PDAO - Quezon, Palawan

Directions

PDAO - Quezon, Palawan Official page of the Persons With Disability Affairs Office of the Municipality of Quezon, Palawan

03/09/2026

Hello to the Medical and PDAO Community!

Please take note:

“Late-Deafened” is the appropriate term when referring to people who were hearing during childhood or earlier in life and later lost some or all of their hearing.

We respectfully ask everyone to avoid using “hearing impairment” when referring to Late-Deafened or Deaf people, and instead use terminology that respects each person’s identity and preference.

Thank you!

DISCLAIMER:
All content belongs to the original author and is shared by the National Advocates for Deaf Awareness and Accessibility (NADAA) for advocacy and educational purposes.

Unauthorized copying, reproduction, or use without permission is prohibited and protected under Philippine copyright law (Republic Act No. 8293).

03/09/2026
03/09/2026

The Municipal Government of Quezon, Palawan joins in the celebration of the 126th Philippine Civil Service Anniversary this month of September 2026. This year’s theme is still “Puso, Dangal at Galing para sa Bayan!

03/09/2026
Ang TAWAG Program (Tuloy Aral Walang Agwat Program) na pinangangasiwaan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO)...
03/09/2026

Ang TAWAG Program (Tuloy Aral Walang Agwat Program) na pinangangasiwaan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) sa Quezon, Palawan ay nakatutok sa pagbibigay ng tulong-pinansyal at edukasyonal na suporta para sa mga mag-aaral na may kapansanan (Learners with Disabilities)

​(August 24 at 26, 2026):

​Grade Levels na Kasama: Mula Grade 1 hanggang Grade 12

​Sektor na Binahagian:
​Mga mag-aaral na Persons with Disabilities (PWDs)

​Layunin ng Programa: Tiyakin na walang batang may kapansanan ang nahuhuli sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay suportang pinansyal para sa pumasok na taong-aralan.

03/09/2026

📍 Papunta sa PDAO? Tara, samahan ka namin! 😄

Mula Municipal Hall hanggang PDAO, sundan lang ang daan! 🚶‍♂️➡️🏢

🎥 Panoorin ang video para hindi maligaw! 😄💙

Isang makabuluhan at produktibong pagtitipon ang naganap sa ating QDAPF 3rd Quarterly Meeting katuwang ang PDAO noong Ag...
01/09/2026

Isang makabuluhan at produktibong pagtitipon ang naganap sa ating QDAPF 3rd Quarterly Meeting katuwang ang PDAO noong Agosto 27, 2026 sa Quezon Municipal Cultural Center.

​Mas pinatibay natin ang ating pagkakaisa at direktang tinalakay ang mga programang naglalayong mas mapaganda ang kapakanan, karapatan, at serbisyo para sa ating mga kababayang may kapansanan sa bawat barangay.

​Mga Pangunahing Agendang Tinalakay:

▪️​Updates sa Educational Assistance (Kabilang ang ulat ukol sa mga no-show)

▪️​Updates sa Quarterly Accomplishment Report

▪️​Pagtatag at pagpapalakas ng Barangay Women's and Youth with Disability Organization

▪️​Iba pang mahahalagang usapin (Other Matters)

Nagbahagi din ang PDAO ng updates at status ng operasyon ng opisina kasama ang mga pangunahing programa at serbisyo.

​Maraming salamat sa ating mga PWD President sa inyong walang-sawang liderato, oras, at presensya. Dahil sa inyong aktibong pakikilahok, masisiguro nating walang maiiwan sa ating komunidad!
​Sama-sama nating itaguyod ang mas inklusibo at progresibong bukas.

🇵🇭 PAGGUNITA SA PAMBANSANG ARAW NG MGA BAYANI 2026Sa darating na Agosto 31, 2026, ating gunitain ang Pambansang Araw ng ...
28/08/2026

🇵🇭 PAGGUNITA SA PAMBANSANG ARAW NG MGA BAYANI 2026

Sa darating na Agosto 31, 2026, ating gunitain ang Pambansang Araw ng mga Bayani (National Heroes Day)—isang araw upang parangalan at alalahanin ang mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at paglilingkod para sa kalayaan at kapakanan ng ating bansa.

Ang pagdiriwang na ito ay nagsisilbing paalala na ang kabayanihan ay hindi lamang nasusukat sa pakikipaglaban, kundi maging sa tapat na paglilingkod, malasakit, at paggawa ng mabuti para sa kapwa at bayan.

Ang Agosto 31, 2026 ay idineklarang regular holiday sa ilalim ng Proclamation No. 1006, s. 2025, na nagtatakda ng mga regular holidays at special (non-working) days para sa taong 2026.

Saludo sa lahat ng bayaning Pilipino—noon, ngayon, at sa hinaharap! 🇵🇭

🕊️ PDAO Burial Assistance Para sa mga Rehistradong PWDs​Para sa mga naulilang pamilya ng ating yumaong PWD member, narit...
19/08/2026

🕊️ PDAO Burial Assistance Para sa mga Rehistradong PWDs

​Para sa mga naulilang pamilya ng ating yumaong PWD member, narito ang mga pangunahing dokumento na kailangan ihanda para sa pag-aapply ng Burial Assistance:

☑️​📄 Tatlong (3) Certified True Copies ng Death Certificate

☑️​🪪 Valid ID ng Claimant o Tagapag-ayos

☑️​🆔 Original PWD ID ng yumao (Para i-surrender sa tanggapan)

​💡 Paalala: Mangyaring kumpletuhin ang mga nabanggit na requirement bago magtungo sa ating PDAO office upang mas mabilis na maiproseso ang inyong aplikasyon at tulong pinansyal.

​Para sa karagdagang impormasyon o mga katanungan, huwag mag-atubiling mag-mensahe sa ating pahina o bumisita sa opisina.

🎉🎂 Maligayang Kaarawan, Sir Christian Balacano! 🎂🎉Buong PDAO Family ang taos-pusong bumabati sa iyo ng isang maligaya, m...
18/08/2026

🎉🎂 Maligayang Kaarawan, Sir Christian Balacano! 🎂🎉

Buong PDAO Family ang taos-pusong bumabati sa iyo ng isang maligaya, makabuluhan, at punong-puno ng biyaya na kaarawan! 🥳💙

Nawa’y patuloy kang pagkalooban ng Diyos ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at maraming dahilan upang ngumiti at maging masaya. Salamat sa iyong dedikasyon, sipag, at malasakit sa ating mga PWD at sa buong komunidad. Tunay na malaking bahagi ka ng ating PDAO Family! 🤗💙

Hiling namin na maging masaya at makulay ang iyong bagong taon ng buhay, kasama ang mga taong mahalaga sa iyo. Enjoy your special day, Sir Christian! Deserve mong maging masaya! 🎁🎈

Maligayang Kaarawan at God bless you always! 🎂🙏💙

Address

Alfonso XIII
Quezon
5304

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PDAO - Quezon, Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category