DENR National Capital Region

Call Directions Website Contact the organization

DENR National Capital Region Makisali, makibahagi’t makiisa in Nurturing Cities for a Sustainable Future here in the National Capital Region/Metro Manila 🌱

DENR-NCR Nagsagawa ng Pasig River Dalaw Turo para sa Higit 200 Mag-aaral ng DLS-CSB Nagsagawa ang DENR National Capital ...
05/10/2026

DENR-NCR Nagsagawa ng Pasig River Dalaw Turo para sa Higit 200 Mag-aaral ng DLS-CSB

Nagsagawa ang DENR National Capital Region, sa pamamagitan ng Pasig River Coordinating and Management Office (PRCMO), ng Pasig River Dalaw Turo para sa higit 200 mag-aaral ng De La Salle-College of Saint Benilde (DLS-CSB) noong Setyembre 30, 2026 sa DLS-CSB Taft Campus sa Maynila.

Isinagawa ang learning event na may temang ā€œAgos: A Journey through the Pasig River – Exploring Our Shared Responsibility for Creationā€ sa ilalim ng National Service Training Program, sa pangunguna ng Center for Student Life – Academic Extension Program ng DLS-CSB. Nilahukan ang aktibidad ng mga mag-aaral mula sa senior high school at kolehiyo at layunin nitong mapalalim ang kanilang pag-unawa sa kasaysayan at kahalagahan ng Ilog Pasig, gayundin sa mga hakbang ng pamahalaan at mga katuwang nito para sa rehabilitasyon at pangangalaga nito.

Tinalakay ni Mr. Raphael Anthony D. Torres, Public Relations Officer, ang kasaysayan ng Ilog Pasig at overview ng Pasig River Rehabilitation Program sa paglipas ng panahon. Ibinahagi rin ang mga hakbang ng pamahalaan at iba't ibang stakeholders upang mapabuti ang kalagayan ng ilog at mapanatili ang mahalagang papel nito sa mga komunidad.

Samantala, tinalakay ni Mr. William C. Gutoman, Environmental Management Specialist II, ang mga pangunahing programa, aktibidad, at proyekto sa ilalim ng Environmental Enforcement Program ng PRCMO, kabilang ang mga hakbang sa pagpapatupad ng mga batas at regulasyong pangkalikasan at pakikipagtulungan sa iba't ibang stakeholders para sa pangangalaga ng Pasig River System (PRS).

Tinalakay naman ni Mr. John Von C. dela Cruz, Engineer IV, ang mga programa, aktibidad, at proyekto sa ilalim ng Water Quality and Waste Management Program, kabilang ang mga hakbang para sa pagpapanatili at pagpapabuti ng kalidad ng tubig at responsableng pamamahala ng solid at liquid waste bilang bahagi ng rehabilitasyon ng mga katubigan sa PRS.

Tampok din sa aktibidad ang isang Pasig River exhibit na naglahad ng mga kasalukuyang inisyatiba ng PRCMO. Nagsilbi itong karagdagang learning material para sa mga mag-aaral upang higit nilang maunawaan ang ugnayan ng kalagayan ng ilog, kapaligiran, at mga komunidad na nakapaligid dito.

Sa kanilang mga mensahe, binigyang-diin nina Mr. Levi V. Albania, Dean ng Center for Student Life, at Ms. Shiela Sabalburo, OIC-Chairperson ng School of Diplomacy and Governance ng DLS-CSB, ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng kabataan sa mga gawaing nagtataguyod ng environmental awareness, responsible citizenship, at pangangalaga sa ating common home, bilang bahagi ng paggunita sa Season of Creation.

Bilang culminating environmental education activity ng DLS-CSB para sa Season of Creation, nagsilbing pagkakataon ang Dalaw Turo upang maiugnay ang mga prinsipyo ng Laudato Si’ sa mga konkretong hakbang para sa pangangalaga ng kalikasan at higit na maunawaan ng kabataan ang kanilang papel bilang katuwang sa pangangalaga at rehabilitasyon ng Ilog Pasig.

Sa pamamagitan ng environmental education at stakeholder engagement, patuloy na isinusulong ng DENR-NCR ang mas malawak na pakikilahok ng kabataan at iba pang sektor sa pangangalaga ng Ilog Pasig at iba pang mga daluyan ng tubig sa Metro Manila.

šŸ“ššŸŒæ WORLD TEACHERS’ DAY | OKTUBRE 5, 2026Ang mga g**o ay hindi lamang nagtuturo ng kaalaman, humuhubog din sila ng mga pa...
05/10/2026

šŸ“ššŸŒæ WORLD TEACHERS’ DAY | OKTUBRE 5, 2026

Ang mga g**o ay hindi lamang nagtuturo ng kaalaman, humuhubog din sila ng mga pagpapahalaga, pananaw, at pagkilos na makatutulong sa pagbuo ng mas magandang kinabukasan.

Sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day, kinikilala ng DENR National Capital Region ang mahalagang papel ng mga g**o sa paghuhubog ng mga kabataang may malasakit at pananagutan sa kalikasan. Sa pamamagitan ng edukasyong pangkalikasan, naipauunawa nila ang kahalagahan ng pangangalaga sa likas-yaman, pagprotekta sa biodiversity, wastong pamamahala ng basura, at pagpapanatili ng malinis at ligtas na kapaligiran.

Sa bawat aral tungkol sa kalikasan, may binhing naitatanim para sa kinabukasan. Ang mga kaalamang ibinabahagi ng mga g**o ngayon ay maaaring maging pundasyon ng mga makabuluhang pagkilos para sa isang mas luntian at napapanatiling bukas.

Sa lahat ng g**ong patuloy na nagbibigay-inspirasyon at nagtuturo ng pagmamahal sa kalikasan, maraming salamat sa inyong dedikasyon at walang sawang paglilingkod!

Edukasyon para sa Kalikasan. Aksyon para sa Kinabukasan. šŸŒæšŸ“š

As the Department of Environment and Natural Resources (DENR) heightens measures to prepare communities for the impacts ...
04/10/2026

As the Department of Environment and Natural Resources (DENR) heightens measures to prepare communities for the impacts of El NiƱo, DENR-NCR continues to support and promote local initiatives that advance water conservation, environmental protection, and community preparedness across Metro Manila.

Through collective action, from conserving water and protecting our urban waterways to strengthening public awareness and encouraging responsible resource use, every community can help reduce the impacts of water scarcity and build resilience against climate-related challenges.

Let us do our part and make every drop count. šŸ’§

Wag Pataksaya. Save water. Protect our environment. Prepare our communities.

The Department of Environment and Natural Resouces’ Spring Development Project harnesses natural springs as water sources and builds infrastructure to bring safe and clean water to nearby

DENR MEO-SOUTH, KATUWANG ANG MGA AHENSYA AT BARANGAY SA PAGPAPALAKAS NG WASTE SEGREGATION AT COLLECTION SA TAGUIGNagkais...
03/10/2026

DENR MEO-SOUTH, KATUWANG ANG MGA AHENSYA AT BARANGAY SA PAGPAPALAKAS NG WASTE SEGREGATION AT COLLECTION SA TAGUIG

Nagkaisa ang DENR Metropolitan Environmental Office (MEO)-South, Metropolitan Manila Development Authority–Solid Waste Management Office (MMDA-SWMO), City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Taguig, LEONEL Solid Waste Corp., at mga barangay upang talakayin ang mga hakbang para sa mas maayos na waste segregation, collection, monitoring, at enforcement sa mga komunidad ng lungsod.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga hamon sa wastong paghihiwalay ng basura sa antas ng kabahayan, kabilang ang mga naiulat na insidente ng paghahalo ng basura bago o habang isinasagawa ang koleksyon. Binigyang-diin ang kahalagahan ng pagsunod sa mga probisyon ng Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000, gayundin ang pagpapatupad ng mga kaukulang lokal na ordinansa.

Binigyang-diin din ang patuloy na koordinasyon ng MMDA-SWMO at CENRO Taguig para sa monitoring ng waste collection at compliance sa mga itinakdang sistema at regulasyon. Mahalaga rin ang aktibong pakikilahok ng mga barangay sa pagpapatupad ng segregation at paghikayat sa mga kabahayan na sumunod sa tamang waste management practices.

Samantala, ibinahagi ng Barangay Ususan ang kanilang mga hakbang sa solid waste management, kabilang ang kanilang model ordinance, enforcement system, Communication, Education, and Public Awareness (CEPA) activities, at mga kaukulang penalty para sa mga lumalabag sa mga alituntunin sa wastong pamamahala ng basura.

Dumalo sa pagpupulong ang mga kinatawan ng Barangay Napindan, Ususan, Sta. Ana, Tuktukan, Ibayo Tipas, Wawa, Bambang, Palingon Tipas, Ligid Tipas, at Calzada Tipas, kasama ang DENR MEO-South, MMDA-SWMO, CENRO Taguig City, at LEONEL Solid Waste Corp.

Sa pamamagitan ng patuloy na inter-agency at barangay coordination, isinusulong ng mga katuwang na tanggapan ang mas organisadong segregation at collection system, mas maayos na monitoring at enforcement, at mas aktibong community participation para sa responsableng solid waste management sa Taguig City.

02/10/2026

ā€œNAKAKAPAGOD PO… NAPAPAGOD PO AKO ARAW-ARAW.ā€

Sa likod ng bawat malinis na estero, may mga Estero Ranger na araw-araw humaharap sa init, ulan, putik, at basura para makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating mga waterways.

Hindi madali ang kanilang trabaho. Pero araw-araw, patuloy silang kumikilos para sa mas malinis na daluyan ng tubig at mas maayos na komunidad.

Panoorin ang kuwento ng isang Estero Ranger. šŸŽ„

PROJECT BESS: BASURA, NAGIGING SCHOOL SUPPLIES SA PINAGBUHATAN ELEMENTARY SCHOOLPaano kung ang isang bote, karton, o pap...
02/10/2026

PROJECT BESS: BASURA, NAGIGING SCHOOL SUPPLIES SA PINAGBUHATAN ELEMENTARY SCHOOL

Paano kung ang isang bote, karton, o papel na akala natin ay basura ay maaari palang maging school supplies?

Sa Pinagbuhatan Elementary School, Pasig City, binibigyan ng panibagong halaga ang mga recyclable materials sa pamamagitan ng Project BESS (Basura Equals School Supplies), isang inisyatiba na nag-uugnay sa waste recovery at suporta sa edukasyon.

Sinimulan noong 2020 ng School Parents Teachers Association (SPTA), limang taon nang isinusulong ng Project BESS ang paghihiwalay at pagbawi ng recyclable materials mula sa komunidad ng paaralan. Sa ilalim ng programa, maaaring dalhin ng mga mag-aaral ang kanilang mga recyclable materials at ipalit ang mga ito sa school supplies batay sa itinakdang points system.

Ang mga nakokolektang recyclable materials ay ipinagbibili, at ang nalilikom mula rito ay ginagamit upang makabili ng karagdagang school supplies para sa mga mag-aaral. Nakakatanggap din ang programa ng suporta mula sa mga pribadong organisasyon na nagbibigay ng karagdagang school supplies upang mapalawak ang benepisyong natatanggap ng mga kabataan.
Higit pa sa simpleng sistema ng pagpapalit, itinataguyod ng Project BESS ang mga prinsipyo ng waste reduction, segregation, recycling, at resource recovery na kaakibat ng layunin ng Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Ayon kay SPTA President Monique AvendaƱo, nais nilang higit pang palakasin ang programa at mahikayat ang mga mag-aaral na huwag basta itapon ang mga materyales na maaari pang mapakinabangan.

Sa ganitong paraan, nagiging bahagi ng pang-araw-araw na karanasan ng mga mag-aaral ang wastong pamamahala ng basura. Ang isang recyclable material na maaaring mapunta sa disposal facility ay maaari palang magkaroon ng panibagong gamit, at maging bahagi ng suporta sa pag-aaral ng isang bata.

Sa Project BESS, ang basura ay hindi basta tinatapon. Binibigyan ito ng halaga, para sa kalikasan, para sa komunidad, at para sa edukasyon.

DENR-NCR, ISINULONG ANG ECOSYSTEM-BASED LEARNING SA BIAK-NA-BATO NATIONAL PARKHindi lamang sa wetlands at coastal areas ...
02/10/2026

DENR-NCR, ISINULONG ANG ECOSYSTEM-BASED LEARNING SA BIAK-NA-BATO NATIONAL PARK

Hindi lamang sa wetlands at coastal areas makikita ang mahahalagang aral sa pangangalaga ng kalikasan. Mahalaga rin ang pagkatuto mula sa mga protected area na nagsisilbing tahanan ng biodiversity at likas na yaman.

Bilang bahagi ng dalawang-araw na experiential learning at benchmarking activity sa wetland park management at coastal ecosystem rehabilitation, nagsagawa ang DENR National Capital Region, sa pamamagitan ng Manila Bay Site Coordinating/Management Office (MBSCMO), ng field immersion sa Biak-na-Bato National Park.

Nagsilbing pagkakataon ang aktibidad upang mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok sa protected area management, conservation policies, biodiversity protection, at community participation sa pangangalaga ng likas na yaman. Sa pamamagitan ng aktuwal na pagbisita at pagtalakay, nasuri rin ang mga pamamaraang maaaring maging reference sa pagpaplano at pamamahala ng iba pang ecosystem-based initiatives.

Matapos ang field immersion, isinagawa ang isang talakayan upang pagsama-samahin ang mga natutunang aral mula sa iba't ibang learning sites, tukuyin ang mga pamamaraang maaaring iangkop, at balangkasin ang mga rekomendasyon para sa proposed Baseco Lagoon Urban Wetland Park sa Maynila.

Ang mga learning activity na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng DENR-NCR na palakasin ang sustainable, community-oriented, at ecosystem-based approaches sa pangangalaga at rehabilitasyon ng kapaligiran.

Mula wetlands hanggang protected areas, bawat lugar ay may kuwentong maaaring pagkuhanan ng aral, at bawat aral ay maaaring maging bahagi ng mas maayos na pangangalaga sa kalikasan at komunidad.

4,500 SAKO NG BASURA, NAKOLEKTA NG ESTERO RANGERS SA MANILA BAYWALK DOLOMITE BEACHMahigit 170 Estero Rangers ng DENR Met...
02/10/2026

4,500 SAKO NG BASURA, NAKOLEKTA NG ESTERO RANGERS SA MANILA BAYWALK DOLOMITE BEACH

Mahigit 170 Estero Rangers ng DENR Metropolitan Environmental Office (MEO)-West ang nagsagawa ng dalawang araw na Augmentation Cleanup sa Manila Bay Dolomite Beach, Roxas Boulevard, Ermita, Manila.

Layunin ng aktibidad na alisin ang mga basurang inanod at naipon sa baybayin upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng lugar para sa mga residente at mga bumibisita.

Sa isinagawang cleanup, nakalikom ang mga Estero Rangers ng humigit-kumulang 4,500 sako ng basura, na tinatayang may kabuuang bigat na 135 tonelada. Kabilang sa mga nakolekta ang plastic bottles, plastic sachets, styrofoam, kahoy at iba pang debris, gayundin ang water hyacinth.

Ang malaking dami ng basurang nakolekta ay nagpapakita ng patuloy na pangangailangan para sa regular na monitoring at cleanup sa mga baybayin at daluyan ng tubig. Gayunman, hindi lamang paglilinis ang kailangan upang mapanatili ang kalinisan ng Manila Bay. Mahalaga rin ang wastong pagtatapon at segregasyon ng basura upang mabawasan ang pagpasok ng basura sa mga kanal, creek, ilog, at iba pang waterways na maaaring magdala nito patungo sa Manila Bay.

Sa kabila ng dami ng basurang kinailangang alisin, ipinakita ng mga Estero Rangers ang kanilang sama-samang pagkilos sa pagpapanatili ng kalinisan sa baybayin. Kasabay nito, nananatiling mahalaga ang pakikilahok ng bawat isa upang mabawasan ang basurang napupunta sa ating mga daluyan ng tubig.

Ang cleanup ay bahagi ng solusyon. Ang pagpigil sa basura bago pa ito makarating sa waterways ang susunod na mahalagang hakbang.

DENR MEO-SOUTH, PINALAKAS ANG KOORDINASYON SA TREE HAZARD MANAGEMENTPinangunahan ni OIC Director Florencio G. Diwa Jr. n...
01/10/2026

DENR MEO-SOUTH, PINALAKAS ANG KOORDINASYON SA TREE HAZARD MANAGEMENT

Pinangunahan ni OIC Director Florencio G. Diwa Jr. ng DENR Metropolitan Environmental Office-South ang isang pulong hinggil sa Tree Hazard Identification, Assessment and Management Protocol, kasama ang mga kinatawan ng CENRO Las PiƱas, CENRO ParaƱaque, at mga City Disaster Risk Reduction and Management Office ng dalawang lungsod.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga pangunahing pamamaraan sa tree hazard identification at assessment, kabilang ang pagtukoy sa mga senyales ng panganib, kondisyon at lokasyon ng puno, at iba pang salik na maaaring makaapekto sa kaligtasan ng publiko, imprastraktura, at komunidad. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng maayos na dokumentasyon, field assessment, at koordinasyon bago magsagawa ng nararapat na aksyon sa mga punong nangangailangan ng kaukulang pagsusuri at pamamahala.

Bahagi ang pagpupulong ng maagap na paghahanda ng mga concerned offices sa pagtukoy at pagsusuri sa mga punong maaaring magdulot ng panganib, lalo na sa panahon ng bagyo, malalakas na pag-ulan, at iba pang kalamidad. Sa pamamagitan ng sistematikong assessment, mas maagang matutukoy ang mga kinakailangang hakbang upang mabawasan ang posibleng panganib sa mga residente at ari-arian.

Mahalaga rin ang koordinasyon ng CENROs at CDRRMOs sa pagtugon sa mga insidente at concerns na may kaugnayan sa mga puno. Sa pamamagitan ng malinaw na koordinasyon at pagtutulungan, mas maayos na mapaplano ang mga kinakailangang intervention habang isinasaalang-alang ang kaligtasan ng publiko, pangangalaga sa puno, at wastong tree management.

Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, isinusulong ng DENR MEO-South ang mas organisado at koordinadong pamamaraan sa pagtukoy, pagsusuri, at pamamahala ng tree hazards bilang bahagi ng disaster preparedness at responsible urban tree management.

Address

National Ecology Center, East Avenue, Diliman
Quezon City
1101

Opening Hours

Monday 7am - 7pm
Tuesday 7am - 7pm
Wednesday 7am - 7pm
Thursday 7am - 7pm

Telephone

+63288761484

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DENR National Capital Region posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DENR National Capital Region:

Shortcuts

Share