Barangay Sauyo Children's Association

Barangay Sauyo Children's Association

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Sauyo Children's Association, Government Organization, Barangay Sauyo Hall, Quezon City.

The Barangay Sauyo Childrenโ€™s Association (BSCA) is a youth-led and child-centered organization committed to promoting the rights, welfare, and holistic development of children in Barangay Sauyo, Quezon City.

21/05/2026

๐Ÿ“ข ๐Œ๐š๐ฒ ๐ง๐š๐ค๐ข๐ญ๐š, ๐ง๐š๐ซ๐ข๐ง๐ข๐ , ๐จ ๐ง๐š๐ฉ๐š๐ง๐ฌ๐ข๐ง ๐ค๐š ๐›๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ -๐š๐š๐›๐ฎ๐ฌ๐จ ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ญ๐š? ๐‡๐ฎ๐ฐ๐š๐  ๐ฆ๐š๐ง๐š๐ก๐ข๐ฆ๐ข๐ค.

24/7 na nakatutok ang Council for the Welfare of Children sa pamamagitan ng MAKABATA Helpline 1383 upang tumanggap ng mga ulat, magmonitor ng mga insidente, at agad na mag-refer ng mga kaso ng pang-aabuso laban sa mga bata sa tamang awtoridad.

Anumang uri ng pang-aabusoโ€”pisikal, sekswal, emosyonal, verbal, exploitation, o neglectโ€”ay dapat agarang isumbong. Hindi kailangang sigurado ka. Kapag may hinala, kumilos agad.

Maaaring tumawag, mag-text, o mag-message sa MAKABATA Helpline 1383 anumang orasโ€”araw man o gabi. Bawat sumbong ay mahalaga. Bawat aksyon ay maaaring maging simula ng kaligtasan ng isang bata.

Ang iyong boses ay maaaring maging daan upang matigil ang pananakit at maprotektahan ang kinabukasan ng isang bata. Ibahagi ito at maging bahagi ng pagbabantay para sa kabataan.

๐“‘๐“ช๐“ผ๐“ฝ๐“ช ๐“‘๐“ช๐“ฝ๐“ช, ๐“ฃ๐“ช๐”‚๐“ธ ๐““๐“ช๐“น๐“ช๐“ฝ ๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“‘๐“ช๐“ฑ๐“ช๐“ต๐“ช!

21/05/2026

๐Ÿšจ CHILD ABUSE HELPLINES ๐Ÿšจ

Immediately report cases of violence against children.
I-report agad ang mga kaso ng karahasan laban sa mga bata.

๐Ÿ“ž MAKABATA Helpline (CWC): 1383

๐Ÿ“ž Commission on Human Rights (CHR): 0936 068 0982

๐Ÿ“ž PNP Aleng Pulis: 0920 907 1717 (Smart); 0966 725 5961 (Globe)

๐Ÿ“ž Actionline Against Human Trafficking: 1343

๐Ÿ“ž DICT / CICC Cybercrime Hotline: 1326

14/05/2026

๐Ÿ“ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ง๐—› ๐—ง๐—จ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ก๐—–๐—ข๐— ๐—œ๐—ก๐—š ๐—š๐—ฅ๐—”๐——๐—˜ ๐Ÿญ๐Ÿญ ๐—”๐—ง ๐—š๐—ฅ๐—”๐——๐—˜ ๐Ÿญ๐Ÿฎ ๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆ!

โœ๏ธ Academic Focused Strand
๐Ÿ“Œ Tanging unang 50 estudyante na residente ng SAUYO ang tatanggapin, kaya magpa-register na agad!

๐Ÿง ๐—ง๐—ผ๐—ฝ๐—ถ๐—ฐ๐˜€ ๐—–๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ:
โœ”๏ธ Differential and Integral Calculus
โœ”๏ธ Elements of Differential Equations

๐Ÿ“… Mayo 18โ€“22, 2026
๐Ÿ•˜ 8:00 AM โ€“ 11:30 AM
๐Ÿ“ Function Room, Barangay Sauyo Hall

Huwag palampasin ang pagkakataong ito para mapalawak ang iyong kaalaman sa Math!

REGISTER NOW:
https://tinyurl.com/SauyoFreeMathTutorial2026
https://tinyurl.com/SauyoFreeMathTutorial2026
https://tinyurl.com/SauyoFreeMathTutorial2026





Photos from Barangay Sauyo's post 14/05/2026
14/05/2026

๐€๐›๐š, ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ซ๐ข๐ง๐ข ๐ง๐š ๐š๐ญ ๐ฌ๐š๐ ๐ฎ๐ญ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐š๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐Œ๐„๐๐“๐ˆ!

Limang Tulog nalang, PNCC na!

Gamit ang 1-2 na salita, sagutan ang aming tanong at makiisa sa bawat batang Pilipino.

๐€๐ง๐จ ๐š๐ง๐  ๐œ๐ก๐ข๐ฅ๐ ๐ฉ๐š๐ซ๐ญ๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ข๐ฒ๐จ?

PNCC Fact No. 2:

Isang nasyonal na plataporma ang PNCC upang ipahayag at talakayin ng mga bata sa mga duty-bearers, lider, at iba pang mga stakeholder ang mga isyung nakakaapekto sa kanilang karapatan nang sa gayoโ€™y itoโ€™y masolusyunan.

Sa PNCC, ang pananaw ng bata ay hindi lang pinakikinggan, kundi nirerespeto at pinahahalagahan.

โ€™Cโ€™yamNaPNCC
!

02/05/2026

๐Ÿ“š ๐—˜๐—ก๐—ฅ๐—ข๐—Ÿ๐—Ÿ๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—จ๐—ก๐—จ๐—ก๐—š๐—”๐—ก ๐—ข๐—ก ๐—ช๐—›๐—˜๐—˜๐—Ÿ๐—ฆ! ๐Ÿšโ˜€๏ธ

Magandang balita, Barangay Sauyo! Bukas na ang registration para sa ๐—”-๐—ž๐—ข๐—ช: ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ, isa sa mga programang hatid ng Karunungan on Wheels (KOW)! ๐ŸŽ‰

๐Ÿ“… Petsa ng Programa:
๐Ÿ—“๏ธ May 11 โ€“ June 5, 2026
๐ŸŽ“ Graduation Day: June 6, 2026

๐Ÿ“ข ๐—ฃ๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”: Ang programang ito ay para lamang muna sa mga residente ng Baluyot, Barangay Sauyo.

๐Ÿ“Œ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ก๐—œ๐—›๐—”๐—›๐—”๐—ก๐——๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—ง๐—”:
๐Ÿ‘ถ Binhรฎ (4โ€“5 taong gulang)
๐Ÿง’ Punlรข (6โ€“7 taong gulang)
๐Ÿ•— 8:00 AM โ€“ 10:00 AM

โœ… Layunin ng programa na ihanda ang mga bata sa pagpasok sa Daycare, Kindergarten, at Grade 1!

๐Ÿง  ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—”๐—ธ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ:
โœ๏ธ Foundational at advanced writing
๐Ÿ”ข Pagbibilang at numeracy
๐Ÿ“– Literacy at comprehension

๐Ÿ“ฅ ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ข ๐— ๐—”๐—ž๐—”๐—ฃ๐—”๐—š-๐—˜๐—ก๐—ฅ๐—ข๐—Ÿ๐—Ÿ?
Magpunta sa link na ito upang magparehistro:
๐Ÿ”—https://tinyurl.com/A-KOW-Ang-Simula-2026

๐Ÿ“ฃ Abangan sa inyong mga area ang susunod na installment ng A-KOW: Ang Simula!
Hindi lang ito isang programaโ€”ito ay isang kilusan para sa Edukasyon para sa Lahat. ๐ŸŒฑ๐Ÿ“–





01/05/2026

Ngayong araw, ating ipinagdiriwang ang lakas, dedikasyon, at kasipagan ng bawat manggagawang Pilipino na patuloy na nagtataguyod at nagpapalakas sa ating mga komunidad nang may puso at layunin. ๐Ÿ’ชโœจ

Sa pagdiriwang na ito ng Araw ng Manggagawa, ang Barangay Sauyo Childrenโ€™s Association ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga magulang, tagapag-alaga, boluntaryo, at lider na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa amin upang maglingkod, mamuno, at mangarap nang mas mataas. Ang inyong mga sakripisyo ay hindi nasasayangโ€”kayo ang humuhubog sa mas maliwanag na kinabukasan ng kabataan. ๐ŸŒฑ

Patuloy tayong maglingkod nang may puso at malasakitโ€”para sa kabataan, para sa bayan. Happy Labor Day! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Photos from Binibining Pilipinas's post 16/04/2026
16/04/2026

United Nations volunteers bring their skills and passion to the world.

Design ๐ŸŽจ Project development ๐Ÿ“Š

Writing & editing โœ๏ธ Research ๐Ÿ–ฅ๏ธ

During this International Volunteer Year, get inspired and learn how you can join UN Volunteers: https://www.unv.org/

Photos from Barangay Sauyo Children's Association's post 15/04/2026

Patuloy na ipinapakita ng Barangay Sauyo Childrenโ€™s Association ang kanilang malasakit sa kalikasan at komunidad sa pamamagitan ng serye ng mga gawain ngayong linggo sa 188 Urban Farm, katuwang ang Barangay Council for the Protection of Children at ang Committee on Environmental Sanitation, Beautification, Parks and Playground, at may suporta mula sa World Vision sa pamamagitan ng kanilang mga pagsasanay at seminar kung saan natuto ang mga child leaders tungkol sa environmental sustainability at climate action.

Noong Abril 13, bumisita ang grupo upang suriin ang mga tanim na gulay at halaman, bilang paghahanda sa tamang paglalagay ng mga label. Sumunod na araw, Abril 14, nagsimula silang gumawa ng mga label gamit ang mga recycled na lalagyan ng ice cream at pininturahan ang mga ito upang maging makulay at kaaya-aya.

Noong Abril 15, inilagay na nila ang mga label sa bawat halaman, nagtanim muli ng talong at papaya, at nagplano para sa paggawa ng arko na magsisilbing palamuti at simbolo ng pagtanggap sa mga bisita sa urban farm.

Ang mga gawaing ito ay patunay ng aktibong partisipasyon ng kabataan sa Barangay Sauyo sa pagsusulong ng sustainable urban farming, pagkamalikhain, at pagkakaisa ng komunidadโ€”na higit pang pinatatatag sa tulong ng mga konseho, komite, at mga organisasyong katuwang sa barangay. ๐ŸŒฑ

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Barangay Sauyo Hall
Quezon City
1116