24/07/2026
Halina't sama-sama nating ipagdiwang ang ika-52 na pambansang selebrasyon ng Nutrition Month dito sa Barangay Cabugao! π
Ngayong taon, ang nasabing selebrasyon ay may temang "βNUTRISYON AT KALIKASAN ATING PANGALAGAAN!β
Abangan ang mga Highlights ng ating selebrasyon ngayong taon!
Kaya ano pang hinihintay nyo? Tara na't makisaya at panatilihin nating masigla at malusog ang ating pangangatawan!
Imbitahan na ang inyong mga kabarangay na dumalo ngayong July 29 na 'yan, 8:00 ng umaga sa ating Cabugao Covered Court.
Para sa Matatag, Malusog, at Masiglang Cabugao... madya na!π«Άπ»
21/07/2026
LOOK: π€ BLGU CABUGAO AT CASURECO I, NAGKAISA PARA SA MAS MAAYOS, MAS LIGTAS, AT MAS TRANSPARENT NA SERBISYONG ELEKTRIKAL SA ATING BARANGAY
(Ika-20 ng Hulyo, 2026 @ CASURECO I Main Office, Brgy. Puro-Batia, Libmanan, Camarines Sur)
x~
Patuloy na kumikilos ang Barangay Local Government Unit (BLGU) ng Cabugao upang matiyak ang mas maayos, mas ligtas, at mas transparent na serbisyo ng kuryente para sa bawat mamamayan at member-consumer ng ating barangay.
Kaugnay nito, nagsagawa ng Consultative at Courtesy Meeting ang BLGU Cabugao sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Melinda B. Camacho, kasama ang mga Kagalang-galang na Miyembro ng Sangguniang Barangay, at ang pamunuan ng Camarines Sur I Electric Cooperative, Inc. (CASURECO I) sa pangunguna ni General Manager, Ms. Edna M. Valerio, kasama ang mga Department Heads ng kooperatiba.
Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang ilang mahahalagang usapin na may direktang epekto sa serbisyo ng kuryente sa ating barangay, kabilang ang:
β‘ Pag-aalis/Pagsasa-ayos ng BAPA (Barangay Association of Power Administration) Status ng Barangay Cabugao at ang paglipat sa direktang serbisyo ng CASURECO I;
π Pagsasagawa ng Comprehensive Audit at pagpapatibay ng Financial Accountability;
π΄ Pagbibigay ng Technical Assistance ng CASURECO I para sa pagputol ng mga punong niyog na nakaaapekto sa mga linya ng kuryente upang maiwasan ang mga aberya at mapanatili ang kaligtasan ng publiko;
π Pagtalakay sa isyu ng mga Illegal Attachment ng mga kable ng PisoNet at PisoWiFi sa mga poste ng CASURECO I at ang koordinasyon para sa wastong pag-validate at pagsasaayos nito alinsunod sa umiiral na mga patakaran;
π‘ Mga nakatakdang Future Electrification Projects at iba pang usaping may kaugnayan sa pagpapabuti ng serbisyo ng kuryente sa Barangay Cabugao.
Bilang mahalagang bunga ng pagpupulong, napagkasunduan ang pagsasagawa ng Consultative Meeting, Information Drive, at Field Pre-Membership Seminar (FPMS) sa Agosto 12, 2026 (Miyerkules), ganap na alas-1:00 ng hapon, sa Cabugao People's Covered Court, Zone 1, Barangay Cabugao, Ragay, Camarines Sur.
Inaanyayahan ang lahat ng member-consumers na makiisa at dumalo sa nasabing aktibidad kung saan tatalakayin ang mga sumusunod:
β’ Reorganization ng BAPA sa Barangay Cabugao;
β’ Comprehensive Audit at Financial Report;
β’ Information Drive at Symposium; at
β’ Iba pang mahahalagang usapin na may kaugnayan sa serbisyo ng kuryente.
Ang pagpupulong na ito ay isang patunay ng matibay na pagtutulungan ng BLGU Cabugao at CASURECO I upang isulong ang isang mas bukas, responsable, at makataong pamamahala, na nakatuon sa kapakanan ng bawat mamamayan.
"Sa BLGU Cabugao, ang Serbisyong Tapat, Makatarungan at Responsable ay Patuloy na Isinasabuhay. Sapagkat ang Serbisyo-Publiko ay isang Responsibilidad at Sagradong Tiwala at Pananagutan sa ating mamamayan."
29/06/2026
PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT mula po sa MSWDO-Ragay:
POSTPONED na muna po ang SOCIAL PENSION PAY OUT NATIN BUKAS ng SENIOR CITIZEN, dahil po ito sa bagyong parating bukas. Nag labas po ng order ang Provincial Government ng RED ALERT STATUS, upang maiwasan ang kahit na anong sakuna na maaring kaharapin dahil po sa bagyong parating bukas. Ayaw po ng MSWDO na isaalang-alang ang kahit na ni isa ninyong kapakanan. Sana po ay inyong nauunawaan ang sitwasyon. Mag aanunsyo po ang MSWDO kung kailan ulit ang schedule.
Maraming Salamat po.
17/06/2026
MAHALAGANG ANUNSYO Mula sa DSWD Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) π£π£
Narito na po ang mga bagong Beneficiary ng 4Ps:
β
VELONZA, WILLIAM ARENAS
β
FELIX, RECHELLE RAMOS
β
MARTILLANA, MICHAEL AQUINO
β
GONZAGA, MARIO VALIENTE
β
ARINGO, LEONEL RODA
β
RUBIO, RICO BALAGUER
β
ARINGO, JHONATAN RODA
β
GRIMPLOMA, CHRISTY RENANTE
β
MANRIZA, MOISES BEBAΓO
β
TIMAJO, JASON BELISTA
β
SURIMA, JONER VICENTADO
β
VILLAMIN, MARICEL LORIO
β
BERTILLO, ARNEL ASTILLERO
CONGRATULATIONS PO sa ating mga bagong Beneficiaries! At Maraming salamat sa ating mga taxpayers sa pagsuporta sa programang ito.
πππππππ ππππππ ππ πππππ:
Tanging ang Pamahalaang Barangay ng Cabugao ang opisyal na inatasang magdisseminate ng impormasyon patungkol sa mga bagong beneficiaries ng 4Ps na nanggagaling pa po sa DSWD. Sinumang hindi konektado o hindi empleyado/opisyal ng Pamahalaan ang makakausap po ninyo patungkol dito at hihingan kayo ng kapalit na pabor ay WALANG PAHINTULOT MULA SA PAMAHALAAN. Tandaan po nating meron po tayong Anti-Epal Policy na umiiral sa buong Pilipinas, kaya kung may makaka-encounter po kayo na indibidwal na ganito, inaabisuhan po namin na i-disregard po sila at ireport po sa amin upang maharap sila sa kaukulang bayolasyon na naaayon sa nasabing polisiyang nasyonal.
Para sa iba pang detalye, makipag-ugnayan lamang po sa ating Punong Barangay, Sectoral Kagawad sa ating nasasakupang Zone, o sa ating mga Parent Leaders ng 4Ps dito sa ating Barangay. Pwede po kayong dumirekta dito sa ating Barangay Hall. Maraming salamat po.
16/06/2026
ANNOUNCEMENT POπ£π£
WHAT: Satellite Blood Donation Drive
WHO: All residents of Barangay Cabugao, Ragay, Camarines Sur
WHEN: June 17, 2026, 8:00 AM onwards
WHERE: Cabugao People's Covered Court, Zone 1, Cabugao, Ragay, Camarines Sur
Paki-share po ito at imbitahan natin ang ating mga kaibigan, mga kamag-anak, at mga kapwa nating CabugaoeΓ±os... See you tomorrow!