11/01/2026
ANG HUKOM SA PAGKAIN NG BALOT
Ang balot ay isang pagkaing kilala sa Pilipinas na naglalaman ng sisiw na nabuo na sa loob ng itlog at nilalaga habang ito ay buhay pa. Sa pananaw ng Islam, ang pagkain ng balot ay Haram (ipinagbabawal) sapagkat ang sisiw sa loob nito ay namamatay nang hindi dumaan sa wastong paraan ng pagkatay ayon sa Shari‘ah (Islamic Law). Dahil dito, ito ay kabilang sa maytah, o hayop na namatay nang hindi kinatay sa tamang pamamaraan. Bukod dito, ang dugo nito ay hindi nailalabas, kaya’t ito ay nahuhulog din sa kategorya ng dam masfūḥ (dumadaloy na dugo) na ipinagbabawal kainin. Kapag ang sisiw ay umabot na sa yugto na may buhay (karaniwang 17–21 araw), at ito ay namatay sa paglalaga, malinaw na ito ay patay na hayop na hindi inialay sa pangalan ni Allah. Samakatuwid, ang pagkain ng balot ay ipinagbabawal sa Islam at nararapat iwasan ng mga Muslim bilang pagsunod sa batas ni Allah Subḥānahu wa Ta‘ālā at sa pagpapanatili ng kalinisan ng pananampalataya at katawan.
Sinabi ni Allah SWT:
حُرِّمَتْ عَلَيْكُمُ الْمَيْتَةُ وَالدَّمُ وَلَحْمُ الْخِنزِيرِ
“Ipinagbawal sa inyo ang patay na hayop (na hindi kinatay sa tamang paraan), ang dugo, at ang laman ng baboy.” [Surah Al-MA'idah: 3]
Sa Ayah na ito ipinagbabawal ang tatlong uri ng pagkain: ang patay na hayop (maytah) na hindi kinatay sa paraang itinuro ng Islam, ang dugo, at ang laman ng baboy.
Ang patay na hayop at dugo ay ipinagbawal sapagkat ito ay marumi (najis) at maaaring magdulot ng sakit at kapinsalaan sa katawan. Samantala, ang baboy ay ipinagbawal dahil ito ay likas na maruming hayop, kumakain ng marurumi, at may mga kapinsalaan sa kalusugan. Higit sa lahat, ito ay tahasang ipinagbawal ni Allah, kaya ang pag-iwas dito ay isang pagsunod at pagsamba sa Kanya, na nagpapakita ng taqwa at pananampalataya.
Imam Ibn Qudāmah رحمه الله – Al-Mughnī:
“Ang hayop na namatay hindi dahil sa pagkakatay, tulad ng pagkamatay sa sakit o aksidente, ay Haram kainin sapagkat hindi ito inialay sa pangalan ni Allah at hindi nailabas ang dugo.”
Sinabi ni Shiekh, Ibn ‘Uthaymīn رحمه الله:
“Ang anumang hayop na hindi kinatay ayon sa Islam, manok man o kambing kapag ito ay namatay nang hindi sa tamang paraan, ito ay maytah at Haram kainin.”
Sinabi ni Imam An-Nawawī رحمه الله:
“Nagkaisa ang mga ‘ulamā’ na ang maytah ay Haram kainin, at kabilang dito ang anumang hayop na namatay nang hindi kinatay ayon sa Shari‘ah.” (Sharḥ Ṣaḥīḥ Muslim)
Ipinapakita nito ang ijmā‘ (pagkakaisa ng mga iskolar) na ang hayop na namatay nang hindi kinatay gaya ng sisiw sa balot ay hindi maaaring kainin.
Sinabi ni Imam ash-Shāfi‘ī رحمه الله:
“Ang anumang hayop na may buhay at namatay nang hindi sa pamamagitan ng pagkatay, ito ay maytah at ipinagbabawal.”
(Al-Umm)
- Kapag ang hayop ay buhay na at namatay sa paglalaga o init ng tubig, malinaw na ito ay maytah.
Sinabi ni Imam Abū Ḥanīfah رحمه الله:
“Ang hayop na namatay nang hindi nailalabas ang dugo ay Haram kainin.”
- Ang dugo ng sisiw sa balot ay hindi nailalabas, kaya ito ay kabilang sa ipinagbabawal.
Sinabi ni Imam Mālik رحمه الله:
“Ang hayop na namatay sa pamamagitan ng pagkakalunod, pagkakakulong, o init nang hindi kinatay ay maytah.” (Al-Muwaṭṭa’ – kahulugan mula sa madhhab)
- Ang pagkamatay ng sisiw sa balot dahil sa init ng tubig ay saklaw ng pahayag na ito.
Sinabi ni Shiekh Al-Islām Ibn Taymiyyah رحمه الله:
“Ang batayan sa karne ay pagbabawal, maliban na lamang kung mapatunayan na ito ay kinatay ayon sa batas ng Allah.” (Majmū‘ al-Fatāwā)
- Kung walang wastong pagkatay, nananatili ang hatol na Haram.
Sinabi ni Shiekh Ṣāliḥ al-Fawzān حفظه الله:
“Ang hayop na niluto o pinatay bago pa man katayin ay maytah at hindi pinahihintulutan kainin.”
- Ito ay malinaw na sumasaklaw sa paraan ng pagluluto ng balot.
Sinabi ni Shiekh ‘Abdul ‘Azīz ibn Bāz رحمه الله:
“Kapag ang hayop ay may buhay at ito ay namatay nang hindi kinatay sa Shari‘ah (Islamic Law), ito ay Haram kahit pa ito ay mula sa mga hayop na halal.”
- Kahit manok pa ang sisiw, nagiging Haram ito dahil sa maling paraan ng pagkamatay.
Akh. Salim Zailon ✍
07/01/2026
ANG MAG-ASAWANG MATUWID, MAG-ASAWA SA MUNDO, MAG-ASAWA SA KABILANG-BUHAY (PARAISO)
Ang tunay na pagmamahal sa asawa ay hindi nagtatapos sa matatamis na salita, kundi higit na naipapakita sa araw-araw na gawaing may takot at pagsunod kay Allah SWT at sa Kanyang Sugo (SAWS). Ito ay ang pagiging tapat, maunawain, at mapagpasensya sa oras ng pagsubok, ang pagpili ng kabutihan kahit may pagod at pagkukulang,at ang pagsasakripisyo ng sarili upang mapanatili ang kapayapaan at awa sa loob ng tahanan. Kapag ang mag-asawa ay kapwa mananampalataya, sila ay nagtutulungan sa paggawa ng mga ‘ibādah para kay Allah SWT, sa pagdarasal, sa pagsunod sa Kanyang mga utos, at sa pag-iwas sa Kanyang mga ipinagbawal, at sila rin ay magkatuwang sa pagharap sa hirap at ginhawa ng buhay. Sa ganitong pagsasamang may īmān at pagtutulungan, ang kanilang pagsasama ay nagiging isang patuloy na pagsamba, at ang bawat sakripisyo ay nagiging sanhi ng barakah.
Dahil sa kanilang matibay na pananampalataya at taos-pusong pagmamahalan para kay Allah SWT, ipinangako na igagawad sa kanila ni Allah SWT ang Kanyang Paraiso, kung saan sila ay muling pag-iisahin bilang mag-asawa at pamilya upang manirahan doon magpakailanman isang gantimpalang nakalaan sa mga pusong nagkakaisa sa īmān, pagtitiis, at pagsunod sa Kanyang kalooban.
Kapag ang isang lalaki at babae ay nagpakasal, at pagkatapos sila ay parehong matuwid sa kanilang pananampalataya at katuwiran, sila ay pagsasamahin ni Allah sa Kanyang Paraiso bilang pamilya, subalit hindi ito magnyayari kung sila ay magkaiba ng 'Amal (gawain).
Sinabi ni Allah SWT:
جَنَّٰتُ عَدۡنٖ يَدۡخُلُونَهَا وَمَن صَلَحَ مِنۡ ءَابَآئِهِمۡ وَأَزۡوَٰجِهِمۡ وَذُرِّيَّٰتِهِمۡۖ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ يَدۡخُلُونَ عَلَيۡهِم مِّن كُلِّ بَابٖ
"Ang kahihinatnang papupurihang ito ay mga hardin, na mananatili sila sa mga ito bilang mga pinagiginhawa ayon sa pananatiling palagi. Bahagi ng kalubusan ng kaginhawahan nila sa mga ito na makapasok sa mga ito kasama sa kanila ang sinumang naging matuwid sa mga ama nila, mga ina nila, mga asawa nila, at mga anak nila bilang pagkumpleto sa pagkapalagayang-loob nila sa pakikipagkita nila. Ang mga anghel ay papasok sa kanila, habang mga bumabati, mula sa lahat ng mga pinto ng mga tirahan nila sa Paraiso". [Surah Ar-Ra‘d: 23]
Malinaw na binanggit dito ang mga asawa (أَزْوَاجِهِمْ) ng mga mananampalataya, ipinapakita sa ayah na ito na ang pagsasama ng mag-asawa sa mundong ito ay magpapatuloy sa Jannah, basta parehong matuwid at may pananampalataya.
رَبَّنَا وَأَدۡخِلۡهُمۡ جَنَّٰتِ عَدۡنٍ ٱلَّتِي وَعَدتَّهُمۡ وَمَن صَلَحَ مِنۡ ءَابَآئِهِمۡ وَأَزۡوَٰجِهِمۡ وَذُرِّيَّٰتِهِمۡۚ
"Magsasabi ang mga anghel: "o aming Panginoon, at magpapasok Ka sa mga mananampalataya sa mga Hardin ng Kawalang-hanggan na ipinangako Mo sa kanila na magpasok Ka sa kanila sa mga iyon, at magpapasok Ka kasama sa kanila sa sinumang umayos ang gawa kabilang sa mga magulang nila, mga asawa nila, at mga anak nila". [Surah Al-Ghāfi: 8]
Ito ay panalangin ng mga anghel para sa mga mananampalataya, pinatutunayan nito na ang mag-asawa na matuwid at may īmān ay sabay na papasok sa Paraiso.
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَٱتَّبَعَتۡهُمۡ ذُرِّيَّتُهُم بِإِيمَٰنٍ أَلۡحَقۡنَا بِهِمۡ ذُرِّيَّتَهُمۡ وَمَآ أَلَتۡنَٰهُم مِّنۡ عَمَلِهِم مِّن شَيۡءٖۚ
"Ang mga sumampalataya at sumunod sa kanila sa pananampalataya ang mga anak nila ay mag-uugnay Kami sa kanila sa mga anak nila upang magalak ang mga mata nila sa mga ito. Kung sakaling hindi umabot ang mga gawa nila ay hindi Kami magbabawas sa kanila ng anuman sa gantimpala ng mga gawa nila". [Surah At-Tur: 21]
Bagamat binanggit dito ang mga anak, ayon sa mga mufassirūn, kasama rin ang pamilya kabilang ang asawa, ipinapakita sa Ayah na ito na ang pagkakaisa ng pamilya sa īmān sa mundong ito ay nagiging dahilan ng kanilang pagsasama sa Paraiso.
Sinabi ng Propeta SAWS:
«خَيْرُكُمْ خَيْرُكُمْ لِأَهْلِهِ»
"Ang pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa kanyang pamilya.” (At-Tirmidhi)
Ang mag-asawang parehong mananampalataya ay pag-iisahin muli ni Allah SWT sa Kabilang-Buhay, ang kanilang pagsasama sa mundo ay nagiging patuloy na pagsamba at barakah, ang pamilya na nagkakaisa sa īmān at pagsunod kay Allah ay makakaranas ng walang hanggang kaligayahan sa Paraiso.
Nawa'y mapabilang tayo sa mga mag-asawang may takot at pananampalataya kay Allah SWT at mag-asawa rin sa Kabilang-Buhay (Paraiso). Ameen
Akh. Salim Zailon
07/01/2026
ANG BABENG SALIHAH NA MASUNURIN SA KANYANG ASAWA
Ang babaeng salihah ay isang dakilang biyaya mula kay Allah SWT, siya ay masunurin sa kanyang asawa sa kabutihan, nagbibigay ng kapanatagan at kagalakan sa kanyang pamilya, at inaalagaan ang kanyang dangal at karapatan ng kanyang asawa kahit sa kanyang pagkawala. Ang kanyang pagsunod ay hindi tanda ng kahinaan kundi bunga ng taqwa (takot sa Allah), sapagkat nauunawaan niyang ang maayos na pakikitungo at pagsunod sa asawa sa tama ay bahagi ng pagsunod niya kay Allah SWT. Dahil sa kanyang pananampalataya, pagsasagawa ng Salah, pag-aayuno, at pag-iingat sa sarili, ipinangako sa kanya ang dakilang gantimpala ang Jannah bilang kapalit ng kanyang katapatan at kabanalan.
Sinbi ni Allh SWT:
{فَالصَّالِحَاتُ قَانِتَاتٌ حَافِظَاتٌ لِّلْغَيْبِ بِمَا حَفِظَ اللَّهُ}
“Kaya ang mga matutuwid na babae ay masunurin (sa Allah at sa kanilang asawa) at iniingatan ang (karapatan, dangal,at ari-aian) sa panahon ng pagliban (ng kanilang asawa), dahil sa pag-iingat na itinakda ni Allah SWT." [Surah An-Nisa: 34]
Sinabi ng Propeta SAWS:
"الدُّنْيَا مَتَاعٌ، وَخَيْرُ مَتَاعِهَا الْمَرْأَةُ الصَّالِحَةُ"
“Ang mundo ay isang pakinabang, at ang pinakamainam na pakinabang sa mundong ito ay ang babaeng ṣaliḥah (matuwid na asawa).”
Ang babaeng salihah ay relihyosa (nasa kanya ang Deen) nagbibigay ng kapanatagan, nag-iingat ng dangal, tahanan, at kanyang awrah, may takot, pananampalataya at katuwang sa pagsunod kay Allah SWT.
Sinabi ng Propeta SAWS:
إِذَا صَلَّتِ الْمَرْأَةُ خَمْسَهَا، وَصَامَتْ شَهْرَهَا، وَحَفِظَتْ فَرْجَهَا، وَأَطَاعَتْ زَوْجَهَا، دَخَلَتِ الْجَنَّةَ مِنْ أَيِّ أَبْوَابِ الْجَنَّةِ شَاءَتْ»
"Kapag ang babae ay nagdasal ng limang Salah(5X a day) nag-ayuno ng Ramadan, iningatan ang kanyang dangal, at sumunod sa kanyang asawa, siya ay papapasukin sa Jannah (paraiso) sa alinmang pintuan na kanyang naisin.”
(Ahmad at Ibn Hibban)
Akh. Salim Zailon
07/01/2026
ANG LAYUNIN NG PAGSUSUOT NG NIQAB O HIJAB SHAR‘EY
Ang Islam ay nagbibigay ng malaking pagpapahalaga sa haya (kahinhinan) at proteksiyon laban sa fitnah. Kaya’t ipinagbabawal (haram) sa isang babae na ipakita ang kanyang kagandahan o hugis ng katawan sa mga hindi niya mahram, sapagkat ang ganitong gawain ay nagiging sanhi ng tukso (fitnah), hindi lamang sa tumitingin kundi pati sa sarili niya.
Hindi sapat ang niqab kung ang pananamit ay hindi rin sumusunod sa hangganan ng kahinhinan. Ang tunay na layunin ng pagsusuot ng niqab o hijab shar‘ey ay ang ganap na pagsunod sa utos ng Allah, sapagkat ito ay obligado (wajib) sa isang babae. Kabilang dito ang maluwag, hindi bakat, at disenteng kasuotan.
Ang pagsusuot ng niqab ay hindi lamang half niqab kundi ito ay dapat nakabalot sa buong mukha o katawan, na tinitiyak na ang babae ay ganap na natatakpan at napoprotektahan laban sa anumang hindi nararapat na tingin o pang-aakit. Kapag ang pananamit ay hapit o nagpapakita ng hugis ng katawan, nawawala ang tunay na layunin ng pagsusuot ng niqab o hijab shar‘ey, at nalalagay sa panganib ang dangal, pananampalataya, at kapayapaan ng lipunan.
Ang tunay na kagandahan ng isang babae sa Islam ay nasa kanyang taqwa, asal, at tapat na pagsunod sa batas ng Allah, hindi sa pagpapakita ng anyo.
Akh. Salim Zailon
07/01/2026
ANG LALAKING MALUPIT SA KANYANG ASAWA
Ang lalaking malupit sa kanyang asawa sa salita man o sa gawa ay lumalabag sa layunin ng kasal sa Islam na itinayo sa kapayapaan, pagmamahal, at awa. Kapag ang isang lalaki ay bungangero, mapanigaw, mapanlait, mapanakit ng damdamin ng kanyang asawa, at anumang uri ng pang-aapi ay hindi tanda ng pagkalalaki kundi kakulangan sa takot kay Allah at mabuting asal. Ang ganitong ugali ay sumisira sa dangal ng babae at nagiging sanhi ng kawalan ng sakinah sa tahanan; kaya’t ito ay malinaw na kasalanan at zulm na may pananagutan ang lalaki sa harap ni Allah SWT kung hindi siya magsisisi at magbabago.
Ang kalupitan ay hindi lamang sa pisikal, kabilang dito ang paninigaw, pagmumura, pananakot, panlalait, pananakit ng damdamin, at pag-abuso sa kapangyarihan bilang asawa.
Sinbi ni Allah SWT:
وَعَاشِرُوهُنَّ بِالْمَعْرُوفِ
"At makisama/makitungo kayo sa kanila (mga asawa) nang may kabutihan". [An-Nisah: 19]
" وَمِنْ آيَاتِهِ أَنْ خَلَقَ لَكُم مِّنْ أَنفُسِكُمْ أَزْوَاجًا لِّتَسْكُنُوا إِلَيْهَا وَجَعَلَ بَيْنَكُم مَّوَدَّةً وَرَحْمَةً "
“At kabilang sa Kanyang mga tanda ay nilikha Niya para sa inyo, mula sa inyong mga sarili, ang mga asawa upang kayo ay makatagpo ng kapanatagan sa kanila, at naglagay Siya (Allah) sa pagitan ninyo ng pagmamahal at awa.” [Ar-Rum: 21]
Sinabi ng Propeta SAWS:
«خَيْرُكُمْ خَيْرُكُمْ لِأَهْلِهِ»
"Ang pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa kanyang pamilya.” [At-Tirmidhi]
At sinabi rin ng Propeta ﷺ:
“Ang pinakamabubuti sa inyo ay hindi nananakit.” [Abu Dawud]
Haram (ipinagbawal) ng Islam ang pagiging malupit sa asawa pisikal man o emosyonal. Ang paninigaw, pang-iinsulto, at pananakit ay kasalanan at zulm (pang-aapi).
Ang lalaking patuloy na malupit at ayaw magbago ay may pananagutan sa harap ni Allah at maaaring magbigay-daan sa karapatan ng asawa na humingi ng tulong, paghihiwalay, o annulment (khul‘/fasakh) ayon sa Shari‘ah.
Ang tunay na lalaki ay natatakot sa Allah SWT, hindi ang kanyang asawa. Ang tunay na lalaki ay hindi sinusukat sa lakas ng sigaw, kundi sa lawak ng pasensya at awa sa kanyang asawa.
At ang lakas ng isang lalaki ay nasusukat sa kanyang awa, hindi sa kanyang galit.
Akh. Salim Zailon
07/01/2026
ANG BABAENG BUNGANGERA, SUWAIL, AT WALANG RESPETO SA KANYANG ASAWA
Sa Islam, ang pagiging bungangera, walang respito, walang pasasalamat, palasagot, at pagsuway ng isang babae sa kanyang asawa na walang makatarungang dahilan ay hindi itinuturing na maliit na kasalanan sapagkat ito ay mabigat na paglabag sa akhlaq at sa kaayusang itinakda ni Allah SWT sapag-aasawa , sapagkat ang ganitong pag-uugali ay sinisira nito ang layunin ng pag-aasawa na itinayo sa kapayapaan, respeto, at awa; ang palagiang pagsagot nang masakit, pagmamataas, at hindi pagsunod sa mabuting utos ng asawa ay nag-aalis ng barakah sa tahanan at nagiging dahilan ng galit ni Allah SWT, lalo na kung ang asawa ay gumagampan ng kanyang tungkulin at ang babae ay patuloy na umaasa sa kanya ngunit walang pagpapahalaga at respeto, kaya’t ang babaeng walang pasasalamat at walang paggalang sa kanyang asawa ay inilalagay ang sarili sa kapahamakan sa Araw ng Paghuhukom, at siya ay may pananagutan sa Kabilang-Buhay.
Sinabi ng Propeta SAWS:
«لا يَنْظُرُ اللَّهُ إِلَى امْرَأَةٍ لَا تَشْكُرُ لِزَوْجِهَا وَهِيَ لَا تَسْتَغْنِي عَنْهُ
“Hindi lilingunin ni Allah ang babaeng hindi marunong magpasalamat sa kanyang asawa samantalang siya ay umaasa sa kanya.” [Ahmad]
Sinabi ng Propeta SAWS:
«إِذَا دَعَا الرَّجُلُ امْرَأَتَهُ إِلَى فِرَاشِهِ فَلَمْ تَأْتِهِ، فَبَاتَ غَضْبَانَ عَلَيْهَا؛ لَعَنَتْهَا الْمَلَائِكَةُ حَتَّى تُصْبِحَ»
"Kapag inanyayahan ng lalaki ang kanyang asawa sa kanyang higaan (sa ugnayang mag-asawa) at tumanggi ang babae (nang walang makatarungang dahilan), at natulog ang lalaki na galit sa kanya, susumpain siya ng mga anghel hanggang sa mag-umaga.” (Mutaffaqun 'Alayhi)
Sinabi ng Propeta SAWS:
لَوْ كُنْتُ آمِرًا أحَدًا أَنْ يَسْجُدَ لأَحدٍ لأَمَرْتُ المرْأَةَ أَنْ تَسْجُدَ لِزَوْجِهَا
“Kung ako ay mag-uutos lamang sa isang tao na magpatirapa (mag-sujud) sa iba (liban pa kay Allah), ay tiyak na uutusan ko ang babae na magpatirapa sa kanyang asawa (dahil sa laki ng karapatan ng lalaki sa babae).” [At-Tirmidhi]
Sa hadith ng Propeta SAWS ay ipinapakita rito kung gaano kalaki ang karapatan ng asawang lalaki sa Islam, hindi upang pahintulutan ang pang-aabuso o pagsamba, kundi upang ipaalala ang kahalagahan ng respeto, pagsunod sa mabuti, at pagpapanatili ng kaayusan sa pamilya, sapagkat kapag ang bawat isa ay ginampanan ang kanyang tungkulin ayon sa takot sa Allah, doon nagmumula ang tunay na kapayapaan ng mag-asawa.
Akh. Salim Zailon
07/01/2026
ANG LALAKING MATUWID (SALIH) NA MAPAGMAHAL SA KANYANG ASAWA
Ang isang lalaking Salih (matuwid) sa Islam ay hindi lamang masigasig sa pagsamba, kundi banayad, mapagmahal, at makatarungan sa kanyang asawa. Ang kanyang pagtrato ay salamin ng kanyang pananampalataya at takot sa Allah SWT.
Ang lalaking matuwid ay hindi sinusukat sa lakas ng kanyang tinig, kundi sa lambing ng kanyang pakikitungo sa kanyang asawa. Siya’y nagmamahal, gumagalang, at natatakot sa Allah sa bawat kilos.
Sinabi ni Allah SWT:
"وَعَاشِرُوهُنَّ بِالْمَعْرُوفِ"
“At makitungo kayo sa kanila (mga asawa) nang may kabutihan.” (An-Nisaa:ۢ19)
Inuutusan ng Allah ang mga kalalakihan na pakitunguhan ang kanilang mga asawa nang may kabutihan, respeto, at malasakit. Ang pagiging mabait sa asawa ay hindi opsyon kundi ito ay utos ng Allah SWT.
Sinabi ng Sugo ni Allah (SAWS):
استوصوا بالنساء خيرًا فإنما أخذتموهن بأمانة الله واستحللتم فروجهن بكلمة الله “
"Pakitunguhan ang mga kababaihan ng may kabutihan, sapagkat kinuha niyo sila bilang Amanah sa inyo at sila ay naging Halal sa inyo ayon sa batas ni Allah SWT.”
Sinabi ng Propeta SAWS:
«خَيْرُكُمْ خَيْرُكُمْ لِأَهْلِهِ»
Ang pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa kanyang pamilya.” (At-Tirmidhi)
Ang sukatan ng kabutihan ng isang lalaki sa Islam ay kung paano niya tratuhin ang kanyang asawa at pamilya, hindi lamang ang kanyang panlabas na anyo ng relihiyosidad.
Ang salitang أهله ay tumutukoy sa kanyang pamilya: ang asawa, ina, ama, at mga anak, lahat sila ay kanyang pinakakamag-anak. Ibig sabihin, dapat niyang pagalingin, alagaan, at suportahan sila, at ang kabutihang ito sa kanyang pamilya ay mas mahalaga at higit kaysa sa kabutihan sa mga taong malayo o hindi kakilala. Ang pahayag na ito ay nagtuturo na ang tunay na kabutihan ng isang tao ay nagsisimula sa loob ng pamilya at ang tamang pagtrato sa kanila ay sukatan ng kanyang kabutihan.
Sa Hadith ng Propeta SAWS:
«وَكَانَ ﷺ فِي مِهْنَةِ أَهْلِهِ»
“Ang Propeta ﷺ ay tumutulong sa gawaing bahay ng kanyang pamilya.” (Imam Bukhari)
Ang pinakamabuting halimbawa ng lalaking salih ay ang Propeta ﷺ, mapagkumbaba, tumutulong, at hindi nagmamataas sa kanyang asawa. Ito ang tunay na pagkalalaki sa Islam. Ang lalaking may takot sa Allah ay hindi nananakit, hindi naninigaw, at hindi nang-aapi, kundi nagmamahal, gumagalang, at umaalalay sa kanyang asawa. Sapagkat ang pagmamahal sa asawa ay bahagi ng pananampalataya (Emaan).
Akh. Salim Zailon
07/01/2026
"Ang pagiging mapagbigay ng isang lalaki ay salamin ng kanyang Iman at marangal na pagkalalaki; samantalang ang kuripot na lalaki ay nagpapakita ng kahinaan ng tiwala kay Allah at kakulangan sa akhlāq.”
Mashallah bagay pala sa akin nakasuot ng ganito...
Akh. Salim Zailon
07/01/2026
ANG PAGKAKAROON NG ANAK NA SALIH (MATUWID)
Sa Islam, ang pagkakaroon ng anak o batang salih (matuwid) ay isang dakilang biyaya sa isang pamilya. Ang bata na lumalaki na may kabutihan at takot sa Allah SWT ay hindi lamang magiging mabuti sa sarili kundi magiging pagpapala rin sa magulang at lipunan. Ang pagiging salih (matuwid) ay resulta ng tamang pagpapalaki, edukasyon, at halimbawa ng magulang. Sa ganitong paraan, ang bata ay lumalaking may pagkilala sa tama at mali, pagmamahal sa kapwa, at pag-iwas sa kasamaan o kasalanan, kaya nagiging ilaw at biyaya sa pamilya at komunidad.
Sinabi ni Allah SWT:
الْمَالُ وَالْبَنُونَ زِينَةُ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا
"Ang yaman at mga anak ay kabilang sa ipinanggagayak (palamuti) sa buhay na pangmundo". (Surah Al-kahf: 46)
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا قُوا أَنفُسَكُمْ وَأَهْلِيكُمْ نَارًا
"O kayong mga naniniwala, magsanggalang (protektahan) ninyo ang inyong mga sarili at ang inyong pamilya mula sa Impiyerno". (Surah At-tahrim: 6)
Ayon sa Hadith ng Propeta SAWS;
عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله تعالى عنه: أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ ﷺ قَالَ: إِذَا مَاتَ ابنُ آدم انْقَطَعَ عَنْهُ عَمَلُهُ إِلَّا مِنْ ثَلَاثٍ: صَدَقَةٍ جَارِيَةٍ، أو عِلْمٍ يُنْتَفَعُ بِهِ، أَوْ وَلَدٍ صَالِحٍ يَدْعُو لَهُ. رَوَاهُ مُسْلِمٌ.
Äyon kay Abu Hurairah (RA), ayon sa Sugo ni Allah (SAWS) kanyang sinabi: "Kapag namatay ang anak ni Adam (AS) ang lahat ng kanyang gawain ay naputol (huminto) maliban sa tatlong bagay. "Patuloy na kawanggawa (sadaqah jariyah), Kaalamang nakikinabang ang iba, at Isang batang salih (matuwid) na nananalangin para sa kanya". (Muslim)
Ang pagkakaroon ng anak na salih (matuwid) ay isang dakilang biyaya mula sa Allah SWT. Kahit yumao na ang kanyang mga magulang, patuloy siyang nananalangin, humihingi ng kapatawaran, at nagdarasal para sa rahma (awa) ng Allah para sa kanila. Ipinapakita nito na ang pagpapalaki ng batang salih ay nagbibigay eternal na gantimpala at pagpapala sa magulang, kahit sila ay wala na sa mundong ito.
Sinabi ni Ibn Qayyim al-Jawziyya (Rahimahullah)
"Ang isang batang salih (matuwid) ay hindi lamang pagpapala habang buhay ang kanyang mga magulang, kundi nagpapatuloy ang kanyang pagpapala kahit sila ay yumao na, sa pamamagitan ng kanyang dalangin at kabutihang ginawa."
My son: Abduurrahman (Hamoud) Bin Salim Al-Zailon
Akh. Salim Zailon
07/01/2026
“Ang pusong puno ng sabr at tiwala kay Allah SWT ay hindi kailanman talo, sapagkat sa bawat pagsubok ay may kaakibat na karunungan, at sa bawat hirap ay may nakatagong ginhawa. Kapag ang puso ay marunong magtiis at ang isip ay lubos na nagtitiwala sa Kanya, ang mga unos ng buhay ay nagiging daan ng tagumpay, at ang katahimikan ng pananampalataya ay nananatili sa kabila ng anumang pagsubok.”
Akh. Salim Zailon