09/10/2026
HIGIT P143.4-M REAL, PERSONAL PROPERTIES, WALA RAW SA SALN NI VP SARA
Bukod sa higit P207 milyong cash discrepancy, pinalutang ng Prosekusyon sa pamamagitan ng forensic expert na si Atty.
Alexander Cabrera ang milyun-milyon umanong halaga ng iba pang ari-arian ng mag-asawang Duterte-Carpio na hindi isinama sa opisyal na Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Kabilang sa hindi umano idineklarang other personal and real properties mula 2022 hanggang 2025 ang insurance policies, fi****ms o mga baril, kita mula sa mga kompanya, at iba pa na nagkakahalaga ng higit P143 million.