25/06/2026
|| ๐๐๐-๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐. ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ (๐๐๐๐)
Tuwing Hunyo 23, ginugunita ng Mt. Mantalingahan Protected Landscape (MMPL) ang anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang isang protected area. Noong ๐๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐, sa bisa ng ๐๐ซ๐จ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ. ๐๐๐๐, ๐ฌ. ๐๐๐๐, nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang proklamasyon na nagtalaga sa Mt. Mantalingahan Mountain Range bilang isang Protected Landscape sa ilalim ng National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act of 1992. Ang proklamasyong ito ang naging mahalagang hakbang sa pangangalaga ng isa sa pinakamahalagang kagubatan at biodiversity areas ng Palawan.
Sa temang โ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐ผ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐,โ matagumpay na ipinagdiwang ng MMPL ang ika-17 taon ng pagkakaisa at pangangalaga sa kalikasan.
Matagumpay na idinaos ang pagdiriwang sa pangunguna ni SVEMS Renato Gonzaga, OIC CENRO Brooke's Point and Concurrent PASu ng MMPL katuwang ang Protected Area Management Office (PAMO) na ginanap noong Hunyo 23, 2026 sa Sitio Kakawitan, Bgy. Tagusao, Quezon, Palawan, kung saan nagtipon-tipon ang mga katutubo, katuwang ang mga tagapangalaga ng MMPL upang gunitain ang mahalagang okasyong ito at patatagin ang kanilang pangako sa pangangalaga ng kalikasan.
Nakiisa sa pagdiriwang sina Hon. Richristopher Magbanua, kinatawan ni Congressman Jose Chaves Alvarez (JCA) ng Ikalawang Distrito ng Palawan, Hon. Lily G. Torrico, Municipal Mayor ng Quezon, Sir Valentino Palasigue, kinatawan ng Municipyo ng Bataraza, CENRO Leonard T. Caluya ng CENRO Quezon, Palawan, kasama ang mga Punong Barangay at iba pang mga miyembro ng Protected Area Management Board (PAMB), mga katuwang mula sa NGOs, at iba pang stakeholders.
Hindi magiging matagumpay ang pagdiriwang na ito kung hindi dahil sa walang sawang suporta at pakikiisa ng ating PAMB Membersโmga Punong Barangay, mga Municipal Mayor mula sa mga Munisipyo ng Bataraza, Brookeโs Point, Quezon, Rizal, at Sofronio Espaรฑola, DENR-CENRO Quezon personnel at ng Conservation International Philippines. Gayundin, taos-puso rin ang aming pasasalamat sa mga indibidwal na nagpaabot ng kanilang mga donasyon at tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gamit, damit, at iba pang pangangailangan para sa pagdiriwang.
Ang inyong kabutihang-loob at suporta ay patunay na ang pangangalaga sa Mt. Mantalingahan ay isang sama-samang adhikain at isang responsibilidad na pinagbubuklod ng malasakit para sa kalikasan at sa komunidad.
Mula sa mga kabundukan hanggang sa mga pamayanan, patuloy nating ipagdiwang ang ugnayang nagbibigay-buhay sa kalikasan at sa ating pagkakakilanlan.