitana Chinggay sa Pledge of Commitment kasabay nina Punong-Guro Shiarell Loida M. Cruz. Ang paglagdang ito ay simbolo ng patuloy at mas matibay na pagtutulungan ng ating Sangguniang Barangay at ng pamunuan ng paaralan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat sa lahat ng mga g**o, magulang, at mga boluntaryo na nakiisa sa gawaing ito. Dahil sa diwa ng bayanihan, walang imposible!




Photos from Barangay Bagong Pag-asa QC's post 02/06/2026

Flag Ceremony for the Month of June | June 1, 2026

Matagumpay at buong giting na idinaos ang ating Flag Raising Ceremony na pinangunahan ng ating masipag na Punong Barangay Chinggay Bilaos kasama ang Sangguniang Barangay.

Naging mas espesyal ang umagang ito sa pagbisita ni F/Coun. Elizabeth "Tita Beth" Delarmente, na nagbahagi ng masasarap na tinapay at popcorn na mula rin sa ating butihing Konsehala Doray Delarmente para sa mga empleyado ng Barangay Bagong Pag-asa. Ang inyong suporta at pagbisita ay tunay na nagbigay-buhay at ngiti sa aming Lunes ng umaga!

Sa kalagitnaan ng programa, binigyang-pugay at personal na kinilala ng ating Punong Barangay ang ating mabuting Brgy. Traffic Enforcer na si Christian Peralta. Ito ay dahil sa kanyang ipinamalas na katapatan sa pagsasauli ng napulot na pera sa isa nating kabarangay. Isang tunay na ehemplo at inspirasyon ang iyong katapatan, Enforcer Christian! Saludo kami sa iyo!

Patuloy tayong maglingkod nang may tapat, sipag, at dedikasyon para sa mas maunlad na Barangay Bagong Pag-asa!


Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Bagong Pag-asa
Quezon City
1105

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12pm