13/10/2026
𝗣𝗖𝗨𝗣, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘-𝗗𝗘𝗠𝗢𝗟𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗖𝗢𝗡𝗙𝗘𝗥𝗘𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗠𝗨𝗦, 𝗖𝗔𝗩𝗜𝗧𝗘 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚𝗔-𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗! 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗢𝗙 𝗜𝗠𝗨𝗦, 𝗖𝗔𝗩𝗜𝗧𝗘!
CITY OF IMUS, CAVITE — Upang tiyakin ang makatao at maayos na pagpapatupad ng proseso ng batas alinsunod sa mga probisyon ng Republic Act No. 7279 (UDHA), matagumpay na pinangunahan noong Oktubre 8, 2026 ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), sa pamamagitan ni Atty. Robert U. Bonifacio bilang Presiding Officer, ang Pre-Demolition Conference (PDC) para sa mga apektadong pamilya sa Brgy. Anabu 1-G, City of Imus, Cavite.
Naging katuwang sa diyalogo ang CSWDO Imus, CHO, DepEd Imus, PNP Imus, LHO, MTCC Branch 1 Sheriff, Barangay VAW Desk, Barangay Anabu 1-G, at mga kinatawan ng komunidad. Pangunahing binigyang-diin sa talakayan ang masinsin at tapat na proseso ng validation upang tiyaking maitala nang maayos ang tunay na kalagayan ng bawat pamilya at walang mapag-iwanang residente.
Napagkasunduan din ang pagkakaloob ng nararapat na assistance para sa mga Underprivileged at Homeless na apektadong pamilya, ang agarang tulong ng DepEd para sa paglipat ng mga mag-aaral upang hindi maantala ang kanilang pag-aaral, at iba pang tulong mula sa iba't ibang ahensya ng gobyerno, pati na rin ang iba pang usaping pang-komunidad.
Patuloy na magsisilbing tulay ang PCUP upang tiyakin na ang bawat hakbang ay nakabatay sa katarungang panlipunan, proteksyon sa pamilya, at makataong proseso para sa ating maralitang taga-lungsod!