28/09/2026
👀EYES HERE!👀
Matagumpay na isinagawa noong ika-25 ng Setyembre and 2026 Search for Exemplary 4Ps Children sa Bayan ng Buenavista.
Ang gawaing ito ay naglalayong kilalanin ang mga batang benepisyaryo ng 4Ps na nagsisilbing mabuting halimbawa sa kanilang mga tahanan, paaralan, at komunidad. Bukod dito, layunin din nitong hikayatin ang patuloy na pagtupad ng mga bata sa kanilang mga obligasyon sa programa at itaguyod ang pagiging ehemplo ng mga batang 4Ps sa pamamagitan ng pagtupad sa mga gampanin, kahanga-hangang pag-aaral, at aktibong pakikilahok sa paaralan at komunidad.
Itinanghal bilang 2026 Search for Exemplary 4Ps Children Winner si Piona P. Rivera mula sa Brgy. Lilukin, Buenavista, Quezon at magiging opisyal na kinatawan ng Bayan ng Buenavista sa gaganaping Cluster Screening sa ilalim ng POO 2 - Quezon Cluster 3.
Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot sa Lokal na Pamahalaan ng Buenavista, mga katuwang na ahensya at stakeholders, mga miyembro ng Sreening Committee at sa lahat ng mga batang naging kalahok at kanilang mga magulang sa patuloy na aktibong pakikibahagi sa gawain ng programa.