Quirino Memorial Medical Center

Quirino Memorial Medical Center

Share

A not-for-profit institution, QMMC is wholly owned by the government of the Philippines and the flag.

Photos from Quirino Memorial Medical Center's post 27/05/2026

Pagtulay sa Serbisyong Medikal: QMMC BHW Workbook Project, Ibinahagi sa National Equity in Health Convention!

Nakiisa ang Quirino Memorial Medical Center (QMMC) sa ginanap na National Equity in Health Strategic Alignment Activity ng Bureau of Local Health Systems Development nitong nakaraang Mayo 25, 2026, sa Eastwood Richmonde Hotel. Ang mahalagang kaganapang ito ay dinaluhan ng ating Medical Center Chief na si Dr. Evelyn Victoria E. Reside, kasama sina Dr. Goldie Lynn Diaz at Dr. Julie Mart Rubite mula sa Public Health Unit.

Layunin ng aktibidad na ito na magsama-sama ang iba’t ibang sangay ng kagawaran ng kalusugan upang magbahagi ng mga karanasan sa pagpapatupad ng mga programa, patibayin ang ugnayan ng bawat ahensya, at magkaroon ng iisang direksyon para mapalakas ang primary health care na nakatutok sa pagkakapantay-pantay sa pag-akses sa serbisyong medikal.

Sa bahagi ng Annual National Equity in Health Convention na may temang "From Strategy to Implementation: DRIVING HEALTH EQUITY FORWARD", buong pagmamalaking ibinahagi ni Dr. Reside sa isang Development Partner Sharing Session ang Barangay Healthworkers’ Workbook Project na bahagi ng Grassroots Health Empowerment ng QMMC.

Sa pamamagitan ng pagbibigay gabay para sa ekspertong kaalaman para sa komunidad, ang mga learning modules na nakapaloob sa BHW Workbook ay mula sa mga piling paksa mula sa Specialty Centers at Niche Services ng QMMC.

Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng ospital sa pagsulong ng pantay na serbisyong medikal. Layunin nitong palakasin ang kapasidad ng mga ating first-line community health responders, pagyamanin ang health promotion at disease prevention sa komunidad, at maagap na pagkilala sa mga sakit para sa agarang referral.

Isa lamang ang proyektong ito na nagsisilbing patunay ng dedikasyon at pangmatagalang pangako ng QMMC sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay na kalusugan para sa lahat.

Sama-sama tayo tungo sa mas malusog na komunidad at pantay na serbisyong medikal para sa bawat Pilipino!

27/05/2026

Maligayang Eid’l Adha! 🌙

Sa pagdiriwang ng Eid’l Adha, nakikiisa ang Quirino Memorial Medical Center (QMMC) sa ating mga kapatid na Muslim sa pagbabahagi ng diwa ng pananampalataya, sakripisyo, at pagmamalasakit sa kapwa.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang okasyong ito upang higit pang manaig ang pagkakaisa, pag-asa, at kabutihan sa ating mga komunidad. Hangad namin ang isang mapayapa at makabuluhang pagdiriwang para sa lahat. 🤍

30/04/2026

📢 QMMC at CODI --- NAGKAKAISA PARA SA KAMALAYAN LABAN SA SEXUAL HARASSMENT 💜

Ang Quirino Memorial Medical Center, katuwang ang Committee on Decorum and Investigation (CODI), ay aktibong nagsusulong ng pagpapalaganap ng kaalaman at kamalayan laban sa sexual harassment.

Layunin naming bigyang-diin ang kahalagahan ng respeto, wastong pag-uugali, at pagkilala sa karapatan ng bawat isa. Sa pamamagitan ng mga seminar at informational posters, patuloy naming pinapalakas ang kamalayan at boses laban sa anumang uri ng pang-aabuso.

🔸 Alamin ang iyong mga karapatan
🔸 Kilalanin ang iba’t ibang anyo ng sexual harassment
🔸 Huwag matakot magsalita at magsumbong

📞 Para sa mga kawani na nakaranas o kasalukuyang nakakaranas ng pang-aabuso:
Maari kayong magsumbong o humingi ng tulong sa mga sumusunod na numero:

📱 0908-4903-570
📱 0919-0858-456

💜 Huwag manahimik—may handang makinig at tumulong sa inyo.

Ang QMMC at CODI ay naninindigan laban sa anumang uri ng pang-aabuso. Sama-sama nating itaguyod ang respeto, dignidad, at kaligtasan para sa lahat.






31/03/2026

QMMC | PUBLIC ADVISORY 📣

HOLY WEEK SCHEDULE 🙏🏻

QMMC will be observing the following schedule in observance of the Holy Week.

Administrative Offices :
Work-from-Home (8AM-12NN. Suspended starting 12nn onwards). CLOSED on Maundy Thursday and Good Friday.

Outpatient Department (OPD) :
OPEN until 5:00PM (April 1 only). CLOSED on Maundy Thursday and Good Friday.

Frontline Services (Emergency Room) : Usual Operating hours remain.

May everyone have a solemn, safe, and meaningful observance of Holy Week.

19/03/2026

QMMC | PUBLIC ADVISORY 📣

EID’L FITR SCHEDULE 🌙

QMMC will be observing the Eid’l Fitr regular holiday tomorrow, March 20, 2026.

Administrative Offices : CLOSED
Outpatient Department (OPD) : CLOSED
Frontline Services (Emergency Room) : Usual Operating hours remain.

We join the nation in wishing our Muslim brothers and sisters a peaceful and meaningful Eid’l Fitr celebration. Stay safe, everyone!

Photos from Pohnpei State Department of Health and Social Services's post 15/03/2026

Today's outreach at the Outpatient Department of Pohnpei Hospital 🙏🏻

Our sincere thanks to Hon. Herolynn S. Movick, Lt. Governor, for taking the time to meet with the Philippine Medical Team as we continue to address the health needs of the community. Service to the people remains at the heart of our work—because while work supports our families, the health and well-being of our people will always come first.

13/03/2026

QMMC | PUBLIC ADVISORY 📣

👉🏻 For the information and guidance of patients and the public.

11/03/2026

Congratulations to our new PSBIM Diplomates! Your dedication and excellence fill the QMMC family with pride 👏

Congratulations to Our PSBIM Diplomates!

The Quirino Memorial Medical Center – Department of Internal Medicine proudly congratulates our residents who successfully passed the 2026 PSBIM Certifying Examination for Diplomate in Internal Medicine, held last March 1, 2026.

Your success reflects your dedication, perseverance, and excellence. Your Internal Medicine family is truly proud of you.

Photos from Quirino Memorial Medical Center's post 10/03/2026

God speed to our dedicated volunteer Qawanis who have embarked on a two-week Medical and Surgical Mission in Pohnpei, Federated States of Micronesia.

Maraming salamat sa inyong dedikasyon at malasakit sa paglilingkod. Nawa’y maging ligtas, matagumpay, at makabuluhan ang inyong misyon habang nagbibigay kayo ng tulong at pag-asa sa mga komunidad na inyong pinaglilingkuran.

Buong pagmamalaki kayong sinusuportahan ng QMMC family. Ingat at mabuhay ang ating mga boluntaryo.

Padayon sa pagserbisyo. Mabuhay ang ating mga boluntaryo! 🌏🇵🇭

Photos from Quirino Memorial Medical Center's post 24/02/2026

Rito ng Marangal na Pagsusunong at Paglibing ng Watawat ng Pilipinas 🇵🇭

Ang pamunuan ng Pang-Alaalang Sentrong Medikal Quirino katuwang ang Lupon sa Wikang Filipino at Seksiyon sa Pangkalahatan (HOPSS-GSS) ang nanguna sa makabuluhan at solemneng Ritwal ng Marangal na Pagsusunog at Paglilibing ng mga Lumang Watawat nitong 20 Pebrero 2026

Ang seremonyang ito ay alinsunod sa Republic Act No. 8491, o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines, na nagtatakda ng wastong paggalang, paggamit, af pagreretiro ng watawat. Sa ilalim ng batas na ito, malinaw na ipinahahayag na ang watawat na kupas, punit, o hindi na angkop iwagayway ay nararapat iretire sa isang marangal na paraan, at ang pagsusunog nito ay kinikilalang angkop na ritwal bilang pagpapakita ng lubos na paggalang sa pambansang sagisag.

Bilang isang institusyon ng pamahalaan, ang Pang-Alaalang Sentrong Medikal Quirino ay may pananagutang tumalima sa mga umiiral na batas at regulasyon ng estado, kabilang ang wastong pangangalaga at paggalang sa mga pambansang simbolo.

Dinaluhan ng ilang mga Qawani ang nasabing aktibidad na nagpapakita ng kanilang pakiki-isa, pakikibahagi at pagbibigay-pugay sa watawat ng Pilipinas na sumisimbolo sa paggalang at pagpapahalaga sa watawat ng Pilipinas — tanda ng ating pagkakaisa, sakripisyo, at malasakit sa bayan. Sa pamamagitan ng seremonyang ito, ating pinagtitibay ang ating paninindigan bilang mga lingkod-bayan na may integridad, disiplina, at pagmamahal sa bansa.






Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


JP Rizal Cor. P. Tuazon Sts, Project 4, Philippines
Quezon City
1109