30/07/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ (๐๐๐๐) | Barangay Rizal, Panukulan, Quezon
Bilang bahagi ng pagpapatupad ng DSWD KALAHI-CIDSS Panahon ng Pagkilos: Philippine Community Resilience Project (PCRP), matagumpay na isinagawa ang Participatory Risk and Vulnerability Assessment (PRVA) Community Walk-Through sa Barangay Rizal, Panukulan, Quezon.
Nakiisa sa isinagawang aktibidad ang Municipal Resilience Team (MResT), sa pangunguna ni Municipal Mayor Hon. Alfred Rigor S. Mitra, at ang mga opisyal ng barangay, sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Dodgie S. Benaid, kasama ang mga community volunteers, KALAHI-CIDSS Staff, at iba pang stakeholders.
Sama-samang nilibot ang ibaโt ibang bahagi ng komunidad upang matukoy ang mga lugar na may banta ng panganib, masuri ang kalagayan ng mga kabahayan, kabuhayan, at mahahalagang pasilidad, at makita ang accessibility ng mga evacuation center, health facilities, at iba pang kritikal na imprastraktura.
Ang mga impormasyong nakalap mula sa gawaing ito ay magsisilbing mahalagang batayan sa pagbuo ng mga angkop na plano at subprojects na magpapalakas sa kahandaan, katatagan, at kakayahan ng Barangay Rizal na makaiwas, makatugon, at makabangon mula sa mga sakuna at epekto ng climate change.
Sa KALAHI-CIDSS PCRP, ang bawat hakbang ay tungo sa isang mas ligtas, mas matatag, at mas handang komunidad.