Niño dela Cruz

Niño dela Cruz

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Niño dela Cruz, Public Service, .

Photos from Niño dela Cruz's post 18/01/2026

VIVA SANTO NIÑO!

Muli tayong nakiisa sa pagdiriwang ng kapistahan ng minamahal nating Sto. Niño de Tondo kasama ang grupo ng Dirty Harry mula sa Mabagos Street. Napakasayang makita muli ang ating mga kababayan sa Tundo, na nagdiriwang at nagpapasalamat sa lahat ng biyaya ni Sto. Niño.

Panalangin ko ang patuloy Nyang paggabay sa ating lahat. Muli Nyang ipanapaalala sa atin na magmahal na Diyos na parang inosenteng bata - buong galak, at punong-puno ng pagtitiwala at pag-asa.

01/01/2026

Mapag-pala,malusog,at matagumpay na 2026 po sa ating lahat! Nawa’y maging biyaya tayo isa't isa.😊

God bless us all!

22/12/2025

Maraming salamat po sa mga laging nakakaalala sa aking mahal na Lolo Fred. Happy birthday in heaven, Lolo.🤍🙏🏻

Isa sa paborito kong kuha natin Lolo, noong sinasamahan po kita sa bawat Simbang Gabi. Maligayang kaarawan po sa langit. Miss na miss ko na po kayo.

26/11/2025

Kasama ang Bayan ng Tondo, buong puso kaming nagagalak, nagpapasalamat, at nakikiisang bumabati sa Dambana ng Sto Niño de Tondo sa pagkakahirang nito bilang Minor Basilica.

Nawa’y patuloy niyo kaming gabayan patungo sa buhay na may pagmamahal sa Diyos, malasakit sa kapwa, at pagmamahal sa lahat ng nilikha.

𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐈𝐍 | The Holy Father, Pope Leo XIV, has elevated the Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño de Tondo to the rank of Minor Basilica, through a Decree dated November 9, 2025, the Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome.

The date of the Solemn Declaration of the Minor Basilica will be announced soon.

𝐕𝐢𝐯𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨 𝐍𝐢ñ𝐨!

09/11/2025

Manatili tayong ligtas, mga ka-distrito. Sumunod sa mga paalalang pangkaligtasan ng pamahalaan at patuloy na manalangin sa ating Panginoon.



22/09/2025

Stay safe, mga ka-distrito!

HEAVY RAINFALL WARNING (issued at 5 p.m., September 22, 2025 for and Habagat)

🔴 Red Level
• Batanes
• northern Cagayan including Babuyan Islands
• Apayao
• Abra
• Benguet
• northern Ilocos Norte

🟠 Orange Level
• Metro Manila
• central Cagayan
• western Kalinga
• western Mountain Province
• rest of Ilocos Norte
• Ilocos Sur
• La Union
• Zambales
• Bataan
• Tarlac
• Pampanga
• Bulacan
• western Rizal
• western Cavite

🟡 Yellow Level
• rest of Cagayan
• rest of Kalinga
• central Mountain Province
• western Ifugao
• western Pangasinan
• rest of Rizal
• rest of Cavite
• Laguna
• Batangas
• Quezon

⚠️ Widespread and serious flooding and landslides are expected in these areas as heavy rainfall continues. | via Ariel Rojas, ABS-CBN News

07/08/2025

Mahal kong Lolo Fred,

Tuwing ika-walo ng Agosto,
Ginugunita namin ang alaala mo.
Lingkod-bayang totoo,
Iniisip lagi ang kapakanan ng tao.

Limang taon na ang lumipas,
Ang araw tila ay pumaspas.
Limang taon na ang lumipas,
Buhay na buhay ka pa rin sa amin,
kailanman ay hindi kukupas.

Araw-araw ka namin inaalala,
Araw-araw ka naming minamahal.
Alfredo Lim ang ngalan,
Amin kang ikinararangal.

ALFREDO S. LIM
5th Death Anniversary
Agosto 8, 2025

Photo courtesy of www.imdb.com

12/06/2025

Happy Independence Day, mga ka-distrito at mga kapwa Pilipino!
🇵🇭🇵🇭🇵🇭

Maligayang Araw ng Kasarinlán 🇵🇭💙💛❤️

Ipinaglaban nila kalayaan noon; ipaglaban natin ang katotohanan ngayon.


14/05/2025

Sa Lungsod ng Maynila, lalo't higit sa Bayan ng Tundo, maraming salamat sa lahat-lahat. Pagpalain nawa tayo ng Panginoon.

Noon, ngayon, at sa hinaharap, mananatiling TAPAT at TOTOO.

06/05/2025

Isang mapagpala at masayang pagbati ang ipinaaabot namin sa iyong kaarawan, Mayor Dra. Honey Lacuna.

Dalangin po namin sa Panginoon para sa iyo ay mabuting kalusugan, tunay na kaligayahan, at patuloy na tagumpay sa iyong paglilingkod.

Marami po ang nagmamahal sa inyo. Mahal ka naming mga Manileño!

Want your business to be the top-listed Government Service?

Culinary Team

Attire

Website