05/06/2026
๐๐๐ง๐ญ๐๐ฒ ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐๐ง: ๐๐๐ ๐๐ญ ๐๐จ๐ฎ๐ฌ๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ๐ญ๐๐ ๐จ๐ง ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ง ๐๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ฌ, ๐ง๐๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ง๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ฎ๐ค๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ซ๐๐ฏ๐๐ง๐ญ๐ข๐ฏ๐ ๐๐๐๐ก๐๐ง๐ข๐ฌ๐ฆ
Paano natin masisiguro na ang mga lugar ng detensyon ay ligtas, makatao, at may pananagutan?
Ito ang naging sentro ng โKongreso Para sa Preso,โ isang legislative dialogue na pinangunahan ng Commission on Human Rights (CHR) at House of Representatives - Committee on Human Rights, katuwang ang Embassy of the Kingdom of the Netherlands, noong 1 Hunyo 2026 sa House of Representatives sa Quezon City. Bahagi ito ng serye ng mga aktibidad sa ilalim ng Bantay Bilangguan, ang adbokasiya ng CHR para sa pagtatatag ng isang National Preventive Mechanism (NPM).
Sa talakayan, binigyang-diin ng mga kinatawan ng CHR na ang pagpapatibay ng batas para sa isang independent NPM ay mahalaga upang matugunan ang mga umiiral na legal at institusyonal na kakulangan, mapalakas ang mekanismo ng pangangasiwa sa mga lugar ng detensyon, at maisulong ang isang detention oversight na mas makatao at may pananagutan.
Ipinaalala ni CHR Chairperson Richard P. Palpal-latoc na bahagi ng obligasyon ng Pilipinas ang pagtatatag ng NPM matapos itong lumagda sa Optional Protocol to the Convention Against Torture (OPCAT) noong 2012. Samantala, binigyang-diin ni Commissioner Faydah M. Dumarpa na ang NPM ay magsisilbing isang independent at non-adversarial na mekanismo na nakatuon sa pag-iwas sa torture at iba pang anyo ng pagmamalupit sa mga taong nasa kustodiya ng gobyerno. Kasama rin sa delegasyon ng Komisyon si Executive Director Atty. Jacqueline Ann de Guia.
Ipinahayag naman ni Hon. Antonino B. Roman III, Vice Chairperson ng Committee on Human Rights, na ang pagpapatibay ng NPM Law ay isang mahalagang hakbang upang higit pang mapalakas ang proteksyon ng karapatang pantao sa bansa. Dumalo rin sina Rep. Sarah Jane I. Elago, Rep. Renee Louise M. Co, Rep. Jonathan Keith T. Flores, Rep. Ricardo S. Cruz Jr., at Rep. Kenneth T. Gatchalian upang magpahayag ng kanilang suporta at pananaw hinggil sa panukalang hakbang.
Sa kasalukuyang ika-20 Kongreso, naghain sina Rep. Bienvenido M. Abante Jr. (HB No. 3047) at sina Rep. Rufus B. Rodriguez at Rep. Maximo B. Rodriguez Jr. (HB Nos. 6662 at 6666) ng mga panukalang batas para sa pagtatatag ng National Preventive Mechanism.
05/06/2026
๐๐๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค, ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค. ๐ฝ๐๐ฌ๐๐ฉ ๐ฅ๐ง๐ค๐๐ช๐ ๐ฉ๐ค, ๐๐ช๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐ ๐จ๐๐ฅ๐๐, ๐ฉ๐๐ฎ๐๐๐, ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ง๐๐ฅ!๐ต๐ญ
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng mga Migranteng Pilipino 2026, inaanyayahan ng Komisyon sa mga Karapatang Pantao ang lahat na bisitahin at tangkilikin ang mga โBuy Lokal! Buy OFWโ products ngayong ika-8 ng Hunyo 2026 sa Liwasang Diokno, CHR Complex, Commonwealth Avenue, Quezon City.
Tampok dito ang iba't ibang produkto mula sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs), kabilang ang mga negosyong itinaguyod ng mga OFW, balik-manggagawa, at kanilang mga pamilya. Higit pa sa mga produktong mabibili, bawat tindahan ay sumasalamin sa mga kuwento ng sakripisyo, sipag, at pag-asang bumuo ng mas maayos na kinabukasan para sa kanilang mga mahal sa buhay.
โจ Suportahan ang lokal na negosyo.
โจ Kilalanin ang mga kuwento ng sipag at tagumpay.
โจ Tuklasin ang mga oportunidad sa kabuhayan at pagnenegosyo.
Sama-sama nating ipagdiwang ang mahalagang ambag ng ating mga migranteng Pilipino sa ilalim ng temang: "Saan Man sa Mundo, Saludo Kabayan: Proteksyon at Pagkalinga sa Dangal ng Bawat Migranteng Pilipino."
Narito ang unang tala ng mga lalahok na MSMEs:
โจ CLEODE
๐ Yan-Yans
๐ Norv's Cakes and Pastries
๐ธ Chie by C Fragrance
๐จ Mommy B Creation
๐ Richoel & Sister Fashion
๐ AHAVA
๐ฝ Sauce on Food House
โ๏ธAHAVAH Coffee & Bites
๐งAlkaflash Water Trading
๐Samahan ng mga Kababaihang Pangkabuhayan (San-Kapa)
๐ณPrime Kitchen
๐
๐ปHome Beauties
๐ผPublic Employment Service Office - Migrants Resource Center
๐ณQuezon City Comprehensive Assistance, Reintegration, and Empowerment Savings
๐ผQuezon City Public Employment Service Office
๐Smart Child e-Habilin
๐ฅOFW Sigap Group Barangay Paltok
๐ฅค Daisy Fruit Juices
๐ญ Lenie's Vigan Longganisa
05/06/2026
Commissioner Judge Maria Amifaith S. Fider-Reyes (Ret.) was warmly welcomed by Judge Ma. Rowena Pangalangan-Socrates at her office in the Municipal Trial Court in Puerto Princesa City, Palawan on 20 May 2026.
The meeting served as an opportunity to discuss future collaborations in the courts in relation to advancing human rights advocacy central to the mandate of the Commission on Human Rights (CHR).
The CHR remains committed to fostering strategic partnerships that protect individual rights.
05/06/2026
๐๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ฅ๐ข๐ ๐ข๐ซ๐๐ง, ๐๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ค๐ข๐ง๐๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ๐๐ง.
Sa paggunita ng Philippine Environment Month 2026, nakikiisa ang Commission on Human Rights sa pagsusulong ng temang โOur Environment, Our Future,โ isang paalala na ang kalikasan ay hindi lamang likas na yaman kundi pundasyon ng ating buhay, kabuhayan, at kinabukasan.
Kasabay ng pagdiriwang ng World Environment Day ngayong 5 June, binibigyang-diin natin na ang pangangalaga sa kapaligiran ay mahalagang bahagi ng pagtataguyod ng karapatang pantao. Ang lumalalang epekto ng climate change, pagkasira ng kalikasan, at pagkawala ng biodiversity ay may direktang epekto sa ating mga karapatan sa buhay, kalusugan, pagkain, tubig, at ligtas na pamayanan.
Ang tema ngayong taon ay paanyaya sa bawat isa na maging katuwang sa pangangalaga ng kalikasan at pagsusulong ng mga solusyong makakalikasan para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.
05/06/2026
Commissioner Judge Maria Amifaith S. Fider-Reyes (Ret.) met with members of the Tagbanua Central Indigenous Cultural Community at the Citystate Asturias in Puerto Princesa City, Palawan on 22 May 2026.
The meeting served as a consultation regarding the rights and welfare of the Indigenous Cultural Community, particularly on matters concerning the protection and promotion of their rights, cultural heritage, and access to justice.
Representing the Tagbanua Central Indigenous Cultural Community were Mr. Ariel Laude Gulanday, Ms. Teresa Zambrano, Mr. Nobito Buyon, and Mr. Ryan Opras Banua.
Also present from the Commission on Human Rights Regional Office IV-B was Atty. Vanessa A. Bautista.
05/06/2026
LOOK: Commissioner Judge Maria Amifaith S. Fider-Reyes (Ret.) was warmly welcomed by Governor Amy Roa Alvarez during an official visit to the Provincial Government of Palawan on 21 May 2026.
During the meeting, Governor Alvarez and Commissioner Fider-Reyes discussed monitoring initiatives in the focal areas of the Rights of Persons with Disabilities, the Right to Health, Mental Health, Persons Living with HIV, Persons Living with Diseases, and the Right to Food Security.
Discussions also covered the Province of Palawan's programs for the youth, the welfare and protection of persons with disabilities, and the promotion of health-related rights and services.
The officials further discussed potential areas for future collaboration, focusing on sustainable development strategies and improved governance mechanisms aimed at better serving the people of Palawan.
Present also from the Provincial Government of Palawan was Atty. Queen Harra Sheigila Pantanosas-Oraiz, Spokesperson of the Office of the Governor.
Likewise present from the Commission on Human Rights Regional IV-B were Atty. Vanessa A. Bautista, Officer-in-Charge of the CHR Palawan Provincial Office, and Mr. James D. Bulagis Jr., Special Investigator II.
04/06/2026
[READ] Statement of CHR Focal Commissioner for Migrant Workers, Justice Monina Arevalo-Zenarosa (Ret.) during the flag raising ceremony in the Commission on Human Rights:
04/06/2026
Ang ating panawagan: isang ligtas na lipunan para sa bawat bata!
Sa paggunita ng International Day of Innocent Children Victims of Aggression ngayong 4 Hunyo 2026, nakikiisa ang Commission on Human Rights sa pangmalawakang panawagan na wakasan ang iba't ibang anyo ng pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa gitna ng armadong hidwaan. Kabilang dito ang paggamit sa kanila bilang child soldiers, pati na ang pagdanas ng karahasan, pagdukot, at iba pang paglabag sa kanilang mga karapatan.
Sama-sama nating paigtingin ang proteksyon upang mailigtas ang bawat batang nalalagay sa ganitong mga sitwasyon. Karapatan nilang mabuhay nang may ligtas at payapang mga komunidad.
03/06/2026
Sa bawat kuwento ng tapang, pagtanggap, at pagiging totoo sa sarili, mas lalo nating nakikita ang kahalagahan ng isang lipunang may paggalang sa dignidad ng bawat isa.
Ngayong Pride Month, nakikiisa si CHR Focal Commissioner on Gender Rights, Commissioner Faydah M. Dumarpa, kasama ang buong Komisyon, sa LGBTQIA+ community sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa karapatang pantao.
Happy Pride! ๐ณ๏ธโ๐