Angat Kabataang Manggagawa Partylist -AKMA Partylist

Angat Kabataang Manggagawa Partylist -AKMA Partylist

Share

AKMA – Angat Kabataang Manggagawa Partylist
Empowering the youth workforce for a brighter future.

12/01/2026

SINO ANG ANGAT KABATAANG MANGGAGAWA?

Si Alfie Batilong Rabe ay isang kabataang lider at community organizer mula sa Payatas, Quezon City, na may malawak na karanasan sa labor advocacy, youth empowerment, at grassroots leadership.

Sa loob ng halos isang dekada, pinagsama niya ang propesyonal na karanasan sa pribadong sektor at ang tuloy-tuloy na paglilingkod sa komunidad, na nakatuon sa participatory leadership at service-oriented advocacy.

Bilang isang BPO professional, nagsimula si Alfie bilang Technical Support at umangat bilang Senior Executive – Learning and Development, kung saan siya ay aktibong nakikibahagi sa pagsasanay, workforce development, at skills building ng mga manggagawa. Ang kanyang karanasan sa BPO industry ang nagbigay sa kanya ng malalim na pag-unawa sa kalagayan ng mga kabataang manggagawa—mula sa night shift work hanggang sa pangangailangan ng career progression, job security, at labor protection.

Sa larangan ng community leadership, siya ang Founder ng SANDIG Youth Movement sa Payatas, Quezon City, isang youth-led organization na humuhubog ng mga kabataang lider at nagsusulong ng aktibong pakikilahok ng kabataan sa mga isyung panlipunan. Siya rin ay nagsilbing Secretary General ng Angat Kabataan Pilipinas, kung saan gumanap siya ng mahalagang papel sa pagpapalakas ng mga youth chapters, national coordination, at youth participation sa iba’t ibang komunidad.

Sa kasalukuyan, si Alfie Batilong Rabe ay ang Secretary General at Second Nominee ng Angat Kabataang Manggagawa (AKMA) Partylist, patuloy na nagsusulong ng mga patakarang nagtataguyod ng karapatan ng manggagawa, makabuluhang trabaho para sa kabataan, at panlipunang proteksyon.

Bilang isang BPO worker at community leader mula sa Payatas, dala niya ang boses at karanasan ng karaniwang manggagawang Pilipino sa pagsusulong ng inklusibo at makataong pag-unlad ng bansa.




11/01/2026

💡 ALAM MO BA?

ALAM MO BA na ang BPO workers na edad 18–40 ang bumubuo sa mahigit 60% ng workforce ng BPO industry sa Pilipinas?

👉 Sila ang mga kabataang propesyonal na:

🌙 Nagtatrabaho sa graveyard shift para buhayin ang pamilya

💵 Nag-aambag ng USD 35+ bilyon sa ekonomiya taon-taon — halos kapantay ng ambag ng OFW remittances

📊 Tumataguyod sa 8–10% ng GDP ng bansa

🏙️ Nagpapalakas sa lokal na negosyo, transportasyon, pagkain, at pabahay

📣 Hindi lang sila empleyado—sila ang tahimik na haligi ng ekonomiya ng Pilipinas.

Mga kabataang manggagawa na hindi umaalis ng bansa, pero nagdadala ng dolyar papasok.

✊ Panahon na para kilalanin, pakinggan, at ipaglaban ang karapatan ng BPO workers.

Iangat ang BPO workers.

Ipanalo ang karapatan ng kabataang manggagawa.

Photos from Angat Kabataang Manggagawa Partylist -AKMA Partylist's post 03/01/2026

Kanina, dumalaw sa burol ni Richard Luis Demecillo sina Angat Kabataan Pilipinas NCR Convenor David Villa at Angat Kabataang Manggagawa Partylist Secretary General Alfie Rabe upang magpaabot ng pakikiramay at pakikiisa sa naulilang pamilya.

Si Luis ay pumanaw sa isang road crash noong December 29 sa Infanta, Quezon. Patuloy kaming naninindigan na ang ganitong trahedya ay hindi dapat balewalain—ang buhay na nawala ay nangangailangan ng hustisya at pananagutan.

Nakikiisa kami sa panalangin para sa kanyang kaluluwa at patuloy na pakikibaka para sa mas ligtas na mga kalsada para sa kabataan at mamamayan.




31/12/2025

✨ MANIGONG BAGONG TAON, KABATAANG PILIPINO! ✨

Sa pagsalubong natin sa 2026, binibigyang-pugay namin ang bawat kabataang manggagawa na patuloy na lumalaban at nangangarap—

📦 mga rider at driver na araw-araw nasa kalsada,

💻 mga BPO workers, freelancers, at digital workers,

🚀 mga young entrepreneurs na lumilikha ng trabaho at oportunidad,

🎶 mga musikero at malikhaing manggagawa,

🛠️ mga construction workers na nagtatayo ng bansa,

👩‍⚕️👨‍⚕️ mga nurses at doctors na nagliligtas ng buhay,

⚖️ mga young lawyers na nagtatanggol ng karapatan,

🧠⚙️ at mga engineers at young professionals na humuhubog sa kinabukasan ng Pilipinas.

Ang bagong taon ay panibagong lakas at panibagong laban para sa makatarungang sahod, disenteng trabaho, proteksyon sa manggagawa, at tunay na oportunidad para sa kabataan.

Kasama ninyo ang ANGAT KABATAANG MANGGAGAWA PARTYLIST sa bawat hakbang.
Sama-sama nating iaangat ang kabuhayan, dignidad, at kinabukasan ng kabataang Pilipino.

✊💙💗

AKMA — Angat ang Kabataan. Angat ang Manggagawa. Angat ang Bayan.







#2026

31/12/2025

REST IN GOD'S HANDS, LUIS! 🙏

Bilang kapwa kabataan, lubos kaming nakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at mga mahal sa buhay ni Richard Luis Demecillo. Masakit tanggapin ang pagkawala ng isang kabataang may pangarap, may kinabukasan, at may buhay na dapat sana’y patuloy na umuusad.

Hindi madali ang mawalan ng kaibigan, kapatid, o anak dahil sa isang road crash na sana ay naiwasan. Kaya bilang kabataan, hindi lang kami nakikiramay—naninindigan din kami.
Nanawagan kami ng malinaw na pananagutan sa mga responsable sa insidenteng ikinamatay ni Luis.

Hindi dapat normal ang pagkawala ng buhay sa kalsada. Hindi dapat tinatanggap na “aksidente lang” kapag may kapabayaan at kakulangan sa kaligtasan.

Ang buhay ng kabataan ay mahalaga.
Ang kinabukasan ay hindi dapat nauuwi sa trahedya.

Kasama ninyo kami sa pagdadalamhati.
Kasama ninyo kami sa panawagan para sa hustisya.

Hustisya para kay Luis.

Ligtas na kalsada para sa kabataan.
— Angat Kabataang Manggagawa Partylist

Photos from Angat Kabataang Manggagawa Partylist -AKMA Partylist's post 30/12/2025

Kanina, Disyembre 30, sa Barangay Holy Spirit, Quezon City, pinagtibay natin ang sama-samang laban kontra breast cancer sa Christmas and Year-End Party ng Unbreakable Breast Cancer Survivors Organization, kasama ang Angat Kabataan Pilipinas at Acts of Love Community.

Nagbahagi tayo ng pagkain at mga regalo hindi lamang bilang selebrasyon, kundi bilang pagkilala sa tapang, tibay, at hindi matitinag na paninindigan ng mga kababaihang patuloy na lumalaban sa breast cancer. Ang kanilang kuwento ay paalala na ang laban na ito ay hindi indibidwal—ito ay kolektibo.

Bilang bahagi ng suporta sa kanilang pisikal at emosyonal na paggaling, nagbigay rin ng libreng massage therapy ang Nina and Rhye Wellness, isang munting pahinga para sa mga mandirigmang araw-araw na humaharap sa hamon ng sakit.

Ang laban kontra breast cancer ay laban para sa buhay, dignidad, at pag-asa. Hangga’t may patuloy na nakikipaglaban, patuloy din ang ating pakikiisa. 💗

29/12/2025

Ngayong Araw ni Dr. Jose Rizal, ginugunita natin ang kanyang buhay, sakripisyo, at walang kapantay na pagmamahal sa bayan. 129 taon na ang lumipas mula nang siya’y barilin noong December 30, 1896, ngunit nananatiling buhay ang kanyang diwa sa bawat Pilipinong patuloy na lumalaban para sa kalayaan, katotohanan, at katarungan.

Hindi man siya humawak ng armas, ang isip, panulat, at prinsipyo ni Rizal ang naging sandata laban sa pang-aapi at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Bilang Angat Kabataang Manggagawa Partylist, paalala sa atin ni Rizal na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa mulat na kabataan, sa marangal na paggawa, at sa paninindigan para sa karapatan at dignidad ng bawat manggagawang Pilipino.

Ang diwa ni Rizal ay hindi lamang alaala ng nakaraan— ito ay panawagan sa kasalukuyan:
na maglingkod, na mag-isip, at na manindigan para sa isang lipunang makatarungan.

🇵🇭 Mabuhay si G*t Jose Rizal. Mabuhay ang Kabataang Manggagawa.






29/12/2025

Pahayag ng Angat Kabataang Manggagawa Partylist kaugnay ng Road Crash sa Marilaque

Lubos na nakikiramay ang Angat Kabataang Manggagawa Partylist sa pamilya at mga mahal sa buhay ng nasawing biktima sa naganap na road crash sa Marilaque ngayong araw. Isang trahedyang hindi kailanman dapat ipagsawalang-bahala, lalo’t ang mga biktima ay mga kabataang mula sa District 2, Quezon City na patungo sana sa isang Youth Camp upang maglingkod at magbahagi ng pag-asa.

Mas lalong mabigat sa aming hanay ang pangyayaring ito dahil may mga kasapi ng Angat Kabataan Pilipinas na kabilang sa mga naaksidente. Sa oras na ito, kami ay nakikiisa sa panalangin para sa agarang paggaling ng mga sugatan at lakas ng loob para sa mga pamilyang labis na naapektuhan.

Hindi ito simpleng “aksidente.” Ito ay road crash na may pananagutan.

May mga dapat managot:

Kung hindi ligtas at maayos ang kalsada, pananagutan ito ng LGU at DPWH. Hindi maaaring ipasa sa kapalaran ang kakulangan sa road safety, signage, barriers, at maintenance.

Kung may pagkukulang sa kondisyon ng driver at ng bus—pagod, walang sapat na training, overloaded, o hindi roadworthy ang sasakyan—dapat managot ang may-ari at operator ng bus, at agarang papanagutin sa ilalim ng batas.

Kung may kapabayaan sa regulasyon at pagbabantay, may obligasyon ang DOTr at mga attached agencies na agad kumilos, magsagawa ng masusing imbestigasyon, at magpataw ng parusa.

Hindi sapat ang pakikiramay lamang. May buhay na nawala at mga kabataang nasugatan. Ang kapabayaan—kahit kanino pa—ay dapat may katapat na pananagutan.

Nanawagan kami ng:
✅ Agarang, transparent, at independent investigation
✅ Pagpapangalan at pagpaparusa sa mga responsable
✅ Konkretong reporma sa road safety ng Marilaque at iba pang delikadong kalsada.

Ang buhay ng kabataan ay hindi expendable. Hindi sila collateral damage ng bulok na sistema.

May managot. May hustisya. Walang palusot.

25/12/2025

🎄 MALIGAYANG PASKO, KABATAANG PILIPINO! 🎄

Sa bawat pagpupuyat, bawat biyahe, bawat tawag, at bawat pawis ng kabataang manggagawa—kayo ang lakas ng ating bansa. 💪

Ngayong Pasko, ipinagdiriwang natin hindi lang ang saya, kundi ang pag-asa, sipag, at pangarap ng bawat kabataang patuloy lumalaban para sa mas maayos na kinabukasan.

Mula sa Angat Kabataang Manggagawa Partylist, nawa’y mapuno ng pag-asa ang inyong puso at biyaya ang inyong tahanan. Sama-sama nating iaangat ang kinabukasan at kabuhayan ng kabataan—ngayong Pasko at sa mga darating pang taon. ✨






24/12/2025

Gabi-gabing trabaho sa BPO, tuloy-tuloy na biyahe bilang TNVS Driver o Delivery Rider, freelance projects na hindi laging consistent, o startup na gustong lumago.

Lahat sila may iisang pangarap: trabaho, negosyo, at kinabukasan na may seguridad at boses.

Kaya nandito kami.

Angat Kabataang Manggagawa Party-List — Trabaho, Kinabukasan, Boses.

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Quezon City
Quezon City